Nag gagandahang ilaw at palamuti ang namumutawi sa venue kung saan gaganapin ang launch ng bagong line ng sapatos ng mga Lopez, ito din ang gabi kung saan ipapakilala si Rynnah bilang kinatawan ng kumpanya na syang mag mamanage ng mga produkto. Mga damit ang pangunahing merkado ng mga ito at dahil gragradaute na nga ang kaisa isang anak ng Ceo ng kumpanya kung kaya't naisipan ni Ryder Axel Lopez na syang ama ni Rynnah na panahon na upang bigyang ng pag kakataon ang anak na patunayan ang sarili sa board sa pamamagitan ng pag hawak nito sa bagong product line.
Sa kabilang banda, habang abala ang mga tao na makipag kwentuhan sa mga kapwa businessman ay ganun din kaabala ang Alpha sa pag ikot sa venue. Muling inakupahan ni Vyo ang cctv area para mag masid sa buong paligid. Ang dalawa naman ay palihim na sumama sa security, bantay si Weih sa backstage kung saan nandoon ang mga modelo at maging si Rynnah; si Ysseal naman ay bantay sa gawi kung nasaan manggagaling ang mga pagkain habang si Xiane at Ziel naman ay humalo at humalibilo sa mga tao. Imbitado ang pamilya ni Cashh kung kaya't hindi na nito kailangan mag panggap at mas makababawas ito na maging kahinahinala habang si Bei naman ay kasakasama ni Rynnah.
"Woi Lopez may lisensya ba tong takong ng sapatos ko? Puta makakapatay ng tao to sa tulis e!" singhal ni Bei, kanina pa lakad ng lakad ang dalaga at hindi mapakali
"E kung tumigil ka kaka lakad dyan, edi sana hindi ka nahihirapan ng ganyan. Maupo ka nga" sita ni Rynnah at muling binaling ang paningin sa papel na nag lalaman ng speech nya.
"Kinakabahan ako" saad ni Bei
"Ako din" sagot ni Rynnah
"Nasaan ba sila Blake?" Muling tanong ni Bei
"Nasa labas kasama sila Gabby at Zhiek, nandyan din siguro yung kapatud nya na si Khaye saka si Wayne . . ."
"Kinakabahan ka ba sa speech mo?" muling tanong ni bei.
"Hindi naman . . . kinakabahan ako dahil kinakabahan ka" sagot muli ni Rynnah
"Pakiramdam ko kasi may sunod sunod na mangyayari ngayong gabi" hindi na pag tangi ng septor sa dahilan kung bat di sya mapakali
"Handa naman kayo diba?" kumpirma ni Rynnah
"Oo naman, pero pakiramdam ko kasi hindi lang pag atake ang pwedeng mangyari . . . ewan ko ba iba talaga yung kutob ko" sagot ni Bei. Hindi ang pag atake ang iniintindi nito bagos ay may kung anong bumabagabag sakanya na hindi nya maintindihan, isang bagay na kinakatakot nya dahil ngayon lang sya nakaramdam ng ganito sa isang misyon
"Mag titiwala ako sayo, at mag tiwala ka rin sa sarili mo" pag papakalma ni Rynnah.
"O-ohh sige" sagot ni Bei habang patuloy sa pag mamasid.
Nag angat naman ang paningin ni Rynnah at bahagyang nabaling sa lugar kung nasaan ang mga modelo na syang rarampa para sa mga sapatos na sya mismo ang namili ng desenyo.
Nahagip ng mata nya ang isang pamilyar na imahe
"C-carrie?" bulong nito sa sarili, hindi nya mawari kung namamalikmata lang ba sya dahil saglit lang nahagip ng mata nya ang imahe. Umiling iling ito upang paniwalain ang sarili na namaalikmata lang sya, alam nya na nasa Pilipinas na muli si Carrie ngunit hindi sya kumbinsido na ito nga ang nakita nya "imposible, h-hindi naman siguro sya yun" kumbinsi nito sa sarili. Hindi nya maitatanggi na kamukang kamuka ito ni Carrie ngunit may mali sa itchura ng nakita nyang dalaga, para itong matamlay, namumutla . . . parang may sakit, malayong malayo sa matikas at palaban na Carrie na kilala nya.
"Uyy Lopez tawag kana sa stage!" yugyog ni Bei sa dalaga
Natauhan naman si Rynnah at pilit binura sa utak ang imahe ni Carrie na nakita nya.