CHAPTER 16

276 17 17
                                    

Nais sanang sumunod agad nila Rynnah sa kila Bei ngunit kailangan pa daw i clear ang area para masiguro na ligtas ang dadaanan nila.

Nang mamataan ni Rynnah kanina na mukang dadalhin ni Ziel si Bei sa hospital ay itinawag na nya ito sa kanyang Ate Reatha dahil panigurado na sa hospital kung saan ito naka duty dadalhin ang dalaga dahil ito lamang ang pinaka malapit na hospital dito.

Kung kaya't agad na pinaabangan ni Reatha at pinahanda ang stretcher sa emergency team para sa babaeng may tama ng bala na anytime soon ay isusugod sa hospital

"Doc Reatha itinigil mo daw ang pag roround sa mga pasyete mo?" puna ni Adrian

"Yes Doc, inaabangan ko kasi yung natamaan ng bala na isusugod dito. Napakalaki ng papel ng taong yun sa kaligtasan ni Rynnah kaya gusto kong matiyak na ayos sya" saad ng dalaga

"May resident doctor na naka assign sa emergency Doc, hindi mo pwedeng basta i turnover ang pag assist dun" wika muli ng binatang Doctor. "Wala ka bang tiwala sa kasamahan natin?"

Halos manlumo naman si Reatha sa narinig, batid nya na tama ang kausap na doctor ngunit nangako sya kay Rynnah na sya mismo ang mag aasikaso sa dalagang inspector.

Hinawakan ng dalaga sa braso si Adrian "Pero doc alam mo namang hindi ako mapapakali hanggat hindi ako nakakasiguro na magiging okay yung nabaril na yun" malungkot na wika nito

"Bumalik ka na sa pag roround mo, delikadong ma late ang mga pasyente mo sa pag take ng mga injections at medicine. Break ko naman na, ako na ang titingin sa lalakeng inaabangan mo" saad ni Adrian

"Babae sya Doc"

"Babaeng pulis?" takang tanong ni Adrian

Bahagyang natawa naman si Reatha sa naging reaksyon ng kasamahang doctor "Babaeng pulis nga Doc" tatango tangong wika ni Reatha "Mas mataas pa ang rango ng pulis na yun sa mga kalalakihang kasama nya sa kapulisan" pag bibida ni Reatha

Inismiran lamang ni Adrian ang dalaga "anyway, sige na Doc ituloy mo na ang pag roround sa mga pasyente mo at ako na ang bahala dito"

Isang buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Reatha bilang pag suko dahil tama naman ang turan ng kasamahang doctor. Wala na itong nagawa kundi bumalik sa pag roround at mag tiwala kay Adrian, sigurado naman sya na mag aassist ito kung kinakailangan. Hindi kasi nagawang sabihin ni Rynnah ang detalye dahil halatang gulat at takot pa ito buhat sa nangyari.

Alerto ang lahat ng dumating ng hospital sila Rodriguez, laking gulat ng dalaga ng mapansing handa agad ang emergency team.

"Ay updated sila na natamaan ako ng bala?" nakuha pang mag biro ni Rodriguez

Agad na inihiga ng mga nurse sa stretcher ang dalaga para madala sa emergency room

"Miss paki fill up nalang yung form at kami na ang bahala sakanya, hanggang dito nalang po kayo" saad ng isang nurse kay Santiago

"Ganun ba? Sige" tanging sagot ni Santiago

Akmang itutulak na ang stretcher ng maayos si Bei sa pagkakahiga dito ng pigilan ito ng dalaga

"Wui umeksena ka naman ng gaya sa movie, konting iyak plus sigaw ng "iligtas nyo sya! handa akong mag bayad basta iligtas nyo sya"" saad pa ng dalaga

"Wala kong pera bebang, wag hangal! Pakyu ka din e noh? Mauubos na dugo mo at lahat nagawa mo pang mag biro" singhal ni Santiago

"Ziel, ikaw nalang mag alis ng bala. Pakyu birimats ayaw ko ng injection! Barilin mo nalang ako ulit! Wag injection Ziel!!" Sigaw ni Rodriguez habang hinila na ang stretcher papasok ng emergency room

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon