Chapter 1 - HANNAH

414 5 2
                                    

"Sabihin mo munang mahal mo ko!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sabihin mo munang mahal mo ko!"

"Ayoko nga! Ano ba Francis, pumasok ka na! Hindi ka na naman papasok, ang dami-dami mo na ngang lates tapos ngayon naman mag-aabsent ka. Kung hindi ka absent nagka-cut ka ng class mo. Ano ba ta---"

"Okay sige na po papasok na. Oh namumula ka ngayon. Sa pisngi lang kita hinalikan niyan ha, pa'no pa kaya kung sa lips?"

"Ikaw talaga ... FRANCIS! Hintayin mo ko, huwag ka ngang tumakbo."

"Sabi mo male-late na tayo. Hahahaha!"

---

Teng, teng, teng....

"Magsigising na kayo para makapag almusal na, mahuhuli na kayo sa trabaho't eskwela ninyo."

Minulat ko ang mga mata ko sa sigaw ng nanay ko. Mag-aalas sais na ng umaga. Panaginip na naman pala ang lahat. Haaaay! Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Parang kelan lang kasi ang lahat.

"Oh, magsikain na kayo." Si Nanay, habang inaayos ang mesa.

Nagsipag-upo na rin kami para kumain ng almusal and as usual si Ate Ceska huli na naman.

"Oo nga pala Nay, bilhan niyo na po ng bagong sapatos sina Francine at Frida. Nakita ko po kasing sira na yung swelas ng mga sapatos nila."

"Naku Francis anak salamat. Alam kong pinag-iipunan mo yung outing niyo sa school pero naisip mo pa rin yung mga kapatid mo."

"Oo nga kuya, kagabi lang inuwian mo kami ni Frida ng Chicken. The best ka talaga."

"Ano ba naman kayo, libre naman yung manok sa pinagtatrabahuhan ko. Saka Nay hindi po outing yun, educational tour po yun para makita namin yung iba't ibang industries na may kinalaman sa Engineering."

"Ah ganun ba? Parehas na din yun."

"Nga pala Nay, Tay, sa susunod na linggo e hindi na po ako makakapagtrabaho sa fastfood. Mag-uumpisa na po akong magtraining sa Engineering Department sa munisipyo."

"Naku anak malapit na matupad mga pangarap mo. Konting tiyaga na lang."

"Oo nga po Tay para hindi na rin po magtinda si Nanay sa palengke at kayo naman po ay di na rin kailangan mamasada ng tricycle. Kasi pagka-graduate ko at maipasa ang board exam, mag-aapply na po ako sa Dubai."

"WOW naman!" Eto na si Ate Ceska, ginulo pa ang buhok ko.

"Ano ba Ate, yung buhok ko."

"Hoy Francis! H'wag mong kalimutan ako magpapapsok sa'yo sa munisipyo. Buti na lang close kami ni Mayor ... ay yung staff pala ni Mayor."

"Ate Ceska syempre naman ikaw pa. Saka if I know kaya mo ko pinasok sa Munisipyo para ipakita sa mga katrabaho mo na may kapatid kang gwapo."

"WOW naman! Kapal lang ng mukha. Si Hannah lang naman ata ang gwapong-gwapo sa iyo."

When Mr. Sungit Love Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon