Chapter 12

10 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga pa din akong gumising

Hindi ako nag inom ng nagdaang gabi gaya ng inaakala ni leo na gagawin ko.

Ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.

Ayokong sirain ng tuluyan ang sarili ko sa kanya.

“Pare kausapin mo naman ako oh..”  

“Mag usap tayo.”

“Susunduin kita mamaya sa school mo”

Hindi ko sya nireplyan sa mga text nya. Ang sakit pa rin kasi. Iniisip ko, ano naman kayang excuses ang sasabihin nya sa akin? Or worst, baka iiwan na nya ako at pipiliin nya si Myla.

Paglabas ko ng school ay naandun na nga si Leo. Ang Leo ko.. Ang sakit na may kahati ako..

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para ngumiti pa sa kanya paglapit nya sa akin.

Nakita ko sa mga mata nya na nagulat sya dahil ngumiti ako.

Tingin talaga siguro sa akin nito na weak ako.

Kahit na ang totoo ay weak nga talaga ako, hindi ko yun pinakita sa kanya.

“Tara na pare mag uusap tayo” –Leo

“Okay.. Saan ba tayo mag uusap?” –Ako na nakangiti lang at kunwaring walang dinadamdam.

“Dun sa favorite nating tapsihan” –Leo

Kinakabahan man ako, I still manage myself to be okay.

At sa pag uusap nga namin, sinabi nyang ako pa rin daw ang legal. Na hindi pa din daw nya ako iiwan. Na hindi naman daw sya seryoso kay Myla. Kumbaga parang yung naging set up namin noon nung sila pa ni Jane. Ang pinagkaiba nga lang, kami na ang legal pero at the same time ay alam ko din ang mga flings nya. Wala daw alam ang Myla na alam ko na yung sa kanila. Mukha lang akong tanga diba? Martir. Dahil pumayag ako sa set up namin.

Kaya lang after 1week ay nagbreak sila. Syempre Masaya ako deep inside. Tingin ko ay meron silang hindi pagkakaunawaan. No comment lang ako. Nakikiramdam. Naging sweet ulit sa akin ang Leo ko. Nakakamiss sobra. Sana ay ganun na lang sya for ever. Sa akin lang.

Pero itong si Myla, ako na ang itinetext. Nakikipag kaibigan na sya sa akin. Bitch please!

Pero syempre, hindi ko pinahalata sa kanya ang galit ko. I still welcome her as my new friend. Sabi nga ng iba, maturity comes when you still manage to be friend on someone you hate. Kasi maayos naman syang nakikipag kaibigan, so I accept her. Palagi syang nagtatanong about me, about Leo, About us.

Hanggang ang Leo ko, nagiging cold na naman. Nakakainis na sya. Pero this time wala akong mapaghinalaang ibang babae dahil wala na syang ikinukwento eh. Si Myla naman eh always kong katext. Wala naman syang nababanggit na may ibang babaeng nagpapapansin sa Leo ko. She even said na sya daw ang spy ko kay Leo dun sa school nila.

Pero hindi rin nagtagal, nag confess ulit sa akin si Leo. May iba na raw syang nagugustuhan. Hindi nya sinabi kung sino. Basta ang malinaw ay iniiwan na nya ako..

Complicated!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon