"Are you sure okay ka lang?" tanong ng asawang si Rara kay Kristina
Ngumiti lamang ang ginang at hinawakan sa balikat ang asawa "Ipapahinga ko nalang muna to" saad ng ginang at iniwan ang asawa sa sala at nag tungo sa kanilang silid.
Kinuha ni Kristina ang cellphone sa bag, napapikit pa ito at saka nag pakawala ng isang bugtong hininga. Pag dilat ng kanyang mga mata ay agad nyang tinungo ang kanilang c.r at inilock ito. Dalidali nitong idinail sa teleponong hawak ang numero. Kasabay sa pag ring sa numerong tinatawagan ang mabilis na pag kabog ng dibdib ng Ginang.
"Hello?" sagot ng isang babae mula sa kabilang linya
"Ngayong nagawa ko na ang sinasabi mo, paano ako makakasiguro na tapos na ang pag tatangka sa buhay ng anak ko?" tanong ng ginang
Kahit hindi nakikita ni Kristina ang kausap ay batid nito ang pag ngisi ng babae sa kabilang linya. "Bukas na bukas din makikita mo ang banggay ng katawan ni Rissa" tumindig ang balahibo ng ginang sa walang pakundangang saad ng kausap na para bang isang ibon lamang na ligaw na papatayin ng mangangaso si Rissa
"K-kailangan ba talagang patayin sya?" tanong ng ginang
"Kung hindi ko sya papatayin Mrs. Lopez ay itatakas lamang sya ng mga ka grupo nya sa kulungan at gagantihan lang nya kayo ulit. Paulit ulit nya lang kayong tatakutin" wika ng kausap "Pero kung gusto mo naman, yung medyo nag hihingalo pa para makita nya pa kayo bago sya tuluyang mamatay" dagdag pa ng kausap nito
Halos bumaliktad ang sikmura ni Kristina habang iniisip ang kalunos lunos na sasapitin ni Rissa pero kailangan nyang tibayan ang loob nya para sa buong pamilya nya. Pakiramdam nya kahit hindi sya ang papatay sa dalaga ay parang isa na din syang kriminal at mamamatay tao.
"Wag kang ma kunsensya, dahil yan din naman ang gagawin ni Bryze kay Rissa kapag nahuli sya para hindi na makakanta pa at hindi na sya madawit" pampalubag loob ng kausap
"B-bakit mo dinamay ang kapatid ng kaibigan mo?" tanong ni Kristina
"Totoo ang lahat ng impormasyon na sinabi mo Mrs. Lopez huwag kang mag alala, talagang si Bryze Rodriguez ang leader nila Rissa." wika ng babae sa kablang linya "Pinapadali ko lang ang proseso kay Beverly na malaman ang totoong trabaho ng kapatid nya."
"Bakit hindi nalang ikaw ang nag sabi sakanya? Kaibigan mo sya diba?" tanong ni Kristina
"May mga dahilan ako Mrs. Lopez na hindi mo na dapat pang malaman. Dito din natin malalaman kung hanggang saan ang kayang gawin ni Septor para sa pinakamamahal nyang trabaho" sagot nito "Wala sanang maka alam ng lahat ng naging usapan natin Kristina Apostol, dahil alam mo kung anong kaya kong gawin. Itikom mo ang bibig mo at tatahimik na ang buhay nyo. Maraming salamat ho sa pakikipag tulungan kanina, wala hong nakahalata sa pag arte nyo."
Bago pa man makapag salita muli si Kristina ay ibinaba na ng kausap nito ang tawag. Ang tanging nasa isip ng ginang ngayon ay lahat gagawin nya alang alang sa kaligtasan ng anak at buong pamilya nya dahil kailan man ay hindi na maalis ang takot nya sa kaligtasan ng kanyang mag ama lalo na't sa nasaksihan nito. Totoo lahat ng sinabi nya sa mga pulis maliban nalang sa impormasyon na nakita nya si Bryze. Ipinadagdag na lamang ito ng babaeng kanina ay kausap nya.
Sa kabilang banda, abot ang dasal ni Rynnah kasama ang mga kaibigan nya para sa kaligtasan ng tatlong inspector. Batid nila na nadaplisan lamang si Beverly ngunit critical ang lagay ng dalawa pang kasamahan ng mga ito.
"Jusko kailan ba matatapos to, bakit ba ginagawa nila ito to samin" saad ni Rynnah na wala pang kamalay malay na nag salita na ang kanyang ina patungkol sa nalalaman nito. "May mga nadamay pa tuloy na mga inosenteng tao na gusto lang naman akong tulungan at protektahan" mangiyak ngiyak na wika ni Rynnah