Napalunok ako sa naalala kong kwento. Imposible! Hindi ko namalayan na napahawak ako sa may bandang dibdib ko. It was as if I was looking for confirmation that I was right by trying to feel my heart beating in my chest. There wasn't anything unusual about its beat. Wala akong maramdaman ni katiting na kapangyarihan. Imposible talaga ang naisip ko. Wala sakin ang sinasabi nilang draconis corde. Hindi ako ang prinsesa sa kwento.
Habang tinatanggi ko ang posibilidad na 'yun, naramdaman ko ang bahagyang pagbabago sa tibok ng puso ko na tila hindi ito sang-ayon sa iniisip ko. Dahan-dahan akong tumayo pero hindi pa rin nanunumbalik ang lakas ko, idagdag pa ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko. Napahawak ako sa mesa sa tabi ng kama bilang suporta.
"You're awake. 'Wag mo munang pilitin ang sarili mong tumayo at maglakad. Hintayin mo ko."
'Di sinasadyang natabig ko ang basong nakapatong sa lamesa nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa isip ko.
Napahawak ako sa ulo ko na biglang pumintig sa sakit. Nababaliw na yata ako. I shook it harshly to chase the insanity away.
Natigil ang tahimik na paghihisterya ko sa isip nang bumukas ang pinto at pumasok si Rigo na may dalang tray ng pagkain.
Wala sa isip ko ang pagkain pero hindi ko napigilan ang sikmura ko sa maingay na pagkalam. It suddenly feels as if it has been days since I last ate.
Dahan-dahang lumapit si Rigo. Inalalayan niya kong umupo muli sa kama, pinasandal niya ko sa headboard bago niya nilapag ang hawak na tray sa kandungan ko. Bahagya siyang tumalungko para pulutin ang bubog sa sahig.
"Mag-ingat ka naman sa susunod. Pa'no na lang kung natapakan mo 'tong mga 'to?" Malumanay na sabi niya habang nakatuon ang paningin sa sahig.
Nang tumayo siya para itapon ang pinulot, hinawakan ko siya sa palapulsuhan para pigilan. "Anong nangyari sakin? Nasaan tayo? Bakit.."
Hindi ko na natapos ang pagtatanong nang umupo siya sa gilid ng kama. Hindi pa rin siya tumitingin sakin kaya hinawakan ko siya sa pisngi at binaling ang ulo niya paharap.
"Kumain ka muna. I'll answer you when you've eaten and regained some of your strength." I saw that his eyes were filled with worry for me so I obediently nodded in answer.
My hands were shaking badly while holding the utensils. Nakakadalawang subo pa lang ako nang kunin niya ang kubyertos at siya mismo ang nagsubo sakin.
Nagawa na niyang subuan ako nung kami pa pero nanibago at nailang pa rin ako. I'm not used to him doing thoughtful things for me anymore. Mas sanay na ako na nakasinghal siya lagi sakin o kaya naman ay 'yung trato niya sakin na para akong hangin na hindi niya nakikita. Lahat ng pananakit at pangbabalewala niya sakin nitong nakaraang apat na taon ay nagawang burahin sa isip ko ang mga masasayang alaala namin. Tanging galit at sakit ang alam kong nangingibabaw sa nararamdaman ko para sa kanya. And I'm scared that there's nothing he can say or do that can change it one bit.
"I can call Alaric kung mas gusto mong siya ang magpakain sa'yo." He said between gritted teeth while glaring at the food as if they offended him.
Umiling ako at kinuha muli ang kutsara't tinidor. "Kaya kong kumain mag-isa. Hindi ko kailangan ng tagapangalaga."
"You have them anyway, whether you want to or not. And from now on, we won't do it in secret anymore. We won't hide again so as not to upset the sensibility of most of the people you've been born to protect."
Nangunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nitong taong 'to?! Nababaliw na din ba siya?
Huminga siya nang malalim bago tumayo. He walked towards the door, but he spoke softly before leaving. "Just because you don't remember anything about your real self or about us, it doesn't mean I have to forget too. Hihintayin na lang kitang makaalala."
******
Iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Rigo nang matapos akong kumain. I placed the tray on the sidetable and tried to stand again. I sighed in relief when my legs were able to hold me steady.
Pinuntahan ko ang isa pang pinto sa kwarto na sa tingin ko ay paliguan. There was a set of clothing that was slightly bigger than my size on the counter beside the sink, along with a towel and a toothbrush. Kinuha ko muna ang toothbrush para makapagsepilyo ako.
I stared at myself in the mirror while brushing my teeth. Wala akong makitang pagbabago sa itsura ko. Parang panaginip lang tuloy ang nangyaring pagpapalit ko ng anyo. The memory was fuzzy. It feels to me as if my mind was simply playing tricks on me by making me see myself as a dragon during one of the most painful and humiliating experience of my life. Pero hindi ko mapaniwala ang sarili ko na imahinasyon lang ang lahat. Dahil kung hindi nangyari ang mga iyon, wala ako sa lugar na 'to at hindi ko kasama si Rigo. There's no denying that it really did happen.
I took my time in showering, making use of the hot water to wash away the aches from my muscles. I dressed in the clothes laid out for me when I was finished.
I sat on the bed first to gather some courage before walking to the door to face all the answers to my questions.
There were a number of doors along a long hallway when I got out of the room. Instead of opening one and seeing what was inside, I traversed the hallway to reach a common room with someone in it. I reached the stairs going down at the end of the corridor so down I went.
Katapat ng main door ang dulo ng hagdanan at may daan paliko sa kanan at kaliwa. Following my instincts, I took the right and found myself in a big-sized living room. There were dragons in human form sitting on huge sofas while watching TV, but I saw Kuya Alaric sitting on a desk at the corner of the room near the bookshelves with his nose in a book.
Napangiti ako sa itsura niya. Nakatuon ang atensyon ko sa kanya kaya hindi ko na napansin ang pagtayo at pagyuko ng mga dragon na nasa kwartong kinaroroonan ko. I was walking towards Kuya Alaric when he suddenly looked up as if someone called his name. Umaliwalas kaagad ang mukha niya nang makita ako. Katulad ng ibang mga dragon, tumayo siya at nagbigay galang.
I was shocked when I watched him bow to me as if I was royalty. Napatingin tuloy ako sa buong kwarto. I didn't want anyone to see him doing that. Pero mas nagulat ako nang makitang nakayuko silang lahat sakin.
I was speechless. Gusto ko silang patayuin nang maayos pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. I was still stunned when I heard his voice in my head once again.
"Let them pay their respect. They've been waiting for this moment their whole life, so give them the honor of bowing to you and accept what is your due."
__________
052516/1205A
BINABASA MO ANG
A Dragon's Plight (ONGOING)
FantasyHumans might think that being born as a dragon comes with many perks. Little did they know that it isn't as awesome as they think it is. Sure, dragons are stronger and live longer than mere mortals or any other immortals out there. But when you're...