CHAPTER 3

90 13 0
                                    

I locked the door of my apartment as soon as I got inside. Buti na lang at inilipad ako ng puting dragon sa isang liblib na lugar na malapit lang sa tinitirhan ko kahit na hindi ako pumayag sa kagustuhan niyang sumama ako sa kanya. Mula doon ay nilakad ko na pauwi sa apartment.

Nanumbalik sa alaala ko ang isinagot niya nung tinanong ko kung sino sila at anong pakay nila sa angkan namin.

"We are a clan of dragons known by many names. But we call ourselves as Seekers. We do not have a territory of our own because we roam the world looking for something; the elusive dragon's heart. A member of our clan who have the sight pointed us in this direction. So, here we must search. Nang magising ako kaninang umaga, iba ang pakiramdam ko. I felt as if today is the day I'd find what I've been looking for my whole life. Instead, I found you. And I know in my gut that you're an important part of the search. Maari ba kitang anyayahan na sumama sa aming paglalakbay?"

Kinilabutan ako sa naalala ko. Hindi ko alam kung sino ang puting dragon na 'yun pati na ang mga kasama niya. Hindi ko alam kung mabubuti ba silang nilalang. It would be better for me to stay with the dragons I know instead of gallivanting with those I don't. Kahit na hindi maganda ang trato sakin ng mga dragon sa angkan na kinabibilangan ko, at least kilala ko sila. Hindi na ko magugulat sa kung ano ang mga kaya nilang gawin sakin.

I glanced at the clock and saw that it was only three in the afternoon. Imbes na magmukmok dito sa apartment ko ay papasok na lang ako nang maaga sa trabaho.

******

When I turned around after locking the front doors of the coffee shop for closing time, I noticed a familiar black car parked across the street. Sinamaan ko ito ng tingin bago naglakad palayo.

"What is he doing here?!" Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.

Instead of stopping, I walked even faster when I heard him call out my name. "Pagod at gutom ako. Wala akong gana makipag-away sa'yo!" I angrily mumbled to myself.

Nang mahinto siya sa pagtawag sakin, akala ko ay umalis na siya. It wasn't until I reached my apartment that I found out that he followed me home.

I cursed under my breath when I heard Rigo walk towards me while I was unlocking my door. Sinubukan kong bilisan pumasok para masarhan siya ng pinto kaso mabilis na nakalapit na siya bago ko pa magawa 'yun.

"I need to talk to you." He said in a serious tone.

I looked at him and realized that he meant it. Looking at his determined expression, I figured I didn't have any choice but to talk to him, so I reluctantly opened the door so he could come inside.

Niyaya ko siyang maupo sa maliit na kainan sa may kusina ko. I didn't have the luxury of having a living room in the apartment I rented. The only place he can sit on are the two-seater dining table and the bed. I figured I might as well eat while talking to him so I re-heated some rice and some leftover chicken from last night in the microwave.

Hindi naman siya nagsalita habang ginagawa ko 'yun. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang bawat sulok ng apartment ko. Marahil ay naliliitan siya dito. Nang maihain ko na ang pagkain sa lamesa ay 'tsaka lang ako umupo.

"Pasensya ka na at 'yan lang ang maaalok ko sa'yo. Hindi pa kasi ako nakakapagluto." Yaya ko sa kanya before I started eating.

Nang mapansin kong nag-aalangan siyang kumain, nagsalita ulit ako. "Malinis 'yan kaya 'wag ka nang mag-inarte. Hindi sasakit tiyan mo diyan." I reassured him.

Umiling siya. "I wasn't worried about that. Baka kasi kulang pa sa'yo 'yan. Mukhang gutom na gutom ka e." I saw him look at the meager contents of my plate.

"Tama na sakin 'tong nasa plato ko. Hindi ako p'wedeng kumain nang marami dahil nalipasan ako ng gutom kaninang tanghalian. Baka sikmurain lang ako. Kumain ka na, 'wag kang choosy." I urged him again.

Tiningnan niya muna ako nang masama bago siya nagsimulang kumain. Mukhang nainis siya sa sinabi at tono ng pananalita ko.

Nauna akong matapos kumain kaya hinintay ko munang matapos siya. Mamaya na lang ako maghuhugas ng mga pinagkainan 'pag nakaalis na siya.

When he was finished eating, nagsalin ako ng tubig sa isa pang baso at inilapag 'yun malapit sa kanya. "Wala akong juice. Magtiyaga ka sa malamig na tubig."

Tumango siya at uminom. Nang mailapag na niya ang baso, tumikhim siya bago magsalita. "Kilala mo ba ang mga dragon na nanggulo kanina sa school?" Seryoso niyang tanong.

Nagtataka man ako sa tanong niya ay hindi na ko nagtanong. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Then why did one of them approach you? Maraming nakakita na ginamot ka din niya nung nasugatan ka."

I looked at him while thinking over what I should say. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ng puting dragon? Do I trust him enough to be honest with my answers? Napalunok ako. "Hindi ko sila kilala. I've never seen them before. Hindi ko din alam kung bakit niya ko ginamot." I lowered my gaze, uncomfortable with not telling him everything.

He looked at me intently before nodding. "I know you enough to know you're keeping something from me. But I am also sure that you're telling the truth, so I believe you when you say that you had nothing to do with today's attack."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakaramdam din ako ng kirot sa bandang sikmura ko. "May mga sinaktan ba sila kanina?"

"May mga nag-away na mga dragon mula sa dalawang panig. Thankfully, they were in human form when they fought so the damage were minimal. There are no dead among our clan or theirs, only minor injuries."

I felt relief at what he said pero hindi pa rin kumakalma ang sikmura ko. Maaring hindi maganda ang trato sakin ng angkan na kinabibilangan ko, but I would never wish any of them harm.

I swallowed the lump in my throat. "Alam mo na ba kung bakit sila nasa school kanina? Ano ang pakay nila?"

Umiling siya. "That's why I'm here. Walang makapagsabi sa angkan natin kung sino sila at kung ano ang balak nila. When I saw one of them heal you, I thought you knew them."

Sinamaan ko siya ng tingin nang mapagtanto ko kung bakit niya ko pinuntahan at tinatanong. "And you thought that I'm their accomplice?!"

"Ikaw lang sa angkan natin ang may mabigat na dahilan para maghiganti." His eyes softened with pity.

Napatayo ako sa galit. "Siguro nga tama ka pero how would I orchestrate an attack? At saan ko naman makikilala ang mga dragon na 'yun?! I have no means or opportunity. Halos wala na nga akong oras para matulog e. At isa pa, the only places I go to are to school, to work and this apartment. Wala din akong pera para maglakwatsa at maghanap ng ibang angkan ng dragon. I have enough problems as it is with my inability to morph, wala na kong panahon para maghanap ng bagong problema." Pasigaw kong sabi sa kanya. Napahawak ako sa tiyan ko nang lumala ang sakit na nararamdaman ko.

Napatayo siya at mabilis na lumapit sakin. Inalalayan niya ko. "What's wrong? Masakit ba tiyan mo?"

Imbes na tanggapin ang tulong niya, iniwas ko ang balikat ko sa hawak niya. I walked towards my bedside table and opened the drawer. I took a bottle of my antacids and popped open the lid. Nginuya ko ang gamot at pumikit nang mariin habang hinihintay na humupa ang sakit ng tiyan ko.

When I opened my eyes, I noticed Rigo squatting in front of me. Nakakuyom ang mga kamay niya na tila ba nagpipigil na sumuntok. Huminga ako nang malalim. "P'wede bang umalis ka na? Gusto ko na sanang magpahinga."

"Matulog ka na. Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." He quietly told me before standing up.

Humiga ako patalikod sa kanya at nagkumot. "Paki-lock na lang ng pinto bago ka umalis."

******

It wasn't until I woke up the next morning that I found out that he didn't lock up after himself because he never left my apartment in the first place. Instead, he was sleeping soundly beside me.

__________
122915/0200P

A Dragon's Plight (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon