Siniguro muna nila Milla at Santiago na ligtas sa paligid ng hospital kung nasaan ang mga kasamahan, nag dagdag ng mga kapulisan sa paligid para matiyak na safe ang lugar. Bago umalis ang dalawa ay nag pang abot pa sila ni Ocampo na kasama ang grupo nila Rynnah na ngayon ay nag babantay sa hospital. Tutol sana sila Santiago sa pananatili ni Rynnah sa lugar dahil hindi pa nasisiguro ang kaligtasan nito ngunit hindi nila mapigil ang dalaga dahil nag aalala din ito kila Rodriguez. Kung kaya't inihabilin na muna nila ito kay Cashh at kabilinbilinan na wag palalapitin si Bryze na kapatid ni Bei, taka man ay hindi na nag tanong si Ocampo dahil batid nito na may mahalagang aasikasuhin pa ang dalawa.
Masama ang aura ni Santiago ng mag tungo sila ni Milla sa quarters para pakinggan ang mga sasabihin ni Kristina. Nag hahalo halo ang mga iniisip nito kung paano pag tatagpi tagpiin ang mga maliliit na impormasyon na meron sya.
"Ziel, sasabihin mo ba kay Septor yung tungkol sa kapatid nya?" tanong ni Milla na nakikipag sabayan sa bilis ng pag lalakad ni Santiago sa hallway
"Hindi ko pa alam" tiim na sagot ni Santiago
"Kailangan nya parin malaman yun Ziel, hindi naman natin pwedeng i secret yun noh" muling saad ni Milla
"Hindi ko pa nga alam, hindi pa rin naman malinaw yung sinabi ni Vyo kaya hindi ko alam kung sasabihin ko ba agad" inis na wika ni Santiago "unahin natin si Mrs. Lopez at saka tayo mag patulong kay Riva mag halungkat ng files ni Bryze"
Bumuntong hininga si Milla, batid nya na malalim ang iniisip ni Santiago sa ngayon. Kung tutuusin ay para rin itong si Rodriguez kung mag isip kung kaya't minabuti nalang nya na manahimik at sumabay sa agos ng plano ng kasamahan
Pag kabukas ng opisina ng kanilang chief ay kasama nitong naroroon sila Abad at ang mag asawang Rara at Kristina.
"Nag simula na ho ba kayo?" tanong ni Santiago
"Hindi pa Ziel, hinintay talaga namin kayo" wika ni Abad
"Kamusta na sila Rodriguez?" tanong ng kanilang chief. Malamang ay naibalita na dito ang naganap na ingkwentro
"Ayos lang ho si Rodriguez, sila Romero at Diaz ho ang napuruhan" sagot ni Santiago
"Mabuti naman Mrs. Lopez at naisipan nyo ng makipag tulungan?" tanong ni Milla
"D-dahil malala na ang nangyayari" panimula ni Kristina
"At talagang hinintay nyo pa ho na lumala? Ayos ah?" Mataray na wika ni Santiago
"Ziel!" puna ng kanilang hepe dahil sa hindi nito gusto ang tabas ng pananalita ng dalaga
"Matagal nyo na ho bang alam na kumuha ang asawa nyo ng mag babantay kay Rynnah?" tanong ni Abad, ito ang porte ng dalaga ang mag paamin ng testigo. Dahil maaaring mag bigay ng impormasyon si Kristina ngunit hindi sila nakakasiguro na buo ang ilalahad nito kung kaya't hanggang sa kaya nilang mapiga ang Ginang ay gagawin nila.
"H-hindi, si Cashh lang ang alam ko n-na nag babantay sakanya. D-dahil ako ang kumuha sa batang yun. K-kanina ko nalang nalaman ng madami kayong nakipag barilan sa m-mga taong gustong pumatay sa anak ko" kabadong panimula ni Kristina Apostol
"Mrs. Apostol, ikwento nyo po ang lahat ng alam nyo para ho makausad ng ayos ang kaso" wika ni Abad habang priness ang isang recorder
Tumango naman si Kristina. Hinawakan ng mahigpit ng kanyang asawa na si Rara ang kanyang kamay para ipaalala na nasa tabi lamang nya ito at nakasuporta.
"B-bago ko nakilala ang nanay ko ay sa tatay ko na ako lumaki. H-hindi ko nga alam noon na may nanay pa ako dahil kinagisnan ko ng ina ang kinakasama ng tatay ko. M-may anak sa pag ka dalaga ang madrasta ko na babae . . . si Ate Ria. Masama ang ugali ng madrasta ko, kabaliktaran ng mabait kong step sister. P-pero maagang nag asawa si Ate Ria at umalis sa puder namin, nang namatay si tatay ay b-bumalik si Ate Ria para makiramay dala ang panganay na anak nyang si Rissa. N-nag lagi ng matagal samin si Ate Ria kasama ang anak nya dahil nadistino sa probinsya ang asawa nya. K-kagaya ng dati masama parin ang ugali ng madrasta ko habang pinag tatanggol ako ni Ate Ria. Hanggang isang araw n-nalaman namin na may sakit sya, k-kung kaya maging ang natitirang pera na nilaan sana saakin ng tatay ko para sa pag aaral ko ay pilit kinukuha ng madrasta ko para gamitin sa pag papagamot ni Ate" tuloy tuloy na salaysay ni Kristina "P-pero mabait si Ate Ria, t-tinakas nya yung pera na pampaopera sana sakanya at ibinigay sakin . . . lumayo na daw ako d-dahil wala daw akong magiging kinabukasan kung mananatili sa madrasta ko. Doon nag simula ang plano ko na hanapin noon si T-thomas Alcantara, p-para humingi ng tulong at para na din matulungan si Ate Ria" muling bumalik sa ala-ala ni Kristina kung paano nya noon ginamit ang mga naging kaibigan para masakatuparan ang plano na mapalapit muli kay Thomas, hindi lamang mapalait dito kundi para na rin makuha ang loob ng binatang matagal na nyang gusto "Hanggang sa sunod sunod na din ang mga hindi ko inaasahan na pang yayari, napunta na nga ako sa puder ng nanay ko at nag kapera . . . b-binalikan ko si Ate Ria pero wala na sila sa bahay namin dati. Nag bigay ako ng pera sa madrasta ko para pampagamot ni Ate Ria, estudyante palang naman ako noon at nahihiya din ako manghingi ng malaking tulong sa nanay ko" dagdag pa nito "A-akala ko naging okay na sya, p-pero nang umuwi ako ng pinas matapos namin mag aral ng kolehiyo sa Paris, nakita ko ang isang dalagita . . . kahit na nag iba na ang itchura nito ay alam kong si Rissa iyon. Nasa isang bar kami noon dahil pupuntahan namin ang kaibigan namin na si Skye ng makita ko si Rissa sa labas ng bar, marahil ka dahil menor de edad pa kung kaya't hindi pwedeng papasukin. Pero sigurado ako na may lumapit sakanyang tatlong lalake at inabot ang bag ng pera sakanya at inabot naman nya ang isa ring itim na bag. Binuksan pa ng isa sa tatlong lalake yon, siguro ay para makasigurado at nagulat ako ng mapansin na pake pakete ng shabu ang mga yun. K-kaya sinubukan kong ipahanap si Ate Ria para malaman kung ano ba ang nangyari sakanya . . . at dun ko nalaman na myembro ng sindikato ang asawa nya maging si Rissa. P-pero h-hindi ako sigurado kung alam ba ito ni Ate." nanginginig sa takot na kwento ni Kristina "P-pero si-siguro mababa lang ang pusisyon ng asawa nya sa sindikato kaya hindi sapat ang pera nito, n-nagulat ako ng puntahan ako ni Ate Ria at Rissa sa bahay at nanghihingi ng tulong. S-sa takot ko na madawit sa maling gawain nila ay binigyan ko nalang sila ng pera at pinag bawal ko na sa mga gwardya na makalapit pa sila . . . h-hindi ko alam noon na malala na ang lagay nya at may bata sa sinapupunan nya, nalaman ko nalang ng namatay sya" hagulgol ni Kristina, alam ng Diyos na gusto nyang tulungan si Ria ngunit mas pinangunahan sya ng takot "a-ang huling ba-balita ko lang ay nag palipat lipat ng grupo sila Rissa kasama ang tatay nya. H-hanggang sa nakatanggap ako ng sulat, a-alam kong si Rissa ang gunawa non. Sinisisi nya ako sa nangyari sa nanay nya"
"Bakit naman kayo sisisihin Mrs. Lopez kung binigyan mo naman pala sila ng tulong?" tanong ni Abad
Tuloy tuloy ang pag daloy ng luha sa mga mata ni Kristina "Dahil kung hindi ko kinuha yung pera at inoperahan sya agad noon, hindi lalala ng ganun ang sitwasyon ni Ate Ria. At kung tunulungan ko sana sila at hindi ako nag pakain sa takot ko, nailigtas pa sana sya o ang bata sa sinapupunan nya" saad ng ginang
"Bakit si Rynnah ang pinupuntirya nila at hindi ikaw?" Tanong muli ni Abad
"Hindi ko alam, siguro dahil alam nila na mas masasaktan ako kung si Rynnah ang pupuntiryahin nila. Sana nga ako nalang! Sana ako nalang kasi wala namang alam ang anak ko dito" humahangos na saad ng ginang
"Shhhh wag mong sabihin yan" pang aalo ng asawang si Rara habang pinupunasan ang luha ni Kristina
Kumunot naman ang noo ni Santiago sa mga narinig, sa isip nito 'ano naman ang kinalaman ni Bryze dito'
Mas lalo pa syang naguluhan dahil sa bagong impormasyon na nalaman nito na hindi tumutugma sa nangyayari
"Alam mo ba kung saang grupo kabilang ngayon si Rissa?" tanong ni Santiago
Natigilan naman si Kristina na parang may inaalala.
At saka agad rumihistro sakanya na minsan nyang nakita si Rissa ng di inaasahan sa isang tagong resto kung saan nya minsang mineet si Cashh.
Agad nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at hinanap ang isang picture
"Hindi ko alam pero minsan ko syang nakita na may kausap na lalake, n-nag tago ako noon sa kalapit na puno kung saan naka park ang isang sasakyan sa tapat ng resto kung saan kami nag kita ni Cashh. Hindi sya pumasok sa sasakyan, pero p-pag baba ng bintana sa driver's seat ay tinawag nya itong boss . . . ito yung picture" sabay pakita ni Kristina sa isang picture na nakuhanan nya.
Agad naman kinuha ni Abad ang cellphone at naki usyoso sila Milla at Santiago
"Bryze?" takang saad ni Abad. Habang sabay na kumunot ang noo ni Milla at Santiago.
-----
A/N: Wag na mag tanong kelan next UD, mag abang nalang. May sakit ako. Hehe