11 - Jealous

17K 401 25
                                    

Frenzy P.O.V

Pumasok na ko sa room at andito na si desi, nagdra-drawing, tahimik

"oh, desi musta drawing?" tanong ko

Hindi ito kumikibo

"ok ka lang?" lumapit ako dito

"bakit kasama mo si ms. Cathy?" walang karea-reaksyon tanong ni desi

"ah, eh, nagpunta sya sa foundation kanina" bakit ba ako nakaramdam ng pagka-guilty

"kaya ka ba nagmamadali kanina sa school?" sa drawing pa rin nya sya nakatutok

"ah sorry desi, hindi na kita nasabihan about sa meet up namin ni ms. cathy" paliwanag ko

"ok lang, wag na wag ko lang malaman na nakikipagmabutihan ka dun, isusumbong kita sa tatay mo" tumingin ito sa akin.. seryoso ang mukha

"eto naman, possessive lang ang peg mo?," naiinis kong sagot dito

napaka-harsh naman kasi nitong desi na'to

"hindi, inilalayo lang kita sa kung ano man mangyari sa inyo" binaling na ulit nya ang pagdrawing

"ano naman ang mangyayari?. i just want to be her friend" bumalik na rin ako sa table ko at inayos na ang tracing paper na nasa ibabaw nito

"naku frenzy, sinasabi ko lang, i know you better than yourself!" lumingon ito sa akin

"nagseselos ka ba desiree dahil may bago akong friend sa katauhan ni cathy?" hindi ko naiwasan tanungin sya

"wa-wala, pero sa inaakto mong yan, halata na kasi kita" iniharap nya ang upuan sa pwesto

"ano naman nahahalata mo?" tanong ko

"tibo ka ba talaga!?" walang ka-gatol gatol na tanong nito

nanlaki ang mata ko.. hindi ko inaasahan yon. nag-isip ako sandali, lesbian nga ba ako?

"wow... Big word!,.. Pero hi-hindi ko alam," mahina kong sagot

"bakit mo naman natanong yan?" tanong ko

"eh kasi parang may gusto ka kay ms. cathy sa mga kinikilos mo" sabi ni desi

"ah, siguro natutuwa lang ako sa kanya, na gusto ko lang syang maging ka-close" sabi ko

nagsimula na ako mag drawing. ano na nga ba ang gusto ko ngayon? simula kasi nang makilala ko si ms. cathy parang nalito na ko. pagkakaibigan nga lang ba ang gusto ko sa kanya or more than that?

"ewan, bahala na" bulong ko sa sarili ko at nagsimula akong magdrawing.

"saka desi sabi mo dati ok lang sayo kahit ano preference ko?" bumaling ulet ako dito

Naalala ko kasi ung sinabi nya dati

Huminto sya sa pagsusulat, wari'y nag -isip

"sabi ko lang yun!" naka ismid sya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa

Napapailing na lang ako at itinuon na ang sarili sa drawing

Napansin kong umilaw ang aking cellphone, may nagtext

"dito na'ko sa bahay, thanks for today" - cat

Nangingiti ako sa nabasa ko

"thanks din" - sent

"sus, makangiti ang isa dyan" si desi

Narinig kong komento ni desi pero seryoso ang mukha

Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon