Nagising ako sa pakiramdam na may nakatitig sakin. I felt cold so I tried to pull the blanket up to my chin. Hindi na ko nagtaka sa panlalamig na nararamdaman ko dahil sa naging takbo ng panaginip ko. I knew those weren't ordinary dreams. They were visions of the past. Memories from my previous lives. And with those memories came the knowledge of the full extent of my powers. It was overwhelming to experience my past that were hundreds of years' worth in a single night's dream.
Bigla-bigla, naalala ko ang pinakaimportanteng alaala na napanaginipan ko. I'm pretty sure that there are only two beings here on Earth that knows about that fact; me and the dragon who's the reincarnation of the first dragon knight.
Namulatan ko si Rigo na pinagmamasdan ako. He was on his side, with his head supported by his right hand. He had a huge grin on his face. Parang ang saya-saya niya, daig niya pa ang nanalo sa Lotto.
Tinakpan ko ng kumot ang aking bibig bago ako nagsalita dahil hindi pa ko nakakapagmumog. "Anong tinitingin at nginingisi mo diyan? Kanina ka pa ba gising?"
Dahan-dahan siyang tumango. "Babangon na sana ako kaso ang sarap mo panoorin matulog. Buong magdamag kang hindi mapakali sa pwesto mo, pabaling-baling ka kaya nagigising ako. Gigisingin sana kita dahil mukhang hindi maganda ang panaginip mo kaso nung sinilip ko ang isip mo, nalaman kong bumabalik na ang memorya mo kaya naisip kong hindi makakabuti kung puputulin ko ang tulog mo." May kunot sa noo niya, halata ang pag-aalala niya para sakin.
I smiled warmly at him. "Bumalik na nga halos lahat ng alaala ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba 'yun sa paggamit ko ng kapangyarihan ko nung nakaharap natin ang puting dragon o dahil katabi kitang matulog. Alinman sa dalawang 'yun ang dahilan, I'm just relieved that I've recovered it all."
Hinila niya pababa ang kumot. "Kamusta pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo?" Tanong niya habang tinititigan ang mukha ko na para bang naghahanap ng senyales na may sakit ako.
Umiling ako. May isang tanong na bumabagabag sakin. Before I was able to stop myself from asking, I blurted it out. "Bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw ang kapareha ng prinsesang dragon sa mga kwento ng magulang ko? Why did you wait for me to find out myself, instead of just telling me? Dahil ba nagbago na ang isip at puso mo? Ayaw mo na ba sakin?"
He kissed me sweetly instead of giving me a straight answer. A kiss that started as a gentle one, but turned passionate after a few seconds. He chose to show me through that single kiss what he feels for me. Love, concern, admiration, respect and a healthy dose of fiery passion.
Bago pa magtuloy sa kung saan ang halikan namin ay huminto na siya. Our souls may be centuries old, but right now our bodies belong to teenagers. Hindi ito ang tamang oras para sumabak kami sa kapusukan.
"Hindi kailanman nagbago ang nararamdaman ko. Nung sinabi namin sa'yo ni Alaric ang papel mo bilang prinsesa namin, tinanong mo din kung ako ba ang nakatadhana para sa'yo pero hindi kita sinagot dahil alam kong hindi pa buo ang tiwala mo sakin. Ayaw kong magduda ka sa magiging sagot ko kaya hinayaan kong maalala mo ako nang kusa. Nung dumaan ang ilang araw at wala ka pa ring naaalala, aaminin kong medyo nawalan ako ng pag-asa at iniwasan kita dahil masakit para sakin ang malamig na pakikitungo mo. At 'yun ang naging kahinaan ko kaya ako nahuli ng kaaway." He was looking at me intently, making my insides tremble with a giddy feeling.
Nanumbalik sa isip ko ang mahalagang alaala na napaniginipan ko. I swallowed the lump in my throat before voicing out what's bothering me. "Bakit hinayaan mo silang isipin na ako ang draconis corde? I don't deserve the treatment everyone's been giving me. Sa'yo dapat lahat ng 'yun dahil ikaw ang tunay na may-ari ng hiyas."
BINABASA MO ANG
A Dragon's Plight (ONGOING)
FantasyHumans might think that being born as a dragon comes with many perks. Little did they know that it isn't as awesome as they think it is. Sure, dragons are stronger and live longer than mere mortals or any other immortals out there. But when you're...