Chapter 2

73 0 0
                                    

5 years ago..

"Pare!" tawag saken ni Leo. Bakit nasa plaza 'tong mokong na toh?

"Oy pare, anung ginagawa mo dito?" sagot ko sabay lingon ko sa paligid. Ang daming relief goods..

"Eh eto mamimigay kami ng relief goods. Sumama na ko mag volunteer tutal wala kaming pasok ngayon sa school. San ka galing pre? Ba't ganyan suot mo? Ang ikli eh. " tukoy ni Leo sa shorts ko.

"Teka isa isa lang. Una, galing akong trabaho, pangalawa etong shorts ko kaya maikli kasi diba baha pa rin sa may amin. Lulusong na lang ako kesa magbayad sa pagkamahal mahal na bangka eh malapit lng naman bahay namin." paliwanag ko. Working student kasi ako. Sa isang fastfood ako nagta-trabaho bilang cashier.

"Ang kuripot mo naman. Mas gugustuhin mo pang malunoy sa nakakadiring baha ang mapuputi mong legs ha? "  pang aasar ni Leo. Kahit kelan talaga tong taong toh. Kung sa iba iba toh, baka iba na isipin ko.

"Kuripot na kung kuripot. Nag iipon ako ng pang bayad sa next sem eh."

"Ah. Oo nga pala. Working student ka nga pala"

Ba't  parang biglang nagbago expression ng mukha ni Leo?

Tapos bigla nyang tinawag si raffy, nakababata nyang kapatid. Pinahatid ako. Ay ang bait! anung nakain nya? Anyway, nag pasalamat na lang ako. Pero bago yun, kinuha nya cell number ko. Papalit palit kasi ako ng number :D  Matagal ko nang barkada tong si Leo. Pero mas nagkasundo kami nung malaman namin na pareho kami ng "playtime"

Playboy kasi sya.

at playgirl naman ako.

Complicated!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon