Prologue

60K 961 33
                                    

Medyo madilim ang kwartong iyon, nagliliwanag lang sa panaka-nakang daan ng tricycle sa may kalsada. halos malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Hindi kasi ako sanay na nakikitulog sa ibang bahay, at hindi ako sanay na may katabi pa sa kama.

lumingon ako sa left side ko, pinagmasdan ko ang maamong mukha ng katabi ko, mababanag mo ang kapaguran. nakaharap ito sa akin at ang mga kamay ay napapatungan ng kanyang ulo, napangiti ako sa hitsura nya, para syang batang nakabaluktot at mahimbing na natutulog.

masaya kong pinagmamasdan sya kahit halos wala ako makita sya kanya, ng may kumilos sa kanang bahagi ng kama, tumingin ako dito.

ay, andito pala ang best friend nya. nakatalikod sya, nagkamot pala ng binti kaya kumilos ito at gumalaw ng konti ang kama. maya-maya ay hindi na ito kumilos pa, rinig ko na lang ang mahinang hininga nya hudyat na malalim na ang pagkakatulog nito.

nasa ganun akong posisyon ng naramdaman ko na lang na parang bumigat ang aking bewang, inangat ko ng konti ang aking ulo, tiningnan ko kung ano iyon.

ang diwa kong gising ay lalo pa yatang nagising sa nakita ko. lumingon uli ako sa kaliwa ko, pakiramdam ko ay lalong lumapit sa mukha ko ang mukha nya.

may kaba akong naramdaman, parang bumilis ang tibok ng puso ko, aircon ang kwartong iyon pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malapot. bigla akong nakaramdam ng init.

titig na titig ako sa mukha nya ng bigla syang dumilat at ngumiti ito ng nakakaloko. bigla akong nagulat at medyo nailayo ko ang aking ulo sa kanya.

"kanina pa ba ito gising?" tanong ko sa sarili ko,

di ko tuloy alam kung alam nya na kanina ko pa sya pinagmamasdan.

alanganin akong ngumiti sa kanya.

"cat..." ang pabulong nyang sabi sa kin.

"h..mm?" halos matuyuan ang lalamunan kong sagot.

di ako makagalaw ng mga oras na'yon dahil ramdam na ramdam ko ang mainit nyang katawan na nakadikit sa braso ko, habang ang braso nya ay nakayakap pa rin sa waist ko.

"i feel cold,.. please hug me" ang malambing nyang sabi.

hindi na nya hinintay ang sagot ko at umusod sa tabi ko, siniksik ang kanyang ulo sa pagitan ng aking balikat at leeg.

ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga na nanunuot sa leeg ko, papunta sa kaibuturan ng aking puso.

kinabig nya ang katawan ko palapit sa kanya na wari'y naghahanap ng human blanket. di ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko nagrarambulan ang buo kong sistema. nagkakagulo, parang naghalo-halo na yata ang laman loob ko.

kahit nakahiga ako, ramdam ko ang panglalambot ng tuhod ko. ang bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay gustong lumabas sa dibdib ko ng mga oras na yon.

tumagilid ako paharap sa kanya inayos ko ang kumot para kumutan sya at nag-aalangang nilagay ko ang braso ko sa kanyang bewang. ang lambot ng kanyang mainit na balat. para akong nakuryente sa pagdantay ng aking balat sa kanya. pakiramdam ko ay may biglang kumislot sa pagitan ng dalawa kong hita.

di ko napansin na malapit na pala ang kanyang mukha sa mukha ko, halos magdikit na ang aming mga ilong. nakita kong nakatingin sa akin... parang pinagmamasdan nya ang buo kong mukha, at napansin kong dumako ang kanyang paningin sa labi ko.

ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang malalambot nyang labi, na nakasayad sa mga labi ko...

Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon