Hindi ako makatulog. Nasa isip ko yung mga sinabi ni Leo. Bakit ba kasi after 5 years muli syang magpapakita saken at bumabalik. Para bang ganun kadali ang tanggapin sya ulit..
Sabagay.. Hindi nya alam as in hindi nya alam kung gaano ako nag suffer nung iniwan nya ko. Lalo na nang malaman kong niloko nya lang ako. Akala ko katapusan na ng mundo ko. Sya kasi ang unang lalaking sineryoso ko. Pakiramdam ko nun, wala ng bukas. Actually nga, ayaw ko ng gumising para sa kinabukasan kasi andun ulit ung realisasyon na wala na sya sa buhay ko. Bawat gagawin ko, andun palagi ang mukha nya. Bawat sasabihin ko, nasa isip ko lagi ang pangalan nya. Hindi ko matanggap na niloko nya ko. Kaya sa pagdaan ng mga araw, nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki..
Hanggang sa dumating si Cyrus sa buhay ko.. Alam ko, nahirapan sya kunin ang loob ko, sobra. Pero ang galing nya, nagawa pa rin nya :) Tinuruan nya kong magtiwala ulit. Ipinakita nya sa akin na hindi lahat ng lalaki katulad ni Leo. At higi sa lahat, tinanggap nya ang pagkatao ko ng buong buo.
Pero bakit ganon? Nang makausap ko si Leo, bigla, parang gusto kong malito? Alam ko sa sarili ko, mahal ko si Cyrus. Future nga ang tawag ko sa kanya eh. Kasi sa kanya, alam kong may maganda akong future.. Pero itong si Leo, pagkatapos akong saktan at lokohin, may lakas pa ng loob na bumalik saken. Ngunit sa isang banda, bakit parang gusto kong malaman yung side nya?
.
.
Gusto nyo ng flashback ng naging love story namin ni Leo 5 years ago?
Sige, i-kkwento ko..
![](https://img.wattpad.com/cover/628202-288-k279943.jpg)
BINABASA MO ANG
Complicated!
RomanceLove is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this. - Stephen Packer -