CHAPTER 12

239 23 6
                                    

Nang matapos ang klase ay agad hinila ni Rodriguez si Cashh. Kasunod naman nila sa likuran sila Rynnah, Gabby at Zhiek. Naiwan naman si Weih dahil kailangan nyang makihalubilo sa ibang mga kaklase para makapag manman sa mga ito.

"Hoy Ocampo! Nasaan yun apat?" tanong ni Bei. Tiim naman na nakikinig lang ang tatlong bahagyang dumisytansya

"Tss relax, wag kang masyadong hot septor" saad ni Ocampo

"Gagu hot talaga ko" singhal ng dalaga

"Sumunod kayo" aya ni Ocampo at tinalikuran sila

"Hoy nag tatanong pa ko!" sigaw ni Bei, mabuti nalang at nakalayo na ito sa ilang mga kaklase kung kaya't hindi masyadong naka agaw ng atensyon ng iba

"Tss!" singhal ni Ocampo at muling hinarap si Rodriguez "kaya nga sumunod ka! Napaka ingay mo!"

"Ano bang pinag uusapan nyo?" singit ni Rynnah

"Hinahanap ko yung apat na bruha!" sagot ni Bei

"Bruha?" tanong muli ni Rynnah

"Bish baka yung kasamahan nung Weih" bulong ni Gabby sa kaibigan pag tukoy sa apat pang myembro ng Alpha

"Tara na!" muling aya ni Ocampo ngunit hindi gumalaw si Bei bagkos ay pinag taasan nya lang ng kilay ang binaya

"Tss napaka arte!" Singhal ng binata sabay lapit kay Bei, hinawakan nito ang dalaga sa kamay at hinila palayo

"H-hoy! Wag mo nga akong hawakan!" suway ni Bei

"Wushuu kunwari pa gusto naman nya yan" pambubuyo ni Gabby sa pinsan habang sumusunod sila sa dalawa

"Ocampo! Rod-Apostol!" sigaw ni Riva, napahinto naman sila sa pag lalakad at nilingon ito

"B-bakit kayo hhwh?" tanong ni Riva

"Anong hhwh?" iritableng tanong ni Bei

"Holding hands while hilahila!" sagot ni Riva

"Tss wag nyo na nga pansinin yan!" muling hinila ni Ocampo ang kamay ni Bei

"H-hoy! Bawal yan! Na-nasa student guidelines yan!!" sigaw ni Riva ngunit hindi na ito pinansin ng lima

"San ba tayo pupunta?" muling tanong ni Bei

"Try mo tumahimik minsan! Sumunod ka nalang" sagot ni Ocampo habang patuloy hinihila ang dalaga

"Hoy! Wag kayo sa school maging showy! Pag labas ng school kayo mag momol!" singit ni Rynnah

Napatigil ang dalawang nasa harapan nila Rynnah at nag bitiw sa pagkakahawak

"Momol your face! Dalagang pilipina ako noh!" sagot ni Bei

"Tss, gumugusto to. Di kita type noh!" saad ni Ocampo at muling nag simulang mag lakad palayo

"Aish! Napaka yabang nitong Ocampo na to!" singhal ni Bei

"Nakahanap ka ng katapat mo noh?" puna ni Zhiek na naka ngisi

"Manahimik ka dyan Ford!" saad ni Bei at muling sumunod kay Ocampo "hintayin mo ko Cashh!" sigaw ni Bei habang hinahabol ang nakalayo ng si Ocampo

"Tss hirap ng gwapo, masyadong habulin. Pati ba naman ikaw hahabol na rin sakin?" kaswal na saad ni Ocampo ng makahabol si Bei

Agad naman hinampas ng dalaga sa ulo ang binata "napaka kapal mo!"

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon