Epilogue

14.1K 402 67
                                    

Hey guys ! Epilogue na oh :) sana magustuhan niyo


-GLENN'S POV-

Tulala lang ako habang nandito kami sa mansyon. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari yun. Isang linggong wala akong imik. Isang linggong wala ang presensya ni sensei.

*tok*tok*

Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at pumasok ang mga kaibigan ko kasama si Nico.
Hindi ko sila binalingan ng tingin dahil tulala pa rin akong nakatitig sa bintana. Para saan pa? Wala naman akong sasabihin.

" Dude, ilang araw ka ng hinding lumalabas dito ah. Di ka ba nilulumot dito?" Biro ni Ivan pero hindi naman ako natawa.

Naramdaman kong gumalaw ang kama indikasyon na umupo sila rito. Pero nanatiling nakatayo si Nico. Inakbayan ako ni Misaki

" dude alam mo miss na namin ang kulit mo eh. Tara labas tayo maya?" Aya niya at nagsiayunan naman sila. Tumingin ako sa kanila ng ilang sandali at ibinaling muli ang paningin sa bintana.

" kayo na lang." Sagot ko

Napabuntong hininga naman sila dahil sa sagot ko.

" Glenn alam kong masakit sayo ang nangyari pero hindi naman tama ang ginagawa mo. Hindi tamang pinapabayaan mo ang sarili mo" Seryosong sabi ni Nico kaya lumingon ako sa kanya.

" bakit? Ano ba dapat ang tamang gawin? Ang gawin ang mga bagay na dati ginagawa ko? Gawin ang mga bagay na parang walang nangyari? Yun ba ang dapat na gawin ha?!" Sigaw ko

" Isang linggo ! Isang linggo akong nagmumukmok dahil hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang nangyari ! Kita mismo ng dalawang mata ko ang lahat ng nangyari tapos ano? Sasabihin niyo na hindi tama ang ginagawa ko? Nasasaktan ako dahil wala akong nagawa" Dagdag ko pa. Isang linggo akong tahimik at sinarili ang nararamdaman.

" Bakit sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan ha !" Sigaw sa akin ni Misaki

" Glenn maging kami walang nagawa nung oras na yun. Maging ang mga mata namin ay saksi sa lahat ng nangyari !" Dagdag pa niya

" Lahat tayo nasasaktan. Lahat tayo walang nagawa para mailigtas si sensei. Glenn masakit din sa amin ang nangyari. Alam mo bang parang tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko ha? Oo nung una nagmukmok din ako pero naisip ko,hindi naman sasaya si sensei kapag nakikita niyang ganun ang ginagaw ko,natin." Lexter

Nanginginig ang mga kamao ko. Tuluyan na rin tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina. Bakit angdali lang maghilom ang sugat nila?

" hindi madaling maghilom ang sugat na meron sa puso ko ngayon. Alam niyo kung bakit? Dahil mas malalim. Mas malalim ang nararamdaman ko." Sabi ko na nakapagpatahimik sa kanila. Seryoso lang si Nico at hindi nakikialam sa sagutan namin pero alam ko deep inside ay nasasaktan din siya.

" mas malalim na halos hindi ko na alam ang gagawin para humilom ito. Mas malalim na hindi ko na alam kung paano bumangon. It really hurts ! I even ask myself,kaya ko pa ba?" Tuloy lang ako sa pagluha at ganun din sila.

" bakit ganun? Bakit andali niyong maghilom ?"

" Sa tingin mo ba magaling na ang sugat sa puso namin?" Dex

Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. Nakayuko lang siya habang sinasabi niya yun.
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao

" Glenn, until now... I'm still hurting. I am still hurting na naisip kong sumunod kay sensei pero hindi ko ginawa. Dahil naisip ko na kapag buhay pa si sensei ay babatukan niya ako at sasabihing " baliw ka ba? Oo mahalaga siya sayo pero hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. May kaibigan ka pa na tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sayo. You must continue your life. You must keep on moving forward." Glenn naiintindihan kita pero kailangan nating magpatuloy kahit masakit. Kahit mahirap ay dapat kayanin natin. Dapat maging matatag tayo dahil may mga taong pang nag-aalala." Sabi niya at umalis na. Isa isa na ring lumabas sipa Misaki,Lexter at Ivan.
Tumitig ako kay Nico nang hindi pa siya umaalis.
Tumingin siya sa akin,mata sa mata at tumayo ng tuwid mula sa pagkakasandal niya sa pader.

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon