Cathy P.O.V
Paalis na ko sa lugar sa kung saan ginaganap ang feeding program ng BAB foundation
"Bakit naman kasi naisipan ng tatay na pasunurin ako sa feeding program"
Nameet ko ang founder ng foundation na si Mr. Fredo and Mrs. Teresa, pinakilala sa akin ni Mrs. Montejo
Nakilala ko rin ang anak nilang si Drake na parang manghang mangha sa kotse ko, dun kasi sya nakatingin habang nakikipag-kamay sa akin
May isa pa daw silang anak pero nagpunta sa bayan kasama si Sandy
Oo nga pala nabanggit ni sandy na isa sya sa mga volunteer ng foundation
Sumaglit lang ako dito para kamustahin sila Mrs. Montejo at iba pa naming tauhan. Nagdala na rin ako ng iba pang donations
Bilang pangako sa Tatay ko na tutulong sa Narvaez Construction ay isa ito sa pinagawa nya.
Kailangan ko daw malaman kung ano ano ang other activity ng Company.
Tinext ko na lang si dexter na mauna na sa simbahan, dun na lang kami magkita.
Nagreply naman agad na papunta na sya
Binagalan ko muna ang pagdra-drive ng kotse, iginilid ko ng kaunti dahil may kasalubong akong sasakyan
"papunta na ko"--- sent, reply ko sa text ni dexter
Nakalagpas na ang kotse ng inangat ko ang tingin sa kalsada
May kaliitan lang kasi ang daan, kailangan magdahan dahan ang sasakyan kung may kasalubong dahil parehong may kanal sa magkabilang gilid.
Hindi nagtagal ay nakarating na ko sa simbahan. Pinarada ko lang ang kotse at mabilis na pumasok sa simbahan, nilingap si dexter sa lugar kung saan kami madalas. Hindi naman ako nahirapan, nakita ko agad sya at lumapit ako.
Lumapit ako dito at idinikit ang katawan ko sa braso nya.
Saglit lang itong nagulat at inilagay na nya ang kanyang braso sa balikat ko, hinalikan ang ulo ko at itinuloy ang pakikinig sa pari.
"musta yung pinuntahan mo?" bulong nito
"ok naman, madaming bata" sagot ko
"good" sabi nito at hinalikan ulet ang ulo ko.
Pagkatapos ng misa ay napagkasunduan namin kumain sa labas
"ah, lalabs this week uwe nga pala kami sa Rizal" paalam ni dexter
Nasa uncle cheffy resto kami,
"bakit kayo uuwe?" tanong ko
"darating si papa," mahina nyang tugon na nakayuko
Nasa Canada kasi ang papa nya. At kahit matagal na ang relasyon namin ay hindi pa rin alam ng papa nya na may girlfriend sya.
Naka-apply kasi ang Visa ni dexter papuntang Canada, ipipetisyon sya nito.
At kabilin-bilinan ng papa nya na wag muna sya mag girlfriend dahil baka makapag-asawa sya agad at hindi matuloy ang pagCa-Canada nya.
Tutol man ako na ilihim nila (kasabwat ang pamilya ni dex) ang relasyon namin, wala ako magawa. Planado na yun bago pa man ako dumating sa buhay ni dexter.
"sorry lalabs, hindi kita maisasama, kahit gustuhin ko" sabay hawak ni dex sa kamay ko
Napansin siguro nya ang hindi ko pagkibo
"ok lang yun, sanay naman na ko" ang matabang kong sabi
Bahagyang ngumiti ito sa akin
"wag kang mag-alala lalabs, kapag nasa Canada na ko, babalik ako dito sa pinas after six months, papakasal na tayo!" malaki na ang pagkakangiting sabi ni dex
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
ChickLitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...