Cathy P.O.V.
"hija, tulala ka?" tanong ng Tatay ko,
nandito ako sa office nya sa bahay namin, dito na kasi tambayan ko simula ng magkabreak kami ni dexter, tinetrained na'ko ng Tatay ko sa pagpapatakbo ng mga project kaso mas gusto ko talaga magkakalikot ng computer.
"ah wala po 'tay, may iniisip lang?" pagdadahilan ko at tinuon ko na ang aking atensyon sa planong nasa harapan ko.
"si dexter ba?"
hindi ko inaasahan tanungin ito ng tatay ko, hindi naman sya madalas nagsasalita pagdating sa mga boyfriend namin. hindi sya nakikialam as long as alam nila ang limitasyon namin. matatanda na daw kami.. matanda na ba ang 23? hindi pa naman di ba? ito nga ang stage kung saan ka makakaranas ng identity crisis, midlife crisis at iba-iba pang crisis.
"Tay, hindi po.. nakalimutan ko na po si dexter" sabi ko, hindi ako tumitingin sa tatay ko
"ano... babae ba yan?" natatawa nang tanong ng tatay ko. siguro pinapagaan lang nya ang atmosphere namin para mag-open ako sa kanya.
"Tay, kung sakaling mag-iba ang gender preference ko? matatanggap mo ba ako?" bigla kong tanong, nagulat din ako sa sarili ko bakit ko natanong iyon, pero ayun na, nasabi ko na hindi ko na pwede bawiin.
"hmm," tinitigan lang ako ng tatay ko, nakakunot ang noo, wala aking mabasang emosyon sa kanyang mga mata.
Eto na ba ang paglilitis ko?, grounded na ba ako?, aalisan na ba ako ng mana?, itatakwil na ba ako ng pamilya ko?
"anak. Ano yung gender preference?" naka kunot noong tanong ng tatay ko.
Natawa akong bigla, hindi ko naisip na hindi alam ng Tatay ko kung ano yun. Sabagay iba lang nakamulatan nilang term kesa sa ngayon.
"hahaha, Tay gender preferences, yung nagugustuhan mo.. Lalaki ba or babae.. Parang sa akin tay, dati lalaki ang preferred ko pero parang nag-iba na ngayon" napapakamot ako sa ulo kong sabi.
"ah,.. Ibig sabihin gusto mo na babae?, tomboy ka na?" seryosong tanong nito.
astig din tatay ko, ibalik ko kaya ito sa high school.. Tsk, mahabang eksplanasyon yata need ko dito.
"tay, bisexual po siguro kasi nagkagusto po ako sa guy at ngayon naman sa girl parang ganun" paliwanag ko pero sa totoo lang ako rin mismo wala akong alam sa maraming bagay tungkol sa third-sex alam ko lang nagmamahal ako ngayon ng kapwa ko babae.
Tumango-tango sya, sinandal ang katawan sa upuan nya at tumingin sa bintana.
Eto naman tatay ko, nag moment pa e.
"ano na tay, ok lang po ba sa inyo na magkagusto ako sa kapwa ko babae?" tanong ko.
Lumingon ito sa akin at inayos ang upuan, humarap sa akin habang ang mga kamay at nasa ibabaw ng kanyang table at may hawak na lapis.
"anak, kahit siguro na iba ang kinalakihan namin noon kumpara sa ngayon, hindi pa rin naman maikakaila na anak kita" panimula nya
"sa ibang tao siguro masama ang pumatol sa ka-baro, pero para sa akin hindi kita huhusgahan dahil anak kita.. Mahal kita.. Perpekto or hindi ka perpekto kasi laman ka ng aking laman, dugo ka ng aking dugo"
"lalim nun tay ah, so tanggap nyo ko?"
"ay, batang ito, ang kulit mo!," naiinis na sabi nito
"eh, tay oo at hindi lang sagot nyo" natatawa kong sabi.
Hindi ko akalain na ganito kadali ang pag-uusap namin ng Tatay ko pagdating sa ganitong issue. Sana lahat ng magulang ganito ang pag-iisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/67881553-288-k265133.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
Genç Kız EdebiyatıBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...