Frenzy P.O.V.
"how i wish matapos na ako sa pag-aaral ko" ang nabulong ko na lang sa sarili. Andito na naman ako sa room ko, doing my homeworks, drawing and some projects.
Kailangan kong mag-concentrate muna sa study ko, isang buwan na lang at graduation na namin and candidate ako as one of the cum laude kaya I need to pass all school requirements, ayokong mabigo ang parents ko sa expectation nila sa akin.
"bunso, inom ka muna ng gatas" bati ng Tatay ko ng hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya sa room ko.
"salamat po Tatay" tugon ko dito habang inaabot ang isang baso ng gatas, humigop ako saglit at inilapag sa gilid ng aking drawing table.
"kumusta na nga pala si Cathy?, parang hindi ko na yata sya nakikitang pumupunta sya dito?" tanong ng Tatay ko.
Napahinto ako sa ginagawa ko at parang may gustong lumabas na luha sa aking mga mata ng mabanggit ng tatay ko ang pangalan ni Cathy.
Ano na nga ba ang nangyari kay cathy? It's been weeks na that i haven't seen her, since the day na sinamahan nya si desi sa antipolo, bigla na lang nagbago ang lahat. And nasasaktan ako sa nangyayari sa amin.
"ah, Tay, busy daw sya sa negosyo ng family nya eh" ito na lang ang dinahilan ko, sa totoo lang madalang ko na rin sya i-text kahit panay ang text nya sa akin, minsan ko lang sya replayan, hindi ko na rin sinasagot ang ilang mga tawag nya.
"ah ganun ba?, sana punta sya sa linggo sa feeding program natin, miss ko na rin ang batang iyon" sabi ng tatay ko at nagpaalam na itong lumabas ng kwarto ko.
I stand up from my chair and lay down my body in my bed, holding my phone in one hand. I look at it and I saw some missed calls from cathy.
Nang bigla na lang tumulo ang aking luha. Naalala ko ang pag-uusap namin ni desi and dahil doon nakagawa ako ng desisyon na alam kong labag na labag sa kalooban ko, kaya ako nagkaka-ganito ngayon.
*** FLASHBACK ***
"frenzy, I cannot take it anymore, oo aaminin ko I'm jealous!" sabi ni desi ng isang gabing nagstay sya dito sa bahay.
"huh?... bakit?... kanino?" ang sunod sunod kong tanong, nalilito ako sa sinabi ni desi, may gusto ba ito sa akin?
"nagseselos ako dahil pakiramdam ko mawawalan na'ko ng isang kaibigan" ang naluluha nang sabi ni desi.
"sa tuwing nakikita ko or nalalaman kong magkasama kayo, nasasaktan ako, sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo sa bawat text nya na binabasa mo, nasasaktan ako" may hikbi nyang sabi.
"Mahal kita bilang kaibigan at itinuring na rin kitang parang kapatid, ikaw takbuhan ko sa lahat ng problema at parang ang sakit sakit na matanggap na mapapalitan na ako sa buhay mo," ang pagpapatuloy ni desi.
"I don't want to sound selfish, pero I cannot help myself not to feel this way, alam ko naman na hindi lang naman ako ang magpapasaya sa'yo" at tuluyan ng humagulgol si desi.
Nasasaktan din ako sa isipin na nasasaktan ko ang aking matalik na kaibigan ng hindi ko namamalayan, pakiramdam ko, ako ang nagiging makasarili ngayon dahil hindi ko na iniisip ang mararamdaman ng iba sa tuwing masaya ako kasama si cathy.
Aaminin ko, nitong mga nakaraang araw na kasama ko si cathy, masaya ako.. at alam kong walang makakapantay sa kaligayahan nararamdaman ko sa piling ni cat, pero ayoko naman itapon na lang ang pagkakaibigan namin ni desi na binuo na ng panahon. Mahal ko rin naman si desi at itinuring na rin naming myembro sya ng aming pamilya.
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
ChickLitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...