oh pare!” bati ni Leo sabay tingin sa kasama ko na parang nagtatanong ang mga mata nya ng: “Boyfriend mo?”
“uy! Ano? Pauwi na kayo?” ako naman ang napatingin sa kasama nyang si Jane. Hinihintay kong ipakilala nya saken ng pormal ang gf nya. Pero iba ang lumabas sa bibig nya,
“sino yang kasama mo? Boyfriend mo?” wow. Parang medyo inis ata sya? Bad mood ba sya?
“ah. Eto si Andrei. Classmate ko. At BF ko. Sya ba si Jane pare?” ako na nag tanong para maipakilala nya saken si Jane
“ah yes pare.. Jane, meet Mika, my friend”
Tapos nag shake hands kame ni Jane. Pati si Andrei at Leo.
Sa mga minutong nandun kami sa jeep, bakit parang ang bagal ng oras? Bakit awkward ang feeling ko? Dahil ba sa panaka-nakang tingin saken ni Leo na parang may ibig sabihin? Hay.. ayokong mapatingin sa kamay nila ni Jane na magkahawak kamay, kaya inihilig ko na lang yung ulo ko sa dibdib ni Andrei..
Pagkatapos ng pangyayaring yun, palagi na kong inaasar ni Leo. Mukhang in love na in love daw ako kay Andrei. Napansin nya pala kasi ung pag hilig ko ng ulo kay Andrei at niyakap naman ako nito.
Hanggang dumating yung birthday ni Leo.
“PARE! HAPPY BIRTHDAY!”
“Regalo ko?” yun ang reply nya. Ni hindi man lang magpasalamat na binati ko sya. Hmp
“Yung friendship na lang naten ang gift ko sayo. Swerte mo diba? Hahaha!”
“Nyay anu ba yan. Nauubusan ka na ka na Mika. Siguro na sa bf mo na talaga ung attensyon mo. Akala ko ba pare, wala ka munang seseryosohin?” nung nagkakatext kasi kami, nabanggit ko sa kanya na wala pa sa plano ko ang mag seryoso. Bata pa kasi ako. Gusto ko pang ma-explore ang mundo :D At parehong pareho kami ng dahilan dahil ganun din daw sya.
“Sira ka talaga. Sinabi ko na sayong hindi nga ko seryoso dun. Diba nga may fling ako ngayon sa work ko hehe”
“Kung ganon, eto na lang gift mo sa birthday ko. I want to dare you pare. Patunayan mo saken na pareho nga tayo. Be my girl. Pero we know our limitations. Ano?
Call?"
BINABASA MO ANG
Complicated!
RomanceLove is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this. - Stephen Packer -