Frenzy P.O.V.
"hmm"... ang mahinang usal ko,
ang mukha ko ay nasa kanyang leeg, ang bango ng balat nya, na para bang ang pawis nya ay nagpro-produce ng sariling pabango.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, may kung anong malakas na pwersa ang pilit kong nilalabanan,.. Pwersang pilit na inilalapit ang sarili kay cat.
Pero hindi ko ito mapigilan, kahit kagabi sa pagtulog namin, ang sarap ng pakiramdam na muli ko syang nakatabi katulad ng nasa bataan kami, pero this time,.. last night iba, nakaunan ako sa kanyang balikat. Hay sarap sa feeling.
Lalo na nung naglapat ang aming mga labi. Ang lambot,.. ang lambot ng kanyang mapupulang labi. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko, ikaw ba naman first time mo humalik hindi ka manginig, lalo na sa babae pa!.
Nalilito na ko sa sarili ko, gusto-gusto ko na si cat,... ay mali,..... mahal ko na yata ang babaeng ito na ngayon ay yakap yakap ko.
Bigla nyang hinawakan ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng kanyang tyan, ayaw ba nya na nakayap ako sa kanya?
Pinilit nya luwagan ang pagkakayap ko sa kanya.
"ahm, frenzy,.. " tawag nya sa akin pilit inilalayo ang kanyang mukha para humarap sa akin.
Inangat ko ang baba ko konti at dumistansya sa kanya ng bahagya para makaayos sya ng upo. Inalis ko na rin ang pagkakayakap ko sa kanya pero nanatiling nasa likod pa rin nya ang isa kong braso.
Sumandal sya sa sofa, nakatingin sa center table. Wari'y may iniisip...
Tumingin sya sa akin, tinitigan ko rin sya,.. naalala ko yung unang araw na nakita ko sya, yung nagtitigan lang kami sa site,.. ganito kami ngayon,.. hindi kami nag-uusap nakatingin lang sa isa't-isa parang ang puso namin ang nagkakaintindihan.
Sa isang iglap, namalayan ko na lang na magkalapat na ang aming mga labi. Nakapikit sya na para bang dinadama nya ang bawat Segundo na magkadikit ang mga ito. Matagal din na ganun ang sitwasyon namin.
Hindi ko kasi alam gagawin ko, hindi ako marunong humalik!.. shocks.. nakakahiya ako!.
Naramdaman yata ni cat ang hindi ko pagkilos, inilayo nya ang kanyang mukha at tumingin sa akin.. wari'y binabasa ang aking mga mata, bigla naman akong nahiya at naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi.
Biglang may sumungaw na ngiti sa labi ni cat.
"hindi ka marunong?" nangingiti nyang tanong.
Umiling lang ako at niyakap ko sya, ayaw kong makita nya ang lalong pamumula ng aking mukha.
She push my body away from her and she cupped my face, she look in my eyes and i look into hers...
Nakita ko sa kanyang mga mata na wari'y nagtatanong, napakunot naman ako.
Nagulat ako ng bigla nya kong siniil ng halik, madiin, para nyang hinigop lahat ng hangin sa bibig ko. Kaya bigla ako napahawak sa balikat nya.. Hindi ako makahinga.
Itinulak ko sya palayo sa akin para humugot ng konting hangin. Hingal akong tumingin sa kanya.
"frenzy, i like you.... I really like you!" ang mahina nyang sabi
Hindi pa rin nya inaalis ang pagkakahawak nya sa magkabilang pisngi ko.
Walang lumalabas na salita sa bibig ko, gusto ko sana sagutin ang sinabi nya kaso i cannot find the word to say it!..
![](https://img.wattpad.com/cover/67881553-288-k265133.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
ChickLitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...