Cathy P.O.V.
Mga labing malalambot, maiinit at mala strawberry na lasa ang hindi mawala sa aking alaala...
Alas dos na ng madaling araw hindi pa rin ako dalawin ng antok... Mulat ang aking matang nakatingin sa kisame ng apartment na aking inuupahan..
Ginugunita ang sandaling kasama ko si frenzy.. Ang muli naming pagkikita, ang kanyang mainit na yakap, ang mga luha nyang pumapatak, ang mga salitang sumasaksak sa aking pusong payak.
"please come back to me cathy"...
Salitang ume-echo sa aking pandinig at nagbibigay lamat sa aking dibdib. Marahan akong bumaling sa pagkakahiga.
"hmmmm" ungol ng katabi ko sa aking kama.. Si desi, dito sya sa apartment ko natulog ng gabing iyon,
Sandali ko syang tiningnan, para makasiguradong hindi sya nagising sa aking pagkilos. Ng alam kong mahimbing naman sya sa pagkakatulog, dahan dahan akong bumangon at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng hot milo.
Nagtungo ako sa living room at umupo sa dulong bahagi ng sofa kung saan ako naupo kanina ng nandito si frenzy.
Pinagmamasdan ko ang kanyang iniwang pwesto kanina, biglang lumitaw ang kanyang repleksyon,...
Ang pagngiti nya habang kumakain ng brownies, ang paglagok nya ng juice, ang panaka nakang titig nya sa akin.
"hayyss" ang nasambit ko lang pagkatapos kong humugot ng malalim na hininga sabay higop ng mainit na milo.
Sa pagkakataon ito, nalilito ako, tama ba ang ginawa kong pagpili sa taong mahal ako rather than choosing the person i really love?
Tama ba na mahalin ko ng pilit ang babaeng mahimbing na natutulog sa aking kwarto?
Hay, if i could turn back the time, itatama ko ang aking pagkakamali, ipaglalaban ko kung ano yung mararamdaman ko para kay frenzy, pero wala.. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan at kailangan kong pangatawanan ang aking naging desisyon.
************************************
"your being unreasonable desi!" ang sigaw ko sa babaeng inis na inis ngayon sa harapan ko.
"unreasonable?.. Unreasonable cat?" ang nangigigil nyang tanong sa akin.
"yes, unreasonable!" ang sagot ko sa kanya.
"unreasonable na yung mainis sa'yo dahil hindi mo man lang ako ininformed na nagpunta pala dito last week si frenzy?!?!"
"eh hindi ko naman sya pinapunta, sya ang pumunta at di ba close na ulit kayo, oh di magrereport sya sa'yo lagi" ang naiinis kong sagot.
"my God cat, do i have to expect her every now and then na magsabi sa akin, and isa pa sino ba ang girlfriend ko, sya ba or ikaw?!?!?" ang mataas na nyang boses.
wala pa kaming tatlong buwan pero nakikitaan ko na ng possessiveness si desi, pati si John na engineer namin ay pinagseselosan ng minsan nakita nyang nasa apartment ko dahil dinala ang iba pang reports ng aming sub-con at medyo tumagal ang aming kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
Chick-LitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...