BT 20 : Kusanagi

12.1K 434 12
                                    



-NICA'S POV-

" nasaan na siya? Nasaan si George Nico? Ayos lang ba siya?" Ako sabay hawak sa braso ng kambal ko.

" calm down Nica. Hindi kita papayagang makita siya hangga't hindi ka humihinahon." Seryosong sabi ni Nico
Nakatingin lang ako sa kanya at pilit na pinapakalma ang sarili.

Relax Nica. Relax

" where is he?" Tanong ko nang mapakalma ko na ang sarili.

" Nico,ayos lang ba si George?" Glenn,pero seryoso lang na nakatingin sa amin si Nico

" may nangyari bang masama sa kanya?" Misaki. Nang marinig ko yun ay napahigpit ang hawak ko kay Nico.

Mafia ang kalaban at ang pumupuntirya sa akin kaya alam kong pinahirapan nila ng husto si George. What do you expect ? Na kukunin lang nila si George,pahihigain sa malambot na kama? Pakakainin ng masasarap? Stupid !

" nasa guess room siya." Nico at pinat niya ang ulo ko. Sumunod kami sa kanya sa taas kung nasaan ang guess room. Nakita kong may mga lumabas na maid na may mga dalang pagkain.

" Sir,ayaw po niyang kumain." Nakayukong sabi nung isang katulong kay Nico

" ganun ba? Sige kami na lang ang magpapakain sa kanya." Nico at kinuha niya ang tray na may lamang pagkain. Pumasok siya sa loob kaya pumasok na rin kami nila Glenn. Kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Maski naman ako ay nag-aalala sa kung anong kalagayan ni George ngayon.

Pagpasok ay itinabi muna ni Nico ang tray sa may side table. Kumuha siya ng upuan at doon umupo malapit sa isang lalaking tulala at nakatingin sa may bintana.

" G-George?" Ivan

Napatingin siya sa amin pero wala man lang siyang ni isang reaksyon.
Anong ginawa nila sayo George?
Ang dating George na mapagbiro, at laging nakangiti ay tila ba naging walang buhay. Nangayayat din siya at mukhang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa itim na nasa ibaba ng kanyang mata.

" anong nangyari sayo?" Dex at tila gulat na gulat sa nakita.
Nanlaki ang mga mata ni George at biglang tumayo mula sa pagkakaupo.

" AHHHHH !!! " sigaw ni George, halos matumba na siya sa paglapit sa amin at biglang sinakal si Dex.

" b-bitawan mo k-ko." Dex

" George tigilan mo yan. Nahihirapan na si Dex." Pilit kong inilalayo si Dex mula sa pagkakasakal sa kanya ni George pero mas lalo lang hinigpitan ni George ang pagsakal.

" Ahhh ! Ahhhhhh !" Sigaw niya

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya ganito? Hinawakan ni Glenn at Lexter ang magkabilang braso ni George at ipinahiga sa kama. Patuloy pa rin siya sa pagwawala at pagsigaw. Nakita kong may dalawang lalaking nurse ang pumasok sa loob kasama ni Nico at agad na ininject kay George ang pampatulog.
Kumalma naman siya at ilang sandali lang ay nakatulog na rin.

" What happen to him?" Tanong ko kay Nico

" He was drugged. They torture him....physically and emotionally kaya siya ganyan ngayon. Hindi ko alam kung anong sinabi sa kanya para maging bayolente." Nico, napatingin naman ako kay George.

Im sorry hindi kita natulungan.

" napakawalang hiya talaga nila !" Galit na sabi ni Misaki

" kailangan natin siyang ipaghigante !" Glenn

" Delikado ang gusto niyong mangyari." Ako

" pero sensei... Look at what they've done to George ! Hindi na siya tulad ng dati dahil sa mga hayop na yun !" Lexter

" hinding hindi ko sila mapapatawad dahil sa ginawa nila kay George." Ivan

Kita ko ang galit at ang kagustuhang maipaghigante si George sa mga mata nila. Pero hindi pwede dahil alam kong delikado ang gusto nilang mangyari

" tama si Nica. Wala kayong laban sa mga assassin ng isang mafia." Nico

" pero... Hindi ba't mga mafia din kayo? Pwede niyo naman kaming tulungan hindi ba?" Misaki

" oo tama ka. Pero hindi ko masasabing matutulungan namin kayo." Nico

" tutulungan ko kayo." Sabi ko kaya napatingin nila sa akin.

" Nica." May pagbabantang sabi sa akin ni Nico,pero hindi ko yun pinansin.

" Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kaya dapat ko silang tulungan. At isa pa, simula nung maging adviser nila ako. Nang mga D-class students. Ay yun din ang simula ng pagiging pamilya namin. I will help them... Even it cost my life." Seryosong sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya.

" angtigas talaga ng ulo mo kahit kailan Nica. Kaya siguro ikaw ang napili ni Tanda." Nakangiting sabi ni Nico

Pero teka?

Si tanda nandito?

" WHAT !? Nandito siya?" Gulat kong tanong sa kanya
Tumango naman siya at nagsalita.

" sa totoo lang ay hinihintay ka niya. Nasa office siya ngayon." Nico at tinulak tulak pa ako palabas. Kita ko namang parang nalilito ang mga estudyante ko. Sa tingin ko ay si Nico na ang mageexplain sa kanila.

*sigh*

---------------------

Nandito na ako sa tapat ng office ni Tanda at nasa pinto ang triplets. Mukhang hinihintay na nila ako.

" hinihintay ka na ni Master." Reign, kaya tinanguan ko na lang siya at tuloy-tuloy na sa pagpasok kasama sila.
Nang makapasok ay kita ko ang isang lalaking nakatalikod sa amin.

" Master, Nica is here." Georgette

" sige maari na kayong lumabas."

Umalis na rin naman kaagad ang tatlo pagkasabi sa kanila ng mga salitang yun.
Humarap naman sa akin ang lalaki at nakapoker face. Ganun din ako sa kanya.
Bigla niyang kinuha ang isang wrist reaper na nakadisplay malapit sa lamesa niya at sumugod sa akin. Gumulong naman ako sa may gilid at agad na kinuha ang isang chain blade. Pagkakuha ay agad kong inihagis ang blade sa direksyon niya. Agad naman siyang nagback flip at naglanding sa sofa. Nasa gitna ako ng kwartong to kaya't tumakbo siya paikot-ikot. Hinawakan ko ang blade sa kanan at ang handle ng chain sa kaliwang kamay. Inihanda ko ang sarili ko dahil alam kong hinihilo at nililito niya lang ako.
Nakita kong pasugod na siya at nakaharap sa akin ang matulis na parte ng wrist reaper. Yumuko ako at kaagad na isinuntok ang handle sa tiyan niya dahilan ng pagyuko niya at lumayo sa akin. Ginawa ko naman itong pagkakataon para ihagis ang blade paikot sa wrist reaper niya at agad na hinila ito. Hawak ko na ngayon ang wrist reaper pati na rin ang chain blade. Tumayo siya ng tuwid at tumingin sa akin. Ilang sandali lang....

" ahhh apo !!!" Sigaw niya

" wahhh tanda namiss kita !" Sigaw ko din at kapwa tumakbo para yakapin ang isa't isa.
Kahit matanda na si Tanda ay napakalakas niya pa rin.

" wahh namiss din kita apo. Ilang taon din tayong di nagkita." Tanda

" huhu tanda, di ka pa rin nagbabago." Ako kaya binatukan niya ako.

" aray naman !" Ako

" tsk ! Parehas na parehas kayo ng kambal mo. Tanda pa rin ang tawag niyo sa akin." Tanda

Actually lolo namin si Tanda,siya ang daddy ni Mom. He's Yuto Kusanagi, White fangs' leader. The mafia boss.

" tanda... Nandito ka na." Ako, kaya napalingon siya sa akin at ngumiti.

" tama na siguro ang ilang taong pag-iisip apo. Sa tingin ko ay nakapagdecide ka na." Tanda

" Yeah, I think this is the right time. I will surely terminate the Dark Wings." Seryosong sabi ko sa kanya kaya tumango naman siya.

" Then,congratulations. The white fangs' new boss.... Nica Yashiro." Tanda


Ito na ang tamang oras.





I will make sure you'll pay for this.

------------------

:) malapit na

-iamkoreanangdisenyo

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon