"Are all the knights in place?" Tanong ni Rigo kay Kuya Alaric.
We were crouched in the forest near the dragon village where we used to live.
"Handa na silang lahat. Nasa posisyon na din pati ang dating mga dragon ni Callixto." Ulat ni Kuya Alaric.
Pagkatapos makausap ni Rigo ang kanyang mga mandirigma, napagpasyahan nila ni Kuya Alaric na puntahan muli ang nakasagupa naming mga dragon upang tanungin tungkol sa mga nakasalamuha nilang mga nilalang bago nagbago ng ugali ang kanilang pinuno. Karamihan sa kanila ay walang napansing kahina-hinala pero may naalala ang kanang-kamay ni Callixto. May kinatagpo ang puting dragon pagkatapos makatanggap ng telegrama mula sa isang malaking uwak. Kaagad naming tinanong kung kailan 'yun at sa pagkakatanda niya, nangyari 'yun kinabukasan pagkatapos nilang makalaban sila Rigo sa paaralan namin.
Nang ipaliwanag namin sa kanila kung ano ang pinagdadaanan ni Callixto, nagpasya silang tulungan kami sa plano namin. Pasasalamat daw nila sa hindi namin pagbibigay sa kanila ng parusa at tulong na din sa dati nilang pinuno. Malinis daw ang hangarin ng binatang dragon sa paghahanap sa draconis corde bago ito biglang nagbago. Tanging ang dragon na makapangyarihan lang daw ang tanging makakatulong sa angkan nila.
Kabilang sila sa isang angkan ng mga dragon na isinumpa ng isang babaeng dragon na may mahika dahil sa pagtanggi ng ama ni Callixto na iwan ang pamilya para pakasalanan ito. Ayon sa kwento nila, dalawampung taon na silang nagdurusa sa sumpa nito na dahilan kung bakit hindi sila napipirmi ng teritoryo.
Napilitan daw silang lisanin ang dating lugar nila dahil dinudumog sila ng peste araw-araw. And after that, whenever they would settle down in another place, all the crops and animals of their clan would die without any reason at all. It was as if rotten luck are with them whenever they try to establish a territory. Their members who left their clan and tried to live in towns or cities inhabited by humans slowly lost their abilities to morph into dragons and became mortals themselves.
After hearing the sad tale of their lives, Rigo promised to help with their dilemma in the near future.
Nang marinig ni Rigo kay Kuya Alaric na handa na ang lahat, bumaling siya sakin. "Don't forget the gameplan, okay? Tayong dalawa lang ang magpapakita kay Daddy. "
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay dinugtungan ko na ito. "We'll have some dragons for back up while Kuya Alaric and the others gather their families for relocation. We're not declaring war on our former clan, we're only here to get information. It's up to the two of us to make the leader of the High Council talk. Hangga't maaari ay iiwasan natin ang dahas. I get it, Rigo. Don't worry about me. I'm not here for revenge or to gloat about the sudden turning of the wheels of fate."
Hindi nawala ang pag-aalala sa mukha niya. Alam kong iniisip niya na maaaring maalala ko ang mga pinagdaanan ko sa kamay ng tatay niya kapag nakaharap ko itong muli. Kinakabahan din naman ako pero nawala na ang galit na nararamdaman ko noon. Ang mahalaga na lang sakin ngayon ay ang magampanan ko nang mabuti ang tungkulin ko bilang tagapagmay-ari ng draconis corde at ang maging masaya kasama ni Rigo. Hindi ko magagawang ibaon sa limot ang mga masasamang alaala ko pero bubuksan ko ang isip at puso ko para mapatawad ang mga taong nakagawa sakin ng masama. Kasama na dun ang ama ni Rigo. Malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil isa siya sa nagbigay ng kasalukuyang buhay ni Rigo.
It was decided that Rigo would morph into a dragon and fly us there. I, on the other hand, would remain in human form and ride him. We would land not far from the gates of the dragon city so Rigo can change form and enter the gates.
Agad na nagbihis si Rigo nang makapagpalit-anyo siya pagkalapag namin sa isang liblib na lugar sa tapat ng pakay naming lugar. Nang maging presentable, mahigpit na hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad.
Hindi nakaligtas sa aking pansin ang panlalaki ng mga mata ng dalawang bantay ng gate nang makalapit kami sa poste nila.
"Open the gates and let us in. We're here to talk to my father." Rigo said in a voice full of power and authority.
The guards immediately followed his orders. Their wary gaze remained on us while we walk towards the building where the High Council's offices are.
Pati ang guard sa gusaling pinuntahan namin ay hindi kami sinita at hinarang. Binuksan kagad nila ang glass doors na para bang hinihintay nila ang pagdating namin. Marahil ay itinawag na sa kanila ng mga bantay na nakasalubong namin sa bukana.
Dire-diretso kami sa elevator para marating ang opisina ni Tito Harvey sa ika-walong palapag. Nang bumukas ang pinto ng elevator, bumungad samin ang lamesa ng kanyang sekretarya pero walang tao na nakaupo rito. Nagtaka man kami pareho sa dinatnan pero isinawalang-bahala na lang namin. Tinungo na namin ang nakasarang pinto ng pinuno ng High Council.
Naabutan namin siya na hinihilot ang kanyang mga sentido. Nakapikit din siya kaya napagkamalan niya pa kaming sekretarya niya.
"I told you not to bother me this morning, Alexis. Dalhan mo na lang ako ng gamot dahil masakit ang ulo ko." Utos niya.
"Dad." Sambit ni Rigo.
Agad na nagmulat ng mga mata ang kanyang ama. Nakitaan ko siya ng pangungulila nang makita niya ang nag-iisang anak. I was taken aback when his gaze suddenly became unfocused. A suspicion formed in my mind because of the sudden change. I tried reading his aura, one of the lesser powers that I learned, and found it a bit foggy. It was as if another aura is muddying and overpowering it.
Agad kong pinigilan si Rigo sa paglapit kaya napatingin siya sakin. "There's something wrong with him. He was himself when we got here. Pero biglang may nagbago sa kanya. His aura is now different." Sabi ko sa kanya gamit ang telepathic link namin. "Your dad, he needs our help. He's not himself. And I think it's been like that these past years. I think that whoever's controlling Callixto is controlling him too."
Muling binalingan ng tingin ni Rigo ang kanyang ama. Marahil ay para kumpirmahin ang hinala ko gamit ang sarili niyang kapangyarihan. I wonder why he didn't notice the change in his father right away. Kaya rin niyang basahin ang aura ng mga dragon pero bakit ngayon lang niya ito napansin.
Tahimik lang na pinagmamasdan kami ni Tito Harvey na para bang hinihintay niyang mauna kaming magsalita para matimbang niya ang isasagot samin.
We heard running footsteps outside before we could think of what to do with what we found out about his father.
Kaagad na kumilos si Rigo para iharang sa pinto ang mabigat na shelf na puno ng makakapal na libro. Binantayan ko naman ang kanyang ama.
Now that we know he's a puppet, hindi namin sigurado ang mga magiging kilos niya. He probably wouldn't hesitate hurting Rigo kahit na anak niya pa ito.
"We need to take him with us. He needs to stay in the dungeons with Callixto." Sabi ni Rigo nang matapos siya sa ginagawa.
Napatayo naman si Tito Harvey sa sinabi ng anak. "Magagawa mong ikulong ang sarili mong ama para diyan sa babaeng 'yan?! Nababaliw ka na kung sa tingin mo ay papayag ako sa gusto mong mangyari." Sigaw niya.
Instead of answering his father, he morphed into his dragon. Reading his mind on what he wants me to do, I faced his father and raised my palms toward him to render him unconscious. "I'm sorry for this Tito. We'll explain when you wake up."
Nang mawalan siya ng malay, hinila at kinarga ko siya sa likod ni Rigo bago ako sumakay. I made sure Tito Harvey was secure on his son's back before kicking my heels to Rigo's side to signal him to fly.
Shards of glasses shattered as we flew through the floor-to-ceiling windows of the office. We flew away from the village with Rigo giving out orders to our comrades to fly with us.
Hindi ko napiligang lumingon nang may marinig akong malakas na tawag ng isang ibon. And when I looked back, I saw Clarisse' father with a crow that's bigger than the average size perched upon his shoulders.
__________
011617/1035A
BINABASA MO ANG
A Dragon's Plight (ONGOING)
FantasyHumans might think that being born as a dragon comes with many perks. Little did they know that it isn't as awesome as they think it is. Sure, dragons are stronger and live longer than mere mortals or any other immortals out there. But when you're...