Chapter 6

24 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako napa- “Oo” kay Leo..

Pero isa lang ang sigurado ko.

Nakaramdam ako ng excitement.

Feeling ko, magiging masaya yun.

Bakit?

Kasi kakaibang experience yun.

Pareho kaming may iba, halos pareho ang tumatakbo sa isip namin

at higit sa lahat, kaibigan ko sya.

Pero hindi sumagi sa isip ko na pwedeng masira ang friendship namin..

Kaya birthday nya, ako ang kasama nya. At ang saya nga namin eh. Puro kasi kami tawanan.

Pano kasi, ang daming awkward moments na nakakatawa talaga.

Tulad nung sinubukan naming mag holding hands, grabe ang awkward sa umpisa!

Tapos nung nanood kami sa sine, ayaw pa kong payagan nung cashier dahil bawal daw sa 13 years old ung movie haha! Ako na baby face :D

At yung last, nung pasakay na ko sa jeep pauwi samin, (hindi talaga ako nagpapahatid sa bahay, nag iingat kasi ako hehe) niyakap nya ako..

Biglang parang tumigil ang oras.. Parang may kakaiba kasi sa yakap na yon.

Hindi ko maipaliwanag.. Tapos nun, nilayo na nya sarili nya, at nagkatawanan kami.

Magkatext kami nung gabing yun. Napag kasunduan kasi namin na sa relasyon namin, i-ttry namin ang lahat ng di pa namin nagagawa, yung mga kakaiba. Kasi ang relasyon meron kami, kakaiba diba? Magkaibigan kami, pero magkarelasyon din kami.Yun nga lang, kami lang ang nakaka alam nun.

Marami pang dates ang sumunod. Sa bawat date, sa iba’t ibang restaurant kami kumakain, iba't ibang malls at pasyalan, diba nga, i-try ung mga hindi pa nagagawa.

Hanggang sa hindi ko namamalayan, yung oras ko, nasasakop na nya lahat. Nawawalan ako ng oras kay Andrei at nawala yung ka-fling ko sa work. .

At alam ko ganun din sya..

Complicated!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon