I've learned how to become invincible for the last four years of my life. And now that the stakes are higher than before, I put all those hard-earned lessons to use. I kept my head down, and avoided eye contact and crowded places in school. I never spoke to anyone except to my teachers when they're talking to me. I even played dumb during recitations in class just so I wouldn't stand out.
Ilang beses ko nang nakasalubong si Rigo sa hallway pero pareho kaming hindi nag-imikan. Parang bumalik lang kami sa dati, parang hindi ulit kami magkakilala dahil kahit magtinginan at magtanguan ay hindi namin magawa. I felt a twinge of regret, but there isn't anything he or I can do about it. We are both prisoners of the societal norms we live in.
Instead of eating in the cafeteria with the others during break time, I stayed in the unvisited corners of the library trying to catch up on two-days worth of missed lessons.
I was absent from class for a couple of days because Rigo's mom ordered me to rest at home after she had a white dragon from our clan treat my wounds.
Hinihintay ko si Kuya Alaric dito sa library dahil nag-text siya na ituturo niya sakin ang mga nakaligtaan kong aralin.
We started studying the moment he came. Nang maihanda na niya ang libro ko sa tamang pahina, pahapyaw ko itong binasa para makita kung tungkol saan ang ituturo niya.
"Dragon Colors and their Powers" ang titulo ng kabanata. I'm already familiar with the lessons. Mayroon kasi akong tutor nung buhay pa ang mga magulang ko at naituro na sakin 'yun. Gayunpaman, hinayaan kong mag-lesson si Kuya Alaric.
"Mayroong limang uri ng dragon ayon sa kanilang kulay at bawat isa sa kanila ay may mga natatanging kapangyarihan. Most dragons find mates within their own colors kaya iisa lang ang kinabibilangan kulay ng mga pamilya sa lahi natin. There are a few recorded incidents where two dragons of different colors marry, but the rule is that they and their children will belong to the color of the patriarch. Once a child of age shows the color of their dragon, 'tsaka lang siya makakapamili ng grupo na kabibilangan niya ayon sa kulay niya. Maari mo bang isa-isahin ang mga kulay na tinutukoy ko?"
Tumango ako bago nagsalita. "Black, White, Blue, Brown and Red Dragons."
Ngumiti siya tanda na tama ang sagot ko. "Isa-isahin natin ang bawat kulay at ang kanilang kapangyarihan. Umpisahan natin sa mga itim na dragon." Napansin ko ang bahagyang pagdilim ng kanyang ekspresyon nang mabanggit ang mga dragon na nagpahirap sakin nitong mga nakaraang taon. "Ang mga may kapangyarihan ng kuryente at teknolohiya ay nabibilang sa itim na mga dragon. Sila din ang pisikal na pinakamalakas kaya madalas ay mahirap silang talunin sa labanan." He paused before discussing the next dragons. "Sumunod ang mga puting dragon na may kapangyarihan ng hangin at ang pinakamabilis lumipad at kumilos. The only ones of our kind who has the ability to heal themselves and others."
Naalala ko ang nasaksihan kong labanan sa pagitan ng itim at puting dragon kaya hindi ko napigilan ang magtanong. "Sino po kaya ang mananalo sa pagitan ng dalawang uri ng dragon na nabanggit niyo? Malakas ang mga itim pero mabilis naman at healer ang mga puti."
Natigilan si Kuya Alaric sa naging tanong ko pero nagawa niya rin sumagot matapos ng ilang segundo. "It's really hard to tell because they both have abilities that can be considered an advantage during combat. But according to behavioral studies of dragons, white dragons are rarely confrontational. Madalas ay sinisikap nilang maresolba sa mapayapang paraan ang mga problemang kinakaharap nila. Kaya nga sa larangan ng medisina ang kadalasang propesyon nila. They like to heal wounds rather than inflict them." Mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
A Dragon's Plight (ONGOING)
FantasiaHumans might think that being born as a dragon comes with many perks. Little did they know that it isn't as awesome as they think it is. Sure, dragons are stronger and live longer than mere mortals or any other immortals out there. But when you're...