"Kilala nyo na ba kung sino yung nag papanggap na Vern Apostol?" tanong ng isang dalaga sa tauhan. Sigurado sya na walang kamag anak na Vern Apostol sila Kristina kaya iba ang pakiramdam nya dito lalo pa at sinabi ng isa sa mga tauhan nyang nakatakas mula sa engkwentro na may hawak itong baril ng araw na iyon.
"Opo miss" sagot ng isang tauhan at iniabot ang isang envelope
"Kamusta na si Drew?" tanong ng dalaga pag tukoy sa binatang nakatakas sa engkwentro
"Ayos na po miss, pwede na uling mag pakamatay" biro ng kasamahan
Iiling iling naman na ngumiti ang dalaga. Binuksan nito ang envelope at binasa ang mga impormasyon na naroroong
Nanlaki ang mga mata nya ng makita kung ano ang tunay na pangalan ni Vern "Beverly Ferrer Rodriguez" pinag halong kaba at pag kalito ang nananaig sa systema ng dalaga. Lalo pa nang makita sa profile nito na isa itong inspector
"Alam ba ni Boss ang tungkol sa pagiging pulis nya?" tanong ng dalaga
"Mukang alam na nya Miss, dahil bawat galaw ng grupo ay nirereport sakanya. Anong plano mo? Siguradong parepareho tayong yari nito" saad ng binatang kausap
Plethora, ang tawag sa grupo na pinamumunuan ng isang sikat na businessman. Kuha ang pangalan ng grupo sa salitang ang ibig sabihin ay "marami" dahil sa dami ng bilang ng myembro. Ang dalagang may pasimuno sa pag atake kay Lopez ay ang kanang kamay ng binatang businessman na nasa likod ng grupo.
"Hindi tayo pwedeng huminto, ngayon pang nasimulan na natin" saad ng dalaga.
Taon ang binilang at nakamatayan na ng tatay nya ang araw na pinakahihintay nila. Ang balikan ang kasalanang naiwan ni Kristina Apostol Lopez sakanila na syang naging dahilan ng pag kamatay ng nanay at ng bunsong kapatid nya.
Tatay nya ang una unang naging kasamahan ng kanilang boss noong nag sisimula palang ang grupo nila, hanggang sa napatay ang kanyang ama sa isang ambush at sya ang pumalit dito bilang kanang kamay ng kanilang boss.
"Paano kung patigilin ka ni boss?" tanong ng isang tauhan
"Kailangan na nating iligpit ang isang yan bago pa mag ka alaman" wika ng dalaga
"Huli na ang lahat miss" saad ng isa pang binata na kakapasok lang ng opisina. Isa ito sa mga tauhan nya na pinapunta nya sa polo club para takutin si Rynnah Lopez "alam na ni boss" saad nito
Nanlamig ang buong katawan ng dalaga sa narinig.
"Hmm i see" walang ganang saad nya, ngunit sa loob loob ay nag sisimula na syang gumawa muli ng plano
"Nasa baba na sya at paakyat na kaya humanda ka na" dagdag pa ng binata
. . .
"Nandyan na si Boss" alarma ng isa pa sa mga tauhan ng grupong Plethora.
Umayos naman ng upo ang babaeng may mataas na pusisyon sa grupo.
Mukang alam na nya ang dahilan ng pag dating ng kanilang boss sa hideout. Pinag halong kaba at galit ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon.
Mas lalong kumabog ang dibdib nya ng masilayan ang papalapit na amo. Agad syang tumayo upang mag bigay galang dito "B-boss" utal na bati nya.
Walang pakundangan na lumapit sakanya ito at agad syang sinampal. Sa sobrang lakas ng sampal nito ay halos malasahan na nya ang dugo sa gilid ng labi.
"Itigil mo ang kahibangan mo!" saad ng amo
"P-pero boss, nakaplano na to bago pa sya pumasok sa eksena. Alam mo ang tungkol sa plano ko na to at pumayag ka" saad ng dalaga
"Ipag paliban mo muna hanggang mawala sya sa eksena" muling saad ng kanilang boss
"Boss, ilang taon na tong naka plano. Ititigil nanaman?" saad nito
"Anong gusto mo? Patayin ko sya? Para matuloy yang gusto mo?" saad ng binatang kaharap
"Ganun naman dapat diba? Kung sino man ang bumangga ay dapat ligpitin?" saad ng dalaga
Muling sinampal ng binata ang kaharap "hanggal!" singhal nito "uunahin kitang ligpitin bago mo masaktan ang kapatid ko! Sinasabi ko sayo itigil mo yan . . . dahil kapag nagalusan si Beverly mapapatay kita!" saad ng binata
"Hindi ba't itinakwil mo na yang pamilya mo? Bakit mo pa prinoprotektahan yang kapatid mo na wala kang kaalam alam yan pa ang pwedeng humuli sayo pag nag kataon!" sagot ng dalaga
"Kahit kelan hindi ko tinalikuran ang pagiging kapatid ko sakanya" malamig ang pakikitungong saad nito
"Wag mo sanang kalimutan ang pangako mo sa tatay ko, at wag mo rin sanang kalimutan na noong mga panahon na nag hihirap ka tatay ko ang karamay mo . . . tatay ko na namatay makapag lingkod lang sayo" sunod sunod na hinaing ng dalaga
"gawin mo ang gusto mo, pero pag nagalusan yang kapatid ko alam mo na ang mangyayari sayo!" at saka iniwan ng binata ang kausap.
Si Bryze Ferrer Rodriguez ang nakatatandang kapatid ni Bei. Nang umalis ito sa puder ng mga magulang dahil nag rebelde ay naging myembro ito ng sindikato. Ang ama na tinutukoy ng kaninang kausap na dalaga ang syang tumulong sakanya ng mga panahong walang wala sya. Di nag laon at bumuo sila ng sariling grupo at ito na din ang tumayong ama sakanya ng panahong tinalikuran nya ang mga magulang.
Dahil sa pag kamatay nito ay mas lalong nag pursigi ang binata na palaguin ang grupong kanilang simulan para na rin pag bayarin ang doctor na syang naging dahilan kung bakit hindi naisalba ang matanda . . .
Kinuyom ng binata ang kamao ng muling maalala kung paanong namatay ang ama-amahan sa kamay ng doctor na iyon, nang hindi ito agad sinalba dahil isa itong kriminal
"Avila . . . mag dasal dasal ka na" nag ngingitngit sa galit na saad nito sa sarili
Anumang oras ay handa na syang balikan si Avila ngunit sa ngayon ay kailangan nya muna pagtuunan ng pansin ang kapatid na si Bei para hindi ito masaktan. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip nya na darating ang pag kakataon na baka sariling kapatid nya pa ang makasagupa dahil sa taliwas nilang trabaho, prinsipyo at paniniwala.