CHAPTER 10

312 64 12
                                    

"Akala ko ba ikaw ang pinaka magaling na pulis? E bakit kamuntikan ng mamatay si Rynnah?" singhal ni Blake

"Anong tingin mo sakin? Manghuhula? Na bago pa bumalandra yung bala e nasalo ko na? Sige Alcantara! Mag hanap ka ng taong bago pa maiputok yung baril nasalo na yung bala!" pabalik na singhal ni Bei

Nasa condo na sila ngayon ni Rynnah, at hindi parin makakalma si Blake.

"So anong gagawin natin? Hihintayin natin na baril muna si Rynnah bago mo sya maprotektahan?" natameme si Rodriguez sa turan ng binatang kausap. Ang totoo ay kaya naman nya talaga sanang unahan ang taong mag tatangka kay Rynnah, nag kataon lang na wala sya sa pangyayari. Hindi nya maatim na sya ang nag kamali dahil iniwanan nya ang alaga, nakalimutan nya na pwede naman nyang isama si Rynnah sa opisina at pinag hintay nalang muna sana don.

"E sino ba naman kasing matinong tao ang alam ng may panganib sa buhay yung girlfriend e nakuha pang humarot na makipag date sa labas? Ang luwang luwang ng unit na to, bakit hindi kayo dito mag date? Dito kayo mag momol!" Depensa muli ni Rodriguez sa sarili

"Kaya nga kami kumuha ng tao diba? Para makakilos at makalabas parin kami ng regular kahit na alam naming may panganib" pabalik na singhal ni Blake "at saka, sino ba tong limang babae na to? At itong kaklase ni Rynnah? Anong kinalaman nito dito?" sunod sunod na tanong ni Blake

Tinignan ni Bei si Ocampo na parang sinasabihan na wag ipaalam ang tungkol sa pag utos sakanya ni Kristina na bantayan si Rynnah

"Pulis din ako, under din ako sa kampo ni Septor" saad ni Ocampo

"Paano ka naging pulis? E nag aaral ka palang?" mausyosong tanong ni Blake

"Ahm love, nabangit nya dati na may ilang mga course na syang natapos baka yung criminology ang isa don?" singit ni Rynnah

Hindi na tumutol pa si Ocampo para matapos na ang usapan. Sa totoo lang ay ayaw na ayaw ni Cashh ang mahabang usapan dahil madalas tahimik lang ito.

"Nag kataon na kaklase sya ni Rynnah kaya kinontak ko sya na isama sa team ko" pag sakay ni Bei sa pag sisinungaling ni Cashh

"E itong lima na to?" tanong ni Blake

"Inspector ang limang yan. Bawat isa sa kanila ay mag tig lilimang tauhan, nakatoka ang mga area nila mag simula sa cctv, pag plaplano sa lugar, mga gagamiting baril at pag babantay. Bawat lugar kung saan palaging naroon si Lopez may mga nakakalat na pulis na nag papanggap na nag tratrabaho sa area" paliwanag ni Rodriguez

"Tss talagang mga babae kayong lahat?" muli sumilay ang pag dududa ni Blake sa kakayanan ng mga babaeng inspector

"Mga lalake ang mga tauhan nila" saad ni Rodriguez

"At mas mataas pa ang rango ng mga babae kesa sa mga lalake? Ano kayo? Power puff girls?" tanong ni Blake

"Hindi porket babae kami e mamaliitin mo na kami. Ibibigay namin sayo bukas ang mga records namin para naman bumilib ka ng konti at pwede ba wag kang pauso. Tatlo lang ang powerpuff, anim kami! At anong tingin mo kay Ocampo? Sya si professor o di kaya si mojojojo? Pauso!" sunod sunod na kuda naman ni Rodriguez

Tumayo si Blake at hinawakan si Rynnah sa kamay "gawin nyo ang trabaho nyo, mag uusap muna kami sa unit ko" saad ni Blake at hinila palayo si Rynnah

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon