2 - New Life

24.7K 472 84
                                    

Cathy P.O.V

Halos isang lingo na ang nakakalipas simula ng pumasok ako sa Tesda, marami din kaming estudyante, karamihan ay puro lalaki, at mabibilang mo kaming mga girls.

Wala pa si Sir Arthur--- ang instructor namin, kaya nagkaka-ingay ang ibang nasa loob ng room.

"uy!", sabi ng isang babae sa likod ko,

Lumingon ako upang alamin kung sino yun.

May kaliitan at maputi ito ng konti sa akin, pawisin ang mukha na may bilugan mga mata, nakangiti ito sa akin, kita ang braces nya na may design na blue rubber.

Ngumiti ako dito ng tipid, actually wala akong balak makipag kaibigan kahit kanino, gusto ko lang talaga ay may mapaglibangan kapag weekends.

"ano nga ulet name mo?" tanong nitong nakangiti pa rin,

"cathy" sagot ko.

"ako nga pala si Sandy, sya si Mary Rose", turo sa katabi nya na nakangiti din

"ah, hello.." matipid ko pa rin sagot

"mukha kang mayaman" walang prenong sabi ni Sandy.

"ganun?, hindi ah" sagot ko.

Ayokong malaman nila na graduate ako sa University, baka magtaka sila kung ano ginagawa ko dito.

"weh, sa hitsura mo pa lang parang tapos ka na ng college" dagdag pa nito, nasa mata pa rin ang alinlangan.

Ngumiti lang ako at humarap na sa white board dahil dumating na si Sir Arthur.

sa loob-loob ko, "tapos lang ng college, mayaman na?", napapailing na lang akong ibinaling ang atensyon sa nagsasalita sa may harap.

Maraming diniscuss ang instructor namin, na halos alam ko na rin naman dahil na take up ko na ito nung nasa college pa ko,

Medyo na-bored ako sa unang klase namin, panay ang tingin ko sa relo ko.

Gusto ko na kasi magpunta sa kapitolyo dahil andun sila dexter kasama ang tropa nya, nagba bike na naman.

"ok guys, next saturday hands on na tayo... Class dismissed" sabi nito

"hay, salamat at natapos din" sa loob loob ko.

Pinapasok ko na ang notebook ko sa bag, halos wala din naman akong nasulat duon, puro sketches lang ang pinaggagawa ko. Aalis na sana ako ng biglang tinawag ulet ako ni Sandy.

"cathy, uwe ka na nyan?" tanong nito habang papalapit sa pwesto ko.

"ahmm, not yet, punta ko sa kapitolyo, sa boyfriend ko" sagot ko dito, sinukbit ko na ang back pack ko sa magkabila kong balikat

"whoah, may bf ka na?!," lalong naging bilog ang mga mata nito na para bang gulat na gulat.

Napa ngiti na lang ako sa naging reaction nito.

"yap".. Sagot ko, "sige na girls, mauna na ko" paalam ko kina sandy at mary rose.

Sabay alis ko dito, lakad takbo ang ginawa ko para makapunta na ko sa bus stop.

Di ko na alintana kung ano pa gustong itanong ni sandy, or kung ano ang pakay nya, wala akong nasa isip ng mga oras na yon kundi si dexter.

"sa wakas, madalas na kaming magkakasama ni lalabs ko!", sabi ng isip ko habang pa-simpleng nangingiti habang ini-imagine kung ano na ang ginagawa nya sa mga oras na ito.

"matagal na kayo ng boyfriend mo?" sabi ng babaeng nasa likod ko

Hindi ko maiwasan mairita sa narinig kong boses.

Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon