12 - Torn

13.5K 341 2
                                    

Cathy P.O.V

Parang kailan lang nung unang araw ko dito sa Tesda, at ngayon ay umaakyat na ko ng entablado para sabitan ng medal at abutin ang certificate.

andito kami sa isang private resort na nirentahan ng Tesda para sa araw ng graduation

Graduate na naman ako!

Nakita kong nagpapalakpakan sila sandy at mary rose katabi ang iba pang estudyante.

Nakita ko rin si dexter na nasa audience chair kumakaway

Hindi ko na inimbitahan mga magulang ko at kapatid, kakain na lang kami mamaya sa labas

Tumitingin ako sa may gate, baka sakaling dumating sila frenzy at desi

Nagkausap kasi kami kagabi ----

"sige, tamang tama sasamahan ko si desi sa kanila, daan kami sa school nyo ni sandy" - ito ang sabi ni frenzy pero malapit ng matapos ang graduation wala pa rin sila

"congrats cat!" bati ni sandy ng umupo na ako sa tabi nya.

"thanks!" ngumiti naman ako sa kanya

"grabe ka talaga cat, panong di ka magiging 3rd honor, tapos ka na pala ng computer engineering and scholar ka pa dati" sabi ni mary rose

Nakita kasi nila ang yearbook ko nung nagpraktis kami ng sayaw sa bahay namin

"so lagay na yan, hindi ka seryoso dito sa course na'to?" natatawang tanong ni sandy

"ssshh, tahimik na lang kayo, lapit na matapos yung guest speaker" saway ko sa dalawa.

natapos ang graduation namin at ang aming dance performance ngayon ay nandito kami sa swimming pool nila sandy at iba pa namin ka-batch at si dexter

pinakilala ko sya kina sandy

"nakaka-inggit ka naman cat, ang tangkad ng boyfriend mo saka infairness may dating!" halatang kinikilig na sabi ni sandy

ngumiti lang ako at tumingin kay dexter na ngayon at nasa harapan ko, yakap ang bewang ko sa ilalaim ng tubig habang ang mga braso ko ay nasa batok nya.

"lalabs, congrats, galing galing mo kanina sumayaw!" namumungay ang mga matang sabi ni dexter at dinampian ang labi ko ng banayad na halik

"awwww,.. ang tamis naman!" kantyaw nila sandy at mary rose

sinabuyan ko nga sila ng tubig gamit ang aking kamay. tawa pa rin sila ng tawa

"thanks," ang sabi ko kay dexter

hindi pa rin nawawala ang takot ko sa lalaking ito, kung dati na kinikilig ako sa bawat salitang sinasabi nya ngayon ay naiilang na ako.

minsan naaawa din ako kasi alam kong pinagsisisihan nya ang ginawa nya sa akin ng gabing iyon.

tumingin ako sa may gate ng Resort, umaasa pa rin akong darating sila frenzy.

naglaro ang mga ka-batch ko kasama sila sandy sa loob ng swimming pool, pasahan ng bola, sisiran ng piso at minsan ay unahan lumangoy sa magkabilang dulo.

nung una ay nakikisali si dexter pero napagod na yata at umahon na, tumabi sa akin dito sa bench sa gilid ng pool.

kinuha ang towel at binalabal sa katawan nya.

"ah lalabs, next week, start na ako mag-ojt sa Laguna, baka twice a month na lang tayo magkita kasi stay in ako dun." paliwanag ni dexter

"ok," ang maikli kong tugon dito

Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon