Chapter 27 : Ending

12.2K 395 29
                                    



-NICA'S POV-

" m-mama?"

No... Hindi ito totoo !

Nakarinig ako ng malademonyong halakhak na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

" HAHAHA ! Surprise,surprise!" Sabi ni Montello at nagpaikot-ikot pa habang nakataas ang mga kamay.

Anong gusto niyang sabihin?
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.
Si mama.. Buhay siya

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko kasabay ng malakas na suntok na dumapo sa mukha ko at sipa na nakapagpatalsik sa akin.
Bakit mo ito ginagawa sa akin mama?
Nakita ko siyang lumapit kay Montello at tumayo sa gilid nito.

" hindi ka ba masaya na nakita mo na siya? Hindi ba kayo masaya Nico?" Panunuya niya.

Tinignan ko si Nico at maging siya ay hindi makapaniwala sa nakikita. Pati ang triplets at si Dino.
Nakita kong tinurukan sila kaagad ng kung ano at bigla na lang silang natumba at hindi makagalaw. Pinagsisipa at pinagpapalo sila ng tubo. Nakamulat ang mga mata, kita pa rin nila ang nangyayari at ramdam ang sakit na dulot ng ginagawa ng mga tauhan ni Montello ngunit wala silang magawa. Para silang paralisado.
Gusto ko mang sumigaw pero hindi ko magawa.

" hahahaha ! Wala ng mas sasaya pa sa araw na ito ! Huwag kang mag-alala Nica,hindi pa diyan natatapos ang sorpresa ko sayo. George ! " sigaw niya at bigla na lang may pinindot si George na mukang remote. Bumukas ang dingding malapit sa kinaroroonan nila at doon nakita ko sila Glenn na nakatali pataas ang mga kamay at basang basa.

" Glenn !" Sigaw ko kaya tumingin sila sa akin at parang humihinge ng patawad.
Sinabi ko ng bantayan sila !

Lalapit na sana ako ng biglang nagkaroon ng makapal na salamin at gumalaw ito pataas.
Pinagpapalo ko ito at sinuntok ngunit hindi pa rin nababasag.
Kinuha ko ang baril na nasa binti ko at pinaputukan ang salamin ngunit wala pa ring nangyari.
Halakhak lang ang tanging naririnig ko at naririndi ako !

" Demonyo ka Montello !"

" hahaha ! Tama ka Nica. Isa nga akong demonyo at sisiguraduhin kong kasama kita sa impyerno. Hahahaha !"

Nanginginig ako sa galit. Gusto ko siyang patayin !

" pero mabait pa naman ako eh. Papakawalan ko sila." Nakangising sabi niya

" Hindi mo ako maloloko Montello." Gigil na sagot ko sa kanya

" psssh.. KJ ! Sige na nga. Pakakawalan ko sila... Oras na matalo mo si Grace at si George. Pwro syempre kasama ako hahahaha"

Grace at George? Hibang na ba siya?

Nakita kong tumayo si George at lumapit sa kinaroroonan ko. May nakalagay na katana sa likudan niya. Tinignan ko siya, mata sa mata ngunit walang kabuhay buhay siyang tumitig.

" George."

" kung sa tingin mo ay hihinge ako ng tawad sa mga ginawa ko ay nagkakamali ka."

Kumirot ang puso ko ng marinig ang sinabi niya.

" George... Bakit?" Tanong ko,ngunit umiwas lang siya ng tingin.

" simulan na natin ito." Sabi niya at agad na binunot ang katana. Tumakbo siya at sinugod ako.
Agad kong isinangga ang katana ko sa atake niya.
Idiniin niya ang katana niya sa katana ko. Lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa katana upang hindi ito tumilapon.

" George... Alam kong lahat ng pinakita mong pag-aalala sa mga kaibigan mo ay totoo. Alam kong may puwang sila diyan sa puso mo. George tanggap ka pa rin namin. Bumalik ka samin " Pagsusumamo ko sa kanya

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon