Chapter 8

10 0 0
                                    

Inihanda ko na ang sarili ko sa kung anu man ang gusto nyang mangyari.

Actually, umpisa pa lang naihanda ko na sarili ko.

Dahil alam ko naman na magtatapos din yung samin.

At kung mas pipiliin nya yung official gf nya, expected ko na yon!

"Kasalanan mo din toh. Dahil pinaibig mo ako ng totoo."

"Na-develop na 'ko sayo pare eh"

WHAT?!

Ang tagal kong hindi nakapag reply.

Hanggang sa tumawag sya..

"Pare mag usap tayo.. Please.. Papunta ko ngayon sa inyo."

'Sige' lang ang na-isagot ko.

Maya maya lang nasa labas na sya ng bahay. Niyaya ko lang sya sa may terrace namin dahil baka mamaya may ibang makarinig ng pag uusap namin..

"anong.... balak mo?" -ako

"aaminin ko na kay jane ang totoo.. ayoko nang magtago. ayoko ng itago yung relasyon natin.. dahil ang hirap palang itago yung gustung gusto mong ipagisagawan sa buong mundo.."

"..Mahal na kita pare. Totohanin na natin toh please?.."

Natameme talaga ko nun. Totoo ba talaga yung mga naririnig ko galing sa kanya?

Hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na pala ko..

Pareho na pala kami ng nararamdaman..

Ayoko lang aminin pero unti unti na ring nahuhulog ng totoo ang loob ko sa kanya.

Kaya nung niyakap nya ko, alam kong alam na nya ang sagot ko. Dahil niyakap ko na rin sya ng mahigpit.. Alam kong may mga tao kaming masasaktan, lalo na si Jane na itunuring ko na ring kaibigan kahit na alam kong kaya lang sya nakipag kaibigan sa akin noon ay para lang kumuha ng mga impormasyon tungkol kay Leo. Pero anu bang magagawa ko? Puso't isip ko ay nagtatalo, pero mas lamang pa din si puso.. Sinunod ko ang nararamdaman ko. Kasehodang awayin ako, pagsalitaan ng kung ano ano. Deserve ko yon. Ang mahalaga, kami ni Leo.

Complicated!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon