Frenzy P.O.V.
"ano?!" ang malakas na sabi ni desi
Halos manginig ang buo kong katawan sa boses nya, andito kami ngayon sa room ko, after ng klase namin ay sumama sya sa akin pauwe usap daw kami dahil may nahahalata daw sya sa amin ni cathy
"frenzy naman, bakit ganun?" ang naiiritang tanong ni desi
Inamin ko na kasi dito na M.U. na kami ni cathy pero hindi ko naman sinabi sa kanya na may nangyari na rin sa amin, mga ganun bagay kasi ay sa amin na lang ito ni cathy.
"kaya pala lately napapansin ko iba yung mga tinginan nyo, the way she talked to you, yung may lambing, may pagmamahal. Yun pala may unawaan na kayo!, and you didn't even bother to tell me!!!" inis na sabi ni desi
"kaya eto nga eh, sinasabi ko na sa'yo" sabi ko
"ngayon lang, ilan araw na ang nakaraan and while im on my suffering kayo naman dalawa rejoicing, napaka unfair nyo!" naluluha ng sabi ni desi
Lumapit ako sa kanya ang i hugged her, lalo na syang naiyak at humagulgol sa balikat ko
"i'm sorry kung nagkulang ako ng moral support sa'yo habang nasa ospital si inang at naging selfish ako dahil mas pinili ko kung ano ang magpapasaya sa akin, pero believe me, importante ang pagkakaibigan natin" pag aasured ko sa kanya
Alam ko na medyo possessive si desi pagdating sa frienship at ramdam ko ang takot nya na baka talikuran ko ang samahan namin.
Ngayon, naiisip ko, tama ba itong pagmamahal ko kay cathy, dahil nakakasakit ako ng kapwa ko ng kaibigan ko dahil sa nararamdaman ko kay cathy.
Humiwalay si desi sa pagkakayakap at pinunasan ang kanyang mga luha.
"ano ngayon plano mo, sasabihin mo sa parents mo?" tanong ni desi
"yun pa nga problema ko, natatakot ako na baka hindi matanggap nila tatay at nanay na ang bunso nilang anak ay babae din ang gusto" ako naman ngayon ang parang maiiyak.
"sa family ni cat, walang problema, nasabi na nya nung isang araw sa buong family nya at tanggap naman ito, iniinvite nga ako ni cat sa kanila, pakilala daw nya ko"
"eh kung sana ganyan din ang thinking ng parents mo!" ang seryosong sabi ni desi
"bakit naman kasi pumasok ka sa ganyang sitwasyon frenzy, akala ko ba matalino ka!?" bakas sa mukha ni desi ang pagkairita
"hindi ko rin naman ginusto ito, hindi ko alam, naramdaman ko na lang na mahal ko sya at hindi ko mapigilan ang puso ko! Alam mo naman yun sa umpisa pa lang di ba desi?".. umiiyak na'ko, hindi ko na kasi alam kung kakampi ko ba si desi or hindi.
"oo frenzy alam ko, pero hindi ko naman akalain na aabot sa ganito yung nararamdaman nyo.. nararamdaman mo"
"ano gagawin ko desi, mahal ko sya pero natatakot ako na baka magalit sa akin ang pamilya ko" patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko sa aking mga mata
"ikaw,.. nasa sa'yo ang desisyon wala sa akin, ang magagawa ko lang sa ngayon ay suportahan kita pero it doesn't mean na kukunsintihin kita, sa totoo lang ayoko sa kung ano meron kayo ni cathy pero wala ako magagawa, ikaw yan" ang sabi ni desi
Lalo akong pinanghinaan ng loob, akala ko full support ang makukuha ko sa kaibigan ko pero hindi pala. Pakiramdam ko tuloy mag-isa akong sasabak sa giyera at walang kasamahan. Nagdalawang isip tuloy ako kung ipagpapatuloy ko ba itong nararamdaman ko kay cathy or sundin ko kung ano sa tingin ng iba ay tama.
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
ChickLitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...