CHAPTER 10

97 11 5
                                    

Hindi kaagad ako bumangon pagkagising ko kinabukasan. Walong oras akong natulog pero hanggang sa panaginip ay naiisip ko pa rin ang mga sinabi sakin ni Rigo, ng mama niya at ni Kuya Alaric pagkatapos magbigay galang ng mga nakita kong dragon kahapon. Muli kong inalala ang mga isiniwalat nila kahapon sa isip ko.

"Bakit sila yumuyuko sakin? Bakit niyo ko pinagtanggol kahapon sa High Council? Bakit naririnig ko ang boses ni Rigo sa utak ko? Ano ba talagang nangyayari sakin?" Sunud-sunod kong tanong sa kanilang tatlo na nasa harapan ko matapos kaming iwan ng iba pang mga dragon.

"Huminahon ka muna Lia. Makakasama sa'yo ang sobrang emosyon sa ngayon. Kailangang matuto kang kalmahin ang sarili mo habang hindi mo pa gamay ang kapangyarihan ng dragon mo." Sumamo ni Kuya Alaric sakin. "Remember what I taught you about meditation? It's in preparation for this day. Hinanda ka na namin para sa unang pagpapalit-anyo mo."

Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Nang kaya ko nang pigilan ang histerya ko ay umupo muna ako sa sofa bago sila muling balingan. Lumapit si Rigo at umupo sa lamesang nasa tapat ng kinauupuan ko kaya nagpantay ang aming paningin.

He exhaled before trying to explain to me the recent strange events in my life. "You are said to be the reincarnation of the female dragon who possess the dragon's heart. Which means, you have an immeasurable amount of power. Uncontrolled power for now because you're still not used to it."

Muli kong naalala ang kwento ng magulang ko tungkol sa mag-asawang dragon na nakatira sa lugar na 'to. "The story my parents told me about two dragons who were lovers in all their lifetimes, is that also true?"

I saw something shift in Rigo's eyes. It was as if he was shutting all his emotions inside him. "It's still too early to tell you if they're true or not. Ang kailangan mo lang malaman sa ngayon ay ang katotohanang na na sa'yo ang draconis corde. You have to concentrate on that fact and learn how to wield its power."

Tama siya sa sinabi niya. Hindi importante ang fairy tale na hinabi ng mga magulang ko. Hindi importante kung totoo ang love story na kinalakihan ko. Kailangang matuto akong gamitin sa tama ang kapangyarihang mayroon ako. And to do that I need to know more about the dragon's heart to better understand it.

Tumayo si Rigo habang malalim akong nag-iisip. "I'll leave your training to Alaric. Alam kong mas madali kang matututo dahil mas kumportable ka sa kanya." Sabi niya bago umalis ng sala.

Wala akong nagawa kung hindi ang habulin siya ng tingin. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko maisatinig ang nais kong sabihin. I was torn between wanting him by my side and being terrified of depending on him again.

Pagkatapos ng usapan naming iyon, hiniling kong mapag-isa muna sa kwarto hanggang sa nakatulog na ko. At ngayon, naisip kong tama na ang kalahating araw na binigay nila kahapon sakin para sa pagmumukmok ko. Kailangan ko nang magsanay sa pagiging dragon kaya tumayo na ko para maligo't magbihis. Katulad kahapon, may nakalaan nang damit para sakin sa banyo.

Pagkatapos mag-ayos, lumabas kaagad ako ng silid para hanapin si Kuya Alaric. While walking, I prayed that I wouldn't bump into any other dragons. I was feeling uncomfortable in having to accept their bows because I know I don't deserve it yet. Kaya rin ako desididong magsanay nang mabuti. To earn their respect and admiration. I want to be worthy of the treatment I'm getting from them. I didn't want to let them down.

******

"Concentrate on your transformation Lia. Pakiramdaman mo ang bawat pagbabago na nangyayari sa katawan mo. Let your body and mind get used to every pain those changes bring. Kailangang masanay ka sa sakit hanggang sa maging manhid ka na dito." Pangaral ni Kuya Alaric sakin kaya tinuon ko ang aking buong atensyon sa pagsasanay namin.

Hindi na ko humingi ng paumanhin dahil sa saglit na paglalayag ng isip ko nang makita ko sa labas ng bintana ang pigura ni Rigo. Kausap niya si Freya at palabas silang dalawa ng gate ng kastilyo. Ilang araw na ang nagdaan simula nang sabihin nila sakin ang totoo at sa mga araw na lumipas, hindi ko na muling nakausap pa si Rigo. Kahit sa isip ko ay hindi ko na naririnig ang boses niya. Minsan ko
na lang din siya makita dahil lagi siyang umaalis ng palasyo.

"Why don't we take a break? Your heart isn't in our session today. May bumabagabag ba sa'yo Lia?" Hinintay ni Kuya Alaric na mag-anyong tao ako bago ako lapitan para tabingan ng kumot.

I trust Kuya Alaric with my life but I couldn't open up to him about the push and pull of my feelings for Rigo. Hindi ko maamin sa kanya na nami-miss kong makita at makausap 'yung lalaking 'yun. Alam ko namang maiintindihan niya ko pero pakiramdam ko kasi hindi siya ang taong dapat unang makaalam sa pangungulila ko. "Pagod lang siguro ako Kuya. Kaninang umaga pa kasi tayo nagte-training." Nginitian ko siya.

Hindi ko alam kung bakit natawa siya sa sinabi ko. "Siguro nga pagod ka pero hindi dahil sa ginagawa natin." Inakbayan niya ko bago ituloy ang sinasabi. "Huwag kang mag-alala kasi sigurado akong miss na miss ka na din ng iniisip mo. Sige na, magbihis ka na at maghahapunan na tayo."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "Kuya naman e! Nang-aasar ka pa." I played with the ends of the blanket he draped on me before asking him about Rigo. Alam kong kahit 'di ko sabihan ang pangalan niya ay makukuha na ni Kuya Alaric kung sino ang tinutukoy ko. "Okay lang ba talaga siya? Kasi parang nagkasakit siya dahil medyo pumayat siya 'tsaka mukha siyang laging pagod tuwing nasusulyapan ko siya. San ba kasi siya laging pumupunta?" Usisa ko.

Sumeryoso ang tingin niya sakin at napabuntong-hininga din siya. "Sinisiguro niya ang kaligtasan mo at nating lahat kaya binabantayan niya ang paligid nitong palasyo at minamanmanan ang kilos ng mga kahina-hinalang mga dragon sa lupa. Halos hindi na 'yun kumakain dahil laging walang gana o kaya naman laging abala. Bakit kasi hindi mo siya lapitan kapag nandito siya para kausapin? Hindi niyo na dapat pinatatagal 'yang away-bata niyo."

Napatungo ako sa pangaral niya. "Pinapangunahan ako ng kaba Kuya e. I guess it's because I'm never sure of what his reaction to me doing those things would be. I didn't know it'd be this scary."

"Mas matimbang ba ang takot kaysa sa kung anong nararamdaman mo para sa kanya? Tandaan mo Lia, madalas katuwaan lang 'yung mga katagang "walang forever" pero totoo ang nilalaman niya. Time with our loved ones is such a fleeting thing, here one moment and gone the next. We shouldn't waste a minute of it because of uncertanties and fear. There isn't anything in this life that you can be sure of. Kapag hinayaan mong pangunahan ka ng pangamba, nagsasayang ka lang ng oras at buhay. Don't wait for time to pass you by." Sermon sakin ni Kuya Alaric na sinamahan niya pa ng kaltok sa ulo.

Napangiti ako nang matamis. Naliwanagan ako sa sinabi niya kaya napagpasiyahan kong kausapin na si Rigo bukas na bukas din.

******

I was already sleeping in bed that night when I heard a commotion outside the room. Sounds of running feet and loud shouting can be heard. Bumangon ako para malaman kung anong nangyayari.

Sa sobrang abala ng ibang mga tao ay hindi na nila ako napansin pa. Hinanap ko na lang si Kuya para makapagtanong ako. And what he told me sent more than a sliver of fear in my being.

"Rigo called for help through our army's telepathic link an hour ago. He's been captured by a group of dragons Lia. Sinusubukan namin siyang hanapin pero his mind is no longer open to us. He may be deeply unconscious or under a spell that prevents us from contacting him."

It wasn't until he uttered those words that I truly understood what he told me earlier.

__________
061316/1002A

A Dragon's Plight (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon