Dun na ako umiyak. Pagkatapos ng lahat..
Pagkatapos kong saluhin yung mga masasakit na salita ng iba nung pinili ko sya, pagkatapos kong i-give up ang mga nagpapasaya sa akin, pagkatapos kong suwayin ang parents ko, ang family ko, ganito na lang ang gagawin nya sa akin. Akala ko pa naman ay sya na for ever ang lalaking para sa akin.
Ang sakit – sakit. Nanginig ang tuhod ko ng sabihin sa akin ni Leo over the phone lahat lahat. Napaluhod ako. Literal.
Yung ego ko, yung pagkatao ko, pakiramdam ko lahat yun tinapakan ni Leo.
At kay Myla ako umiyak. Tumawag kasi sya after ni Leo.. Hindi ko napigilang umiyak. At sinabi ko ngang wala na kami.. She sound so sorry for me. She even said na anjan pa naman daw sya bilang kaibigan ko. Syempre kahit papaano, lumuwag ang pakiramdam ko. Si Myla na lang ang lagi kong nakakatext. Nakaka-chat. Nag babalita sya kung ano ginagawa ni Leo sa school.
Hanggang isang araw, tinawagan ako ni Leo. Sinabihan nya akong tigilan ko na ang pagtetext kay Myla.
“Eh ano bang paki alam mo? Wala namang masama sa ginagawa ko ah? ” –Ako
“Mika, si Myla na ang gf ko. Kaya tigilan mo na ang pagtetext mo sakanya.” –Leo
Isa pang malaking P******NA!
PINAGLALARUAN NILA AKO!
Agad kong tinawagan si Myla. Galit na galit ako. Wala na ako sa control ng gabing yon.
“Walang hiya ka Myla! Kung sino sino pa ang pinag hihinalaan kong ipinagpalit ni Leo sa akin! Ikaw lang pala! Mga walang hiya kayo! Napaka walang puso mo!
“Mika Im sorry. Pero mahal ko sya. Im sorry. Im so sorry”
“Anong magagawa ng sorry mo? Traydor ka! Ahas ka! Magsama kayong dalawa! Mga walang hiya!”
Sabay baba ko ng phone.
Wala ng mas sasakit pa sa nararamdama ko ngayon.
Betrayal from the person you truly love, and
Betrayal from the person you considered as your friend.

BINABASA MO ANG
Complicated!
RomanceLove is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this. - Stephen Packer -