Sa pagdaan ng panahon, sinasakyan ko na lang lahat ng sinasabi nya.
Ayokong ipakita o ipaalam sa kanya na nasasaktan na ako.
Ni hindi nga nya napapansin na sya na lang palagi ang may kwento, samantalang ako tahimik lang na nakikinig. Pinag aaralan kung totoo ba mga sinasabi nya.
Nakakainis na ganito ang ginagawa ngayon ni Leo sa akin.
Hanggang dumating ang Christmas party namin. Hindi ko sya kasama. Ewan ko kung anong idinahilan nya, hindi ko na masyadong pinakinggan. Naiinis kasi ako dahil hindi sya makakasama sa akin.
Pero hindi ko inaasahan na yung gabing yun, dun ko malalaman na tama ang mga hinala ko.
Classmate 1: Mika may natawag sayo. Yung phone mo kanina pa nag ri-ring
Ako: Ah sige Salamat. “Hello?”
Caller: Pare, Leo toh..
Ako: O! bakit ka napatawag? Susunod ka na ba dito?
Caller: Hindi pare eh. Pero anong ginagawa mo ngayon jan? Baka umiinom ka?
Ako: Hindi ano ka ba. Panay chicha nga lang ako eh. Bakit ka nga tumawag? Akala ko pa naman ay susunod ka na dito..
Caller: Pare kasi, may gusto akong sabihin sayo..
Kinabahan ako..
Huminga muna ko ng malalim bago ako nagtanong na “Ano?”
Caller: Pare, kami na ni Myla.
Parang pasabog yun sa pandinig ko.
Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko.
BAKIT?? Bakit nya nagawa sa akin ito?
Anong nangyari sa mga pinangako nya sa akin?
Paano na ako, kami?
Magiging katulad na lang ba ako sa mga past relationshit nya?
Ang dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya.
Pero ni hindi ko magawang magsalita agad..
Caller: Pare okey ka lang?
Tungunu. Anong inaasahan nya, na okay lang ako?!
Caller: Pare alam ko kasi na naghihinala ka na kaya inamin ko na sayo toh..
“kelan pa?” – At sa wakas ay nakapagsalita din ako..
“nung 19 pa.” – Leo
Syet lungs. Pinagsabay nya kami. Gustung gusto ko syang murahin. Pero hindi ko magawa. Tanga na kung tanga, pero mahal ko pa rin sya eh. Taenang pag ibig toh. Sana hindi na nauso.
Ibinaba ko na ang phone dahil iiyak na ako eh. Ayokong iparinig o iparamdam sa knya.
Ayokong kaawaan nya ako.
Ang lungkot lang. At ang sakit.
Na yung taong pinili mo, sya pang nananakit sayo.
Dahil noon naniwala ka sa mga sinabi nya. Naniwala ka sa true love. Naniwala kang nagbago sya dahil sayo.
BINABASA MO ANG
Complicated!
RomanceLove is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this. - Stephen Packer -