Cathy P.O.V.
Pilit kong iniwawaksi ang ala-alang nagpapasikip ng aking dibdib...
"cathy!.. okay ka lang ba?!" ang sigaw ni ate leny sa labas ng aking kwarto.
nandito ako sa room ko, ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa Trabaho, lalabas lang ako para kumain, pagkatapos ay babalik na ulit ako sa kwarto maghapon.
"lumabas ka na nga dyan!, malapit ng bumalik sila tatay at nanay, kapag nalaman nilang nag-iinarte ka dyan, lagot ka sa mga iyon!" ang sigaw pa rin ni ate leny
hindi ko sya pinansin, bagkus ay kinuha ko na lang ang phone ko, kinabit ang earphone at nakinig na lang ako ng audio book.. yes you read it right, hindi ako pala kinig sa mga musika lalo na kapag puso ang may problema, lalo lang kasi akong malulungkot at makakadama ng sakit kapag nagpatugtog pa ako ng mga kanta.
"A lot of people are afraid to tell the truth, to say no. " - Robert Kiyosaki
ano ba naman itong unang bungad sa audio book na pinakikinggan ko, hindi nga tagos sa puso pero tagos naman sa utak.
biglang nag flashback sa akin ang gabing humarap kami ni desi kay frenzy, i knew it na mangyayari at mangyayari ang paghaharap na'yon lalo na't sa usaping naghahanap ng apartment si desi.
bakit hindi ko kayang tumanggi kay desi kung alam ko naman sa sarili ko na ang talagang tinitibok ng puso ko ay si frenzy?, bakit hinayaan kong kontrolin ako ni desi? bakit pumapayag ako na maging sunud-sunuran na lang sa kanya?
ang daming katanungan na pilit kong hinahanapan ng sagot pero para akong isang bagay na patuloy na hinihila sa gitna ng kumunoy.. walang makakapitan upang makaalis sa sitwasyong pilit akong nilalamon ng pagkakataon.
"cathy ano ba?!... lalabas ka ba dyan o lalabas ka dyan!?" ang inis na inis na sabi ni ate leny.
"andito si desi, hinahanap ka!" ang narinig ko ulit.
tumingin ako sa oras sa aking phone, 3pm pa lang ng hapon bakit andito sa bahay si desi? mabilis akong tumayo sa kama at nagtungo sa pinto ng kwarto ko at pinagbuksan ko si ate leny.
"grabe ka ah, si desi lang pala magpapabukas ng pinto mo!" nakataas ang kilay na sabi ni ate leny.
"asan sya?" ang tanong ko na lang dito.
"andun.. sa Lanai," ang turo ni ate leny at agad akong nagtungo sa gilid ng aming bahay kung saan may mini fishpond.
"desi" ang bungad ko sa babaeng nakaupo sa gilid ng fishpond at pinagmamasdan ang mga Koi fish na kanya-kanyang lumalangoy. hawak nito ang isang maliit na bote kung saan nakalagay ang pagkain ng isda.
"ang lalaki na ng mga isda dito ah cat!" ang sambit nito na hindi inaalis ang mga mata sa Koi fish.
umupo ako sa upuan sa bandang harap ng fishpond. nakita ko na may isang basong juice at braso de mercedes na nakalagay sa ibabaw ng table at............ blue rose?!?..
"kanina ka pa dito?" ang tanong ko, hindi ko alintana ang sinabi nya.
"maybe 15 minutes or so?" ang sagot ni desi at tumayo si desi sa kanyang pwesto, umupo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Miss Architect (girlxgirl) - COMPLETED
ChickLitBawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pinagtagpo ng pagkakataon. ----------------------- Miss Architect ay isang girl - girl story...