Dahil naalarma ang lahat ng guardya sa polo club ay mabusisi nilang sinuyod ang kabuuan ng area upang halughugin. Agad namang pinadala ni S/Insp Rodriguez ang mga tauhan nya upang mag manman din sa paligid.
Bago papuntahin ang ilang tauhan ay itinawag nya ito sa pinsan nya na may lima syang tauhan na pasasamahin na nakasuot ng parehong uniporme ng mga guardya sa polo club para kung sakaling may nag mamatyag man ay hindi makahalata ang mga ito.
Agad namang nakilala ito ng tatlong dating pulis na ngayon ay nasa grupo na ng nag babantay kay Gabrielle Ferrer ang limang pinadala ni Rodriguez.
Napag alaman nila na hindi sa main gate dumaan ang apat na armadong lulan ng motor. Bagkos ay gumawa ang mga ito ng sariling ramp kung saan mula sa pader ay mapapadaan nila ang mga motor papasok.
Mukang pinag handaan ito ng husto ng grupo ng mga nanloob at marahil matagal na itong napag planuhan at kumuha nalang ng tyempo.
Nang muling tumawag ang mga tauhan ni Rodriguez ay agad sumunod ang dalaga papasok ng polo club dahil nag hihintay lang naman ito ng signal na maari na syang makasunod.
"Senior Inspector Beverly Ferrer Rodriguez" pakilala ng dalagang nakasuot ng civilian na damit sabay lahad ng isang kamay nito. Hindi mo aakalain na myembro ng mga undercover ang dalaga dahil sa kinis at ganda nito.
Lingid sa kaalaman ng apat ay palihim na nitong iginala ang paningin dahil natiktikan na sya ng limang tauhan patungkol sa mga gwardya na nasa loob.
"R-rynnah Krixel Lopez po" pakilala ng dalaga sa sarili.
Sa edad na bente sais ay nakakuha na ng maraming parangal ang dalaga, at dahil wala pa itong kaso na hindi na lulutas kung kaya't isa sya sa sumusunod sa rango ng kanilang Chief.
Galing sa marangyang angkan ang ina ng nito habang nasa middle class lang ang kanyang ama. Lingid sa kaalamanan ng pamilya ang pagiging agent ng dalaga. College palang ito ay umalis na ito sa puder ng mga magulang, kagaya ng kanyang nakatatandang kapatid na lalake dahil ayaw nilang maging sunudsunuran sa pamilya ng ina. Bukod kay Gabby na syang pinaka malapit sakanya ay wala ng nakaka alam sa pamilya nya ang tungkol sa trabaho nya.
"Senior Inspector? Ibig sabihin may mas mataas pa sayo?" panliliit na wika ni Blake
Ngumisi si Rodriguez sa turan ng binatang nasa harapan. Sanay na ito sa pang mamaliit sakanya dahil isa syang babae.
"Sinong gusto mong mag hawak ng kaso? Yung Chief namin? Pupusta ko babagsak ang Intelligence Department kung si Chief ang i rerequest mo" mapang asar itong tumawa "Sinong gusto mong mag patakbo sa departamento namin kung si chief pala ang gusto mo bata?" lumapit si Rodriguez kay Blake habang patuloy ang pag isa isa sa mga nasa loob na gwardya "Yung mas mataas pa? Sige mamili ka si Superintendent, Senior Superintendent, o si Chief Superintendent?" pabalang na suwesyon nito, tinapik ng dalaga si Blake sa balikat "Kung yun ang kukunin mo sigurado akong kilala yun ng mga taong nag papapatay sa girlfriend mo, para mo na ding pinain ang buhay ng girlfriend mo"
"Relax, mag kakakampi tayo dito" awat ni Gabby sa dalawang nag kakainitan
"Paano ako nakakasiguro na maprorpotektahan mo si Rynnah?" Seryosong tanong ni Blake
Ngumisi si Rodriguez, kinuha nito ang baril na nakasukbit sa isang katabing tauhan nito
Bang!
Napatakip sa tenga si Rynnah sa takot ng mag paputok si Rodriguez ng baril. Nakatayo lang na nanonood si Gabby na mukang sanay na sa inaasta ng pinsan.
Bumagsak ang isang gwarya na nasa gawing kanan. Napangisi ang isang tauhan ni Rodriguez sa bullseye na tama nito sa dibdib.
Bang!