Kanina pa napapansin ni Rynnah ang pag linga-linga ni Bei sa paligid. Hindi man nito ginagalaw ang ulo ngunit halata sa mata nya na hindi ito mapakali sa kakatingin sa paligid.
Nasa cafeteria sila ngayon para mag palipas ng oras kasama ang mag nobyong si Zhiek at Gabby na abala sa pag gawa ng feasibility.
Kinabahan naman si Rynnah sa talim ng paningin ni Bei habang may parang sinusundan ang mga mata nito
"Psst" tawag ni Rynnah, ngunit hindi sya pinansin ni Rodriguez. Sinubukang sundan ni Rynnah ang paningin ni Bei ngunit hindi nya matiyak kung saan ito nakatingin dahil sa bilis ng pag kilos at papalit palit ng direksyon ng mata nito "Psst" muling tawag ni Rynnah ngunit hindi parin sya pinansin ng dalaga. "may nakikita ka bang sumusunod satin?" tanong ni Rynnah.
This time nilingon na sya ni Rodriguez, nakakunot ang noo nito "assumerang bata to" saad ni s/insp "tinitignan ko yung bangaw na nakapasok kung kaninong pag kain dadapo" wika nito.
"Huh? Pati bangaw pinag hihinalaan mo?" tanong ni Rynnah.
Inihinto naman ni Gabby ang pag susulat at inilapag ang hawak na ballpen saka binaling ang atensyon sa dalawa. "Masanay kana bish, pati langgam na papalapit sayo hindi makakaligtas sa paningin ni Be- este Vern" saad ni Gabby
"Pfffttt" pigil nanaman ni Zhiek sa tawa. Hindi nya magawang lingunin si Bei dahil kapag nag kataon ay baka hindi nya na mapigilan ang sarili na matawa at baka mapikon pa ito
"Tangna mo Ford, isang pfft mo pa yuyupiin kita" banta ni Rodriguez
"Hindi na nga kita tinitignan eh, pinipigilan ko na" naka yukong saad ni Zhiek na nakabaling ang atensyon sa pag tytype sa laptop
Napansin naman ni Bei ang kaklaseng pinag hihinalaan na nakatingin sa gawi nila, nakipag tagisan ito ng tingin sakanya at saka ngumisi.
"Lopez, sino yung kaklase nyong nakasalamin na mukang Chinese?" tanong ni Bei ng hindi inaalis ang paningin sa lalakeng minamatyagan
"Huh? Sino sa dalawang nakasalamin? Yung lalake o yung babae?" tanong ni Rynnah
"Yung lalake" sinserong saad ni Bei na ngayon ay binaling na ang paningin kay Rynnah
Ngumiti ng nakakaloko si Rynnah at dinangil ang braso ni Bei. "Yiiieh type mo noh?" tanong ni Rynnah
"Lul, hindi ako pumapatol sa bata"
"Ayeiiih, hindi na bata yun noh!" saad ni Rynnah.
Tumaas ang isang kilay ni Rodriguez sa narinig "anong hindi na bata?"
"Ahhh, ang alam ko kasi pangalawa o pangatlong course na nya to. Ka age mo siguro yun. Hindi ata nag sasawang mag aral yang si Cashh Ocampo e" maintrigang saad ni Rynnah
"Kelan mo pa sya naging kaklase?" tanong ni Bei
"Hmmm. . . second year ata ako? Basta nung may nabuo kaming banda dati" inosenteng saad ni Rynnah.
Muling inalis ni Bei ang paningin sa kausap, nang akmang ibabalik na nito ang paningin kay Ocampo ay wala na ito sa kinauupuan
Mabilis na ginala ni Bei ang paningin sa paligid nang makita ang papalabas na binata.
Agad kinuha ni Bei ang cellphone at tinext si Milla na sundan si Ocampo. Hindi maaring makawala sa paningin nila ang kahinahinalang lalake na iyon
"Aalis muna ako" paalam ni Bei