Hindi nga ko nagkamali.
Ang daming bumatikos sa relasyon namin.
Pati pamilya ko. Ayaw nila kay Leo. Dahil alam nilang babaero.
Pero ayoko silang pakinggang.
Nagmamahal ako eh. Kasalanan ba yun?
Ganun siguro talaga, nagiging bulag at bingi ka.
Ipinagtatanggol naman ako ni Leo.
Kay Jane, sa mga friends nya at sa common friends namin kahit sa family ko.
Kaya naman inisip ko na tagalang nagbago na sya.
Kasi ipinaglalaban nya ko eh.
Saka lahat ng ginagawa nya ipinaaalam nya sa akin.
Masaya naman ako sa reletionship namin bilang official couple. Madami mang may ayaw, hindi na lang sila nagsasalita. At si Leo, todo effort pa din maipakita lang sa akin na seryoso na talaga sya. Panay suprise, hatid sundo. Nakakatuwang makita syang ganun..
Almost 1month na kami bilang official couple ng maramdaman kong may parang nagbabago..
Kung dati lahat ng ginagawa nya ipinaaalam nya sakin or kadalasan isinasama nya ko, iba na ngayon. One time nga nagpaalam sya na may group study sila. Sinabi naman nya kung sino-sino mga kasama. Lahat kilala ko pwera lang sa isang girl na bagong ka-group daw nila. Parang bigla nakaramdam ako ng takot. Siguro kasi parang nakikita ko kung pano yung ginagawa nyang pagdadahilan dati sa mga gf nya dati.. Hindi kasi sya nagsasabi na ipapakilala nya saken yung girl na dati nyang ginagawa.. Hanggang sa pagdaan ng araw, lagi nyang nakakasama sa school yung girl na yun. Si Myla. Sinasabi naman nya saken yun. Kaya lang bakit hindi nya ipinakikilala saken ng personal?

BINABASA MO ANG
Complicated!
RomanceLove is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this. - Stephen Packer -