BT2: Meet the D-class students

23.6K 896 54
                                    


-NICA'S POV-

Wow ! Ganito pala itsura ng Shinhwa Rei Academy... Mukhang school hahahaha !

Ang-gara kasi ng Academy eh,mukhang mga may dugong bughaw ang mga estudyante dito in short mga alien hahaha joke. Sheez pinapangarap ko talagang makapasok bilang teacher sa academy na to kaya pasensya na masaya lang ^____^

Maganda talaga ang SRA, puro anak ng mga sikat na businessman, mga senators, pati nga anak ng president at vice ng pilipinas ay dito nag-aaral. Meron ding apo ng mga Prime-minister. Talagang dinayo pa ang academy na to.

May mga dorm din dito na kung saan nag-sstay ang mga estudyante at pati rin ang mga teachers pwedeng magstay sa dorm na nakalaan para sa kanila. Pero pwede rin naman kaming di mag-stay dito kung gusto namin.

Diretso ako sa office ni Director Rei Noriko para malaman ko kung anong section ang mahahandle ko at kung anong subject ang ituturo ko.
Excited na akong makilala sila kasi di ba first time eh hihi

Kumatok muna ako at narinig ko siyang nagsalita

" Come in."

Pumasok ako ng may ngiti sa mukha.

" good mOrning boss !" Masayang bati ko sakanya at nakikipag-high five sa kanya pero tinignan lang niya ang kamay kong nastuck na ata sa ere.

Binaba ko na ang kamay ko ng wala siyang balak makipag high five sa akin.. Tsk kj

" eto ang magiging schedule niyo." Rei

" niyo? What do you mean namin?" Nagtatakang tanong ko

" iisang section lang ang ihahandle mo."

" so parang diretsu kaming magkikita ganon? Di kaya maumay kami pagmumukha ng isa't isa?" Ako

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumahimik muna ako. Gwapo na siya eh. Suplado nga lang

" as I said, isang section lang ang ihahandle mo. Matagal na silang walang adviser dahil sa walang nakakatagal sa kanilang section."

Naiimagine ko nga ang kinahinatnan ng mga dati nilang adviser eh. May punit-punit ang damit paglabas,may gulo ang buhok, may basag ang salamin. Tsk tsk tsk...

" They are the delinquents here, mga gangsters sila. " Rei

" oh talaga?" Manghang tanong ko

" di ka ba nabigla sa sinabi ko? Yan lang talaga irereact mo?" Amused nyang sabi sa akin

" ay kailangan ba violent reaction ako boss? Okay ulit... Ahem.. WHAT!? BAKIT SILA?" Ako

Pero sinimangutan niya ako kaya napapeace sign na lang ako. Hehehe

." can you stop calling me boss? Just call me Rei. Anyway, Since nakita ko kung paano ka makipaglaban. Nakita ko rin ang mga fighting styles mo kaya masasabi kung may ibubuga ka. I think you can handle them. The hard-headed students of D-class." Mahabang litanya niya

Kung ganun ay magiging exciting ang pagtuturo ko dito. Hihihi I like that.

" okay! Kailan ba ako magsisimula??" Excited na kasi akong makita ang mga estudyante ko.

" you'll start tomorrow."

" YES ! Haha. Okay, I'm so excited to meet them. Bye for now Boss !!" Paalam ko sa kanya at naglakad paalis. Nakita ko pa siyang pailing-iling pero nakangiti naman.

Bukas pa naman ang simula n pagtuturo ko kaya uuwi muna ako at pag-aralan ang profile ng mga estudyante ko. Hihihi shhhh lang kayo ha

------

Kinabukasan ay agad akong naghanda para pumasok. Ang-aga ko ngang gumising dahil 7:00 am ang start ng klase ko at magtatapos ng 4:00 pm. Take note buong week yan . kasi puro mga pang combat ang subjects. Taray nga ng school na to eh kasi yung estudyante ang pipili ng subjects na ititake nila this school year.. So obviously, dahil mga gangsters ay mahilig sa laban kaya siguro puro combats ang kinuha nila.
Pasalamat na lang ako at marunong ako sa lahat ng bagay MWAHAHAHAHA ! Ahem ahem.


Nandito na ako sa tapat ng classroom ng D-class. At rinig na rinig mula dito sa labas ang kaingayan nila at tawanan. Feeling ko nga labas ngala-ngala ng mga ito eh.

Binuksan ko ang pinto at pagpasok ko ay automatic na tumahimik ang room.
Nakatingin silang lahat sa akin kaya napangiti ako.

^______^

" hi good morn--"

*witweww*

Di ko natuloy ang pagbati ko ng may sumipol sa bandang likod. Pero ngumiti lang ulit ako

^_____^ Relax Nics

" good morning everyone." Bati ko pero wala akong nakuhang response. Nakatingin lang talaga sila sa akin. Tsk ! Ngayon lang nakakita ng maganda tong mga to.

Hingang malalim Nics

Whoooah !!

" Okay ... I am your new adviser, I'm Ms. Nica Yashiro." Ako at nagbow pa . Naramdaman kong may papalapit na bagay sa akin kaya sinadya kong bitawan ang ang notebooks na dala ko. Rinig ko namang tumama ang isang bagay sa glassboard nasa likudan ko lang.

" oopss ! Nabitawan ko ang notebooks ko." Ako sabay kuha nito at tumayo ng tuwid and still wearing a smile.

Tinignan ko ang glassboard na may nakatarak maliit na kutsilyo. Brutal naman ng pagwelcome nila sakin huhuhu

Kinuha ko to at tinanong sila

" who throw this ?" Sabay turo sa kutsilyo.


" I did." Maangas na sagot nung nasa gitna. Pula ang buhok nito at sheeez ang-gwapo *____*

Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan niya at alam kong sinusundan nila ako ng tingin dahil hawak hawak ko pa rin ang kutsilyo. Nakita kong nagtwitch ang right eye niya. Alam kong kinakabahan siya pero pilit niya itong itinatago. Tsk boys boys boys

Paglapit ko sa kanya ay yumuko ako para mapantayan ang mukha niya. Agad kong itinarak ang kutsilyo sa desk niya na lumikha ng tunog at dahilan ng kaunting pagkislot niya.

Ngumiti muna ako bago magsalita.

" sa susunod mag-iingat ka ha. Tignan mo, may lamat na tuloy ang glassboard natin. Mahal pa naman yan."

Tumayo na ako at pinat ang ulo niya bago siya iniwang nakanganga. Pati mga kaklase niya nagulat sa ginawa ko kaya bumalik ako sa harap at muling nagsalita.



" Again, I'm Nica Yashiro your new adviser and your teacher in all your subjects. I'll make sure na matututo kayo sa akin. " ako



" what makes you think na magtatagal ka dito?" Seryosong tanong nung lalaking nasa pinakalikod. Brown ang kulay ng buhok, singkit na mata, matangos na ilong, uiyy kissable lips hahaha ! Katamtaman lang ang laki ng katawan. Para sa akin ay siya ang pinakagwapo dito. Haha actually gwapo lahat ng estudyante ko. Mga 15 lang naman kasi sila at all boys pa.

" and what makes you think na hindi ako tatagal dito?" Balik tanong ko


" lahat ng adviser na tumatapak dito ay hindi na bumabalik pagkatapos nilang makipaglaro sa amin Sensei." Nakangising sabi sa akin nung sumipol kanina. Eto siguro ang playboy ng klase

" oh don't worry guys. I can play well. And you see this face?" Turo ko sa mukha ko


" no matter what happen, I'll make sure na makikita niyo ito everyday." Nakangising dagdag ko pa

Yeah that's true. Sisiguraduhin kong matututo sila sa akin. Tsaka unang apak ko pa lang dito e susuko na ako agad. It's a No No No for me !

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon