CHAPTER 11

306 23 25
                                    

Nakabusangot na sumakay sa likuran ng sasakyan si Rodriguez. Kahit na malaki ang posibilidad na kilala na sya ng mga kalaban nila ay kinakailangan nya parin mag maang maangan para malito ang mga ito.

Nakasuot ang dalaga ng black fitted pants, habang naka white printed muscle tee. Naka bonet kahit nasa kainitan sa pinas na may 37° sa init. Nakasuot ng vans na sapatos at may red and black checkered na long sleeve na naka tali sa bewang.

"Ayos get up ah? Skater ka naman ngayon?" puna ni Blake sa dalaga

"Mas ok naman to Alcantara kesa sa muka akong fruit salad sa sobrang kulay ng suot" nakangusong saad ni Bei

"Bat mukang badtrip ka ate bei?" tanong ni Rynnah nang mapuna ang kanina pa balisang aura nito

Nasa sasakyan silang tatlo ni Blake kagaya ng nakagawian ay ihahatid sila ng binata.

Matapos ang huling naging engkwentro, ilang araw na ang nakalikipas ay agad umalis sila Ocampo at nag meeting para sa plano, hindi nila sinali si Bei para daw hindi ito mag freak out. Alam kasi ni Cashh na kapag nalaman ng septor ang naisip nyang plano ay baka umalma pa ito.

"Teka? Parang naisahan ako? Ako yung Septor tapos ako yung di sinali sa usapan?" pag kuway bulong ni Bei sa sarili

Nang makarating sa eskwelahan ay nag madaling pumasok sila Rynnah at Bei dahil bahagyang late na ang mga ito. Ngayon pa naman darating ang prof na papalit kay Mrs. Tan dahil manganganak na ito at kailangan mag leave, kung kaya't mapapalitan ang adviser nila.

Pag pasok sa classroom ay tumabi si Rynnah kila Zhiek at Gabby na sa may gitnang parte habang si Bei naman ay tumabi kay Ocampo para makibalita.

"Hoy, ano ba kasing plano mo? Dalawang araw na pero wala namang bago. Ako ang septor dito ha baka nakakalimutan mo" bulong ni Bei

"Tss, pag naka pwesto na ang lahat ng bata mo ikaw na bahalang mag manage" wika ni Ocampo habang abala sa pag susulat

Nang malaunan ay pumasok si Mrs. Tan, ito ang huling araw nya sa eskwelahan dahil nga pansamantala itong mawawala.

"Good morning class" bati ng guro

"Good morning Maam" sagot ng lahat na halatang pupungay pungay at wala pang enerhiya dahil sa napaka agang 7am class.

"Bago ko ipakilala ang bago nyong adviser meron muna akong ipapakilala na bagong estudyante" panimula ng guro "hali ka at pumasok na" aya ng guro.

Mula sa walang ganang aura ni Rodriguez ay agad kumunot ang noo nito ng makilala ang pumasok na bagong estudyante

"Anong ginagawa nyan dito" pabulong na singhal ni Bei kay Ocampo

"Yan ang sinasabi ko . . . alam kong ganyan ang reaksyon mo kaya hindi ko pinaalam." sagot ni Ocampo "Tss bistado ka na dahil sa ginamit mo ang apilyido na Apostol kaya kailangan ng bagong estudyante na mag papanggap na kunwari hindi nyo ka vibes para kung sino man ang spy nila dito lalapit agad sakanya. Tutal malakas kayong mag bangayan, siguradong swak yan"

"Hey guys! Im Weih Diaz, return student ako. Im older than your age pero hindi naman halata kasi baby face ako . . . diba? Sana maging friends tayo" masiglang pakilala ni Weih na parang nangangampanya bilang president ng student council. Dating management ang kurso ni Weih bago ito nag shift at naging pulis. Mula din sa isang kilalang pamilya ang dalaga na may malaking catering business kung saan mga prestige events ng malalaking kumpanya ang kumukuha sakanila. Naging rebelde ang dalaga at kagay ni Bei hindi alam ng mga magulang nito na pulis sya. May pekeng papel na ipinakita si Weih noon sa mga magulang ng pinalabas nya na nakapag tapos na sya, agad din namang nahuli ng mga ito na peke ang diploma ng dalaga. Buong akala ng pamilya nya ay undergraduate sya at nag lustay lang ng pera dahil lingid sa kaalamanan ng mga ito na nakapag tapos sya ng criminology.

Dear Present #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon