CHAPTER 18

37 8 0
                                    

Humans have high instincts for survival and dragons even more so. But when I woke up the next day with my gut screaming at me that there's danger coming, I opted to push it out of my mind instead of heeding it so I can concentrate on the next step to Rigo's plan. Inisip ko na lang na normal lang ang kaba na nararamdaman ko dahil sa mga importanteng mangyayari sa araw na 'yun.

After I charmed Rigo and a few chosen dragon warriors with the protection spell, he contacted Clarisse and asked her to meet up with him in a place of our choice. A place with a few of our dragons already in place to avoid being ambushed by the opponents. I clenched my hands at the thought of the Rigo and Clarisse together, but I was realistic enough to realize that this it is the only way to end this.

Rigo explained that he is sure that Clarisse would tell her father about his call. Siguradong hindi lang si Clarisse ang sisipot sa usapan. Malamang na kasama nila ang kung sinumang kasabwat nila para hulihin si Rigo.

And that's when the first team of dragons he chose as backup will converge on them to capture the enemy. Three more teams of dragons will remain hidden in case the enemies have some more allies lurking around the meeting place.

If everything goes according to Rigo's plan, they would then bring them back to our former clan's territory and lock them up in the dungeons of the High Council. After neutralizing them, 'tsaka ko lang sila gagamitan ng kapangyarihan ko para hindi na sila makagawa muli ng masama laban samin at sa iba pang mga dragon. I would have to cast a spell on them that would take away all their dragon abilities and whatever magic they have. The Dragonian Army have agreed that turning them into beings without dragon abilities and power is enough punishment for them.

******

"Be careful, okay? When this is all over, we'll start living the rest of our lives together. Tutuparin na natin 'yung mga pangarap natin noon. We'll go to college and then get married after we graduate. We'll travel the world for our honeymoon and start building a family." Paalam ko sa kanya bago siya umalis para makipagkita kay Clarisse. Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luha ko.

Pinunasan niya ang mga pisngi ko bago ako binigyan ng isang matamis na halik sa labi. "Bakit ka ba iyak nang iyak diyan? Saglit lang kaming mawawala. Susunduin kita oras na makulong na namin sila. Magpahinga ka na lang dito sa kwarto mo para maipon mo ang lakas na kakailanganin mo para sa parusa nila."

Tumango ako bago mahigpit na yumakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ito na ang huling beses na mahahagkan ko siya. Marahil ay takot lang akong muling mahiwalay sa kanya. We have already been apart the last four years and now that I have him back, I can't bear the thought of being without him again.

Nang matapos kami sa pamamaalam sa isa't-isa, sabay kaming tumayo ng kama at tinungo ang pintuan para puntahan ang aming mga kasamahan. Nadatnan naming naghihintay ang lahat sa may sala. Lumapit kaming dalawa sa kumpol ng mga dragon na kinabibilangan ni Kuya Alaric, Freya at Tita Selena.

Agad na nagbilin si Rigo sa kanilang tatlo. "Dapat laging kasama ni Lia ang isa sa inyo. 'Wag niyo siyang iiwang mag-isa hangga't hindi pa namin nahuhuli ang lahat ng mga kaaway."

Tumango ang tatlo sa kanya bilang tanda na handa silang sundin ang utos niya. Humarap muli siya sakin at niyakap ako nang mahigpit. Mabilis niyang dinampi sa aking leeg ang kanyang mga labi bago ito ilapit sa tenga ko para bumulong. "Mahal na mahal na mahal kita Cordelia Alanis Drake."

Muling tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Imbes na isatinig ang sagot ko, pinili kong iparamdam na lang sa kanya ang pagmamahal ko. Hindi ko na inisip pa na may iba pa kaming kasama nang muli kong pagdikitin ang aming mga labi.

Napatigil lang kami nang marinig ang tikhim ni Kuya Alaric.

When Rigo and his troops left the palace, I chose to stay in my room to sleep. I needed to be well rested for the spells I need to perform later.

Nagprisinta si Tita Selena na bantayan ako sa kwarto kaya iniwan na kami ni Freya at Kuya Alaric.

Naputol lamang ang mahimbing kong tulog nang magkaroon ng kaguluhan sa labas ng kwarto. Kaagad akong bumangon at sabay kaming lumabas ni Tita Selena para makita kung ano ang nangyayari.

We quickly ran outside to the palace grounds where the noise was coming from and saw some of our dragons, led by Kuya Alaric, fighting against Tito Harvey and Callixto. The two were outnumbered by our men but they were more ruthless in fighting.

Halatang nagpipigil ang mga dragon namin na mapuruhan sila kaya naman nagagawa silang talunin ng dalawa.

"Harvey!" Sigaw ni Tita Selena nang makita ang asawa na nakikipaglaban sa mga miyembro ng Dragonian Army bago sumabak sa away para pigilan ang asawa.

I was astounded as to how they were able to escape the rooms they were in. They couldn't have escaped from inside.

Ibig sabihin, may nagbukas ng pinto para makalabas sila.

I was about to subdue the two with my magic but was held back by a firm grip on my arm. When I turned to see who was holding on to me, I saw Freya intently looking at me.

Nagtatakang napatitig din ako sa kanya pero bago ko pa siya matanong kung bakit niya ko pinipigilan ay hinatak na niya ako palayo sa kaguluhan.

Nang makapasok kami sa palasyo, kaagad na hinila niya ko paakyat sa rooftop.

"Where are we going? Kailangan nating tulungan sila Kuya Alaric. I can immediately stop them from fighting with my magic." Sabi ko habang marahang hinahatak ang braso ko.

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya. "Kuya Alaric and Tita Selena can handle those two. Ginagawa ko lang ang tungkulin kong protektahan ang tunay na nagmamay-ari ng draconis corde." Saad niya nang makarating na kami sa rooftop.

Hindi ko na masyadong inintindi ang sinagot niya. May maliit na tinig sa isip ko na nagsasabi na may mali sa sagot niya ngunit naisip ko na lang ginagawa niya lang 'to para maiwas ako sa kapahamakan katulad ng utos sa kanila ni Rigo.

I hurried to the railings at the edge of the rooftop balcony to try to watch the fight. Pero bago pa ko makasilip doon ay tinakpan na ang ilong ko ng isang panyo.

I instantly felt lightheaded and realized that the handkerchief held over my face was doused in a sweet-smelling substance.

Nilingon ko ang may hawak ng panyo at muling nakita si Freya.

"Why are you doing this?" I muttered before surrendering to the darkness.

"Lahat ng 'to ay para protektahan ang draconis corde. Kung mawawala ka, babalik na sa dati ang tahimik niyang buhay. Maibabalik na sa kanya ang ninakaw mong kapangyarihan at titulo." Hindi ko na nagawang marinig pa ang sinagot niya. Ni hindi ko na nagawang manlaban pa ng nilipad niya ako palayo sa palasyo dahil tuluyang na kong nawalan ng malay.

__________
042217/1029A

A Dragon's Plight (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon