Beep, beep
"Pare, nakakahalata na si Jane.. Lagi ka na nyang pinag seselosan."
Napatitig ako sa screen ng cellphone ko.
Bakit ganito?
Dapat hindi ako apektado.
Eh ano ngayon kung nahahalata na ni Jane yung samin?
Hindi naman seryoso un.
Hindi nga ba?
Teka, bakit ganun? San galing yung tanong na yun?
Hindi ko malama kung anong dapat kong i-reply
kaya nasabi ko na lang na,
" o. pano yan? naku ha. ayaw kong sumabit. Kasalanan mo yan. Hindi ka nag iingat."
" Kasalanan mo din toh." sagot nya.
Teka. Bakit kasalanan ko rin?
Eh diba nga, nag kasundo naman kami.
Gagawin namin anuman magustuhan namin.
At syempre, mananatiling private yung relasyon namin.
Kaya wala kaming dapat pagtalunan.
Pero bakit parang sinisisi nya ko ngayon?
" Aba teka pare. Bakit naging kasalanan ko rin yan? May pinag kasunduan na tayo ah. Saka bakit ba parang masyado mong pinoproblema yang pagdududa sayo ni Jane? Eh hindi na naman bago yan ah? Magaling ka ngang gumawa ng excuses! Tapos ngayon umaarte kang parang natatakot ka."
Medyo naiinis ako. Parang iba kasi ngayon.
Parang masyado sya ngayong nag aalala dahil nagdududa ngayon sa amin yung girfriend nya.
Pero bakit nga ba ako naiinis?
Dahil ba, dinadamay nya ako sa problema nila
o dahil,
baka gusto na nyang itigil na namin yung relasyon namin?
BINABASA MO ANG
Complicated!
RomanceLove is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this. - Stephen Packer -