Cathy P.O.V.
nagulat ako ng pumasyal sila desi at frenzy sa bahay, hindi ko inaasahan ang muli namin pagkikita ni frenzy. ilan araw na rin naman kasi kaming hindi nagkikita at madalang na rin akong magreply sa mga text nya.
busy na rin naman ako sa business na iniwan sa amin ng parents ko at kasama na rin ang pagpapagaling ko.
pero sa totoo lang, namiss ko sya, na-miss ko ang mga panahon na lagi kaming magkasama, ang pagpunta ko sa feeding program, ang pagtambay sa bahay nila, ang kanyang mga palad na marahang dumadampi sa aking mga kamay, ang kanyang yakap, ang mga halik na nagmumula sa kanyang malalambot na labi. sobra ko ng miss ang Miss Architect(in the future) ng buhay ko.
"tara na!" ang sabi ni Desi pagpasok ng kotse ko, andito ako sa kanila at sinundo ko sya, pupunta kami ngayon sa NAPOCOR sa Quezon Avenue para sa first day nya ng OJT, ito kasi ang incomplete sa kanya kaya naging octoberian sya.
"ano, punta ka sa friday?" tanong ni Desi, tinutukoy nya ay ang graduation ni Frenzy,
"not sure, if walang mga meetings and appointments, baka makapunta ako" sabi ko
"ininvite ka ba nya?" tanong ulit ni Desi
"nag-text" ang tipid kong sabi
"punta ka na, pupunta ako" ang nakangiting sabi nya
lumingon ako saglit sa kanya at ngumiti, mabilis lang iyon at ibinaling ko na ang aking paningin at atensyon sa pagmamaneho.
"malapit ng grumaduate si frenzy, babalikan ka na nya" ang sabi ni desi pero sa harap ng kotse nakatingin
napa-ismid lang ako at nagsalita, "as if may babalikan pa sya" ang sabi ko
"bakit, mahal mo pa rin naman sya ah, wag ka magsalita ng tapos!" ang sabi ni desi
"ewan ko, pero nasasaktan pa rin ako, hopefully mawala yung sakit" sabi ko
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
Chick-LitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...