PROLOGUE

687 74 6
                                    

Rynnah and Blake's relationship started smooth. He took over the Alcantara's company, ngunit hindi naging hadlang ang pag ka busy ng binata sa relasyon nila ng nobyang nasa huling taon na sa kolehiyo na si Rynnah. His father Thomas remained as the chairman of the company while blake is the acting CEO. Everything turned out great; sabay silang dalawa pumapasok at nagagawa pang ihatid ni Blake si Rynnah sa school bago ito mag tungo sa trabaho.

"Love late ako uuwi mamaya" paalam ni Rynnah sa nobyo, sa dating condo unit parin tumutuloy ang dalawa para mas accessible ang pag kikita nila lalo na't minsan ay late na din nakakauwi si Blake sa office. Mas practical kung malapit ang tinutuluyan nilang dalawa para kahit busy sa kanikanilang gawain ay may oras parin silang dalawa para sa isa't isa araw araw.

"Why Love?" Tanong ni Blake ng hindi inaalis ang paningin sa daan habang binabaybay ang daan papuntang eskwelahan ni Rynnah

"Gagawa kami nila bish ng thesis, grabe noh ang hirapan pala ng graduating? Pano mo nagawa pag sabayin dati na nag band pa tayo at hinanap si Uncle Sean?" saad ni Rynnah.

Ilang buwan matapos ang graduation ni Blake ay kinasal din ang kanyang ninang skye at uncle sean. Ngayon ay masaya ng nag sasama ang dalawa.

"Magaling akong mag manage ng time e. Parang ngayon, kahit busy ako sa kumpanya naaalagaan parin kita" wika nito "Saan kayo gagawa ng thesis? Susunduin nalang kita tutal ma lalate din ako ng uwi dahil may meeting pa ko"

"At bish's place love, kasama namin si Zhiek" dagdag pa ng dalaga. Silang tatlo nila Gabby at Zhiek ang mag kaka grupo sa ginagawa nilang thesis. Their thesis was about the pro's and con's of setting up your own business on your chosen name rather than franchising. It includes the computation of capitals and also the implementation. Gagawa sila ng isang business na may potential na makalaban ang isang certain established business. Example ay ang mcdo at jollibee. Instead of franchising Jollibee, Mcdo made their own name because its much more efficient since in franchising you're also buying the name of the establishment, credits kumbaga.

"Okay, ill pick you there. Ahh love yung about pala sa OJT mo, ipasa mo na yung papers sakin para ma process na kahit next sem pa yun" dahil next sem ay kailangan nang mag ojt nila Rynnah ay ininsist ni Blake na sa kumpanya na nila mag ojt ang dalafa dahil hindi pwedeng sa Lopez Group mag OJT si Rynnah, kumpanya kung san ang pamilya nito ang may ari. Dahil para hindi maging bias kung kaya't hindi maaring mag OJT sa sariling kumpanya ng pamilya.

"Hmmm, a-ano kasi L-love" nauutal na saad ni Rynnah

"Change of plans?" Tanong ni Blake.

Hindi pa nakakapag desisyon si Rynnah patungkol sa bagay na iyon, dahil pinag iisipan rin ng dalaga ang ibang kumpanya na mas mahahasa ang skills nya dahil alam naman nya na kung kay Blake sya mag OOJT ay hindi sya tratratuhin nito bilang regular na OJT.

"Hindi naman Love, pinag iisipan ko palang kasi yan" safe answer ni Rynnah.

"Alright love, see you nalang later. Aral ng mabuti ha" saad ni Blake ng makarating sila sa Mallows Academy. Hinalikan nya ang noo ng dalaga at napapikit naman si Rynnah.

Pag kababa ng sasakyan ay nag tungo muna si Rynnah sa locker room para iwan ang ilang mga libro na bitbit na mamaya pa naman nya kakailanganin; bago pumunta sa cafeteria kung saan sila mag kikita nila Gabby at Zhiek.

Pag ka bukas ng dalaga sa locker ay napansin nito ang isang black envelope. Takang binuksan ito ng dalaga para basahin ang sulat.

Nabitawan ng dalaga ang laman ng envelope sa pag ka bigla. Nanginginig ito sa takot ng makita ang isang picture na kasama ang mga magulang na puno ng dugo. Kahit na halatang natuyo na iyon ay nakasisigurado sya na dugo ito.

Kabadong tumungo ang dalaga para pulutin ang picture. Tinignan nya ang likudan na parte nito para basahin ang nakasulat.

"Rest in peace Lopez"

Sulat na nasa likod nito. Napakalakas ng pag kabog ng dibdib ng dalaga, wala syang kilala na kaaway o kung may kagalit man sya. Maliban nalang kay . . . pero imposible dahil matagal na nya itong hindi nakikita.

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon