-NICA'S POV-
" Wowww !" George habang nililibot nila ang condo ko.
" nice pad." Misaki kaya nginitian ko na lang sila.
Dumiretsu naman ako sa banyo ng kwarto ko at kinuha ang medicine kit doon. Paglabas ko ay kitang-kita ko na relax na relax ang anim.
Aba mga feel at home ah !Nilapitan ko si Dex na hanggang ngayon ay tulog pa rin at sinimulang gamutin ang mga sugat at pasang natamo niya kanina. Sa tingin ko bukas na ito magigising paano naman kasi hindi na ata dahil sa pagkakabugbog niya kaya tulog pa rin tung mokong na to eh. Dineretsu na niya para makapagpahinga siya. Madaya ! Samantalang nagpakahirap kaming ilusot at dalhin siya dito. Ay hindi sila Glenn lang pala ehe !
Pagkatapos ko siyang gamutin ay inilipat ko ang tingin ko sa mga estudyante kong relax na relax na nakaupo dito.
Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila ay sabay nila akong tinalikudan.Napakunot-noo ako dahil sa inasal nila. Huwag mong sabihing??
ABA ! Mga mahilig makipag-away pero mga takot palang magpagamot ng sugat HAHAHAHA !
" hoy... Kung iniisip niyong palalampasin ko yang mga sugat niyo ay nagkakamali kayo." Ako, kaya nagsitayuan sila at akmang lalabas na ng condo ko ng magpalipad ako sa direksyon nila ng mga shuriken at dahilan ng paghinto nila.
Sabay silang tumingin sa akin at ngumiti ng alanganin." hehe... Ah sensei kami na lang gagamot ng sugat namin??" Lexter
*smirk*
--------------------
" aahhh !!!" Ivan
*boink*
" aray naman sensei." Reklamo niya ng batukan ko siya
" eh paanong hindi ka mababatukan, hindi pa nga dumadampi itong cotton na tu sa pisnge mo eh sumisigaw ka na." Ako
Ang-oa kasi ng manyak na to. Buti sana kung sumigaw lang siya dahil sa sakit ng sugat niya e yung sigaw niya kasi pangmanyak. With feelings -_______-
" sige na dun na, tapos na." Taboy ko sa kanya ng malagyan ko na ng band-aid ang sugat niya sa pisnge. Ang liliit nga lang ng sugat nilang lima kumpara sa sugat na natamo ni Dex eh pero makasigaw tung lima na to akala mo mga babae.tsk !
*grrrrrrr*
*^___^* V
Ehe ! Gutom na kami
" Sino magluluto?" Tanong ko
" sensei naman, ikaw may ari ng condo na to dapat ikaw na magluto tsaka sakit ng katawan namin eh." Angal ni Misaki at nagsitanguan naman ang iba
Napatsk na lang ako at dumiretsu sa kusina.
" kapag ito hindi niyo kinain,naku sinasabi ko sa inyo malilintikan kayo." Kausap ko sa sarili ko
Kumuha ako ng karne sa ref, kamatis, kangkong,
ammmmmm kailangan ba ng suka at toyo ang sinigang? Ah basta bahala na !
Nagpakulo ako ng tubig sa kaserola at ng kumulo ito ay inilagay ko na lahat ng ingredients. Inilagay ko na din ang toyo at suka.
Tinikman ko ito at parang kulang sa asim kaya nilagyan ko ulit ng suka pati na rin asin at tinikman ulit. Mmmmm ang-asim !! Pwede na to. Kaya hinayaan ko na lang munang kumulo.
Habang hinihintay maluto ay napadako ang mata ko sa cabinet dito kusina. Nakakita ako ng mga sachet na may nakasulat na SINIGANG MIX. Teka? Kailangan pa ba to?Kaya kinuha ko ito at inilagay sa sinigang na niluluto ko. Hindi ko tinikman dahil kumukulo na ito,luto siguro ito. Inilagay ko na ang niluto ko sa isang malaking bowl at sinunod ko naman ang kanin. Marunong naman akong magsaing eh.
Inihanda ko na lahat sa dining area kaya sila na lang ang kulang. Matawag na nga sila nang makakain na.
-----------------------
" wow ! Mukhang masarap sensei." Lexter
" favorite ito ni Glenn sensei." George
" sigurado bang makakain to?" Glenn kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lang siya.
" wag mo ngang ginaganyan si sensei, mukhang masarap naman itong niluto niya eh." Dex
Oo, nagising ang mukong ng tinawag ko silang kakain na. Mukha ngang walang nangyari eh. Um-acting lang ata tong lalaking ito eh. Brat !
" tsaka favorite mo naman talaga ang adobo dude." Misaki
Adobo?
" oo nga, tara kain na para matikman na natin ang adobong niluto ni sensei." Lexter
Ha?
" ITTADAKIMASU !!" Sila at akmang kukuha na ng pagkain ng pigilan ko sila kaya tumingin sila sa akin ng may pagtataka.
" sinong nagsabing adobo ang niluto ko ?" Ako
" hindi ba adobo to? Halata namang may toyo ito eh." Glenn at hinalo-halo pa yung nasa bowl kaya tinampal ko ito palayo.
" tsk ! Hindi yan adobo,sinigang yan !" Iritang sabi ko sa kanila kaya tinignan nila na sabay ang sinigang na niluto ko.
Yung totoo uso sabay gumalaw ngayon?
" ito?" Glenn
" sinigang?" Misaki
Tumango naman ako bilang sagot
" weh?" George
" di nga?" Lexter
Napasimangot ako at tumingin kay Ivan at Dex na mukhang nashock pa at mabilis na umiling.
" kumain na nga tayo. Eatwell" nakangiting sabi ko,Pagkasabi ko niyan ay agad na silang nagsikuha ng pagkain nila at nagsimulang kumain pero ilang sandali lang bigla silang napatigil sa pagsubo.
" oh anyare sa inyo?" masungit na tanong ko sa kanila kaya umiling sila ng sabay at kumain ulit pero this time ay dahan-dahan na.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Mukhang matagal pa kasi silang kumain eh.
" mauna na akong matulog. Hugasan niyo mga pinagkainan at dito na rin kayo matulog malalim na ang gabi para umuwi pa kayo. May isa pang kwarto sa tabi ng akin, doon na lang kayo. Pero kung trip niyong dito na lang sa sala ay pwede din. Basta iligpit niyo mga gamit pagkatapos." Ako at tumango si Glenn sabay thumbs up.
Naglakad ako patungo sa kwarto. Nang nasa loob na ako ay agad akong tumakbo sa banyo.
SHIT ! Nakakamatay pala yung niluto ko.
--------------------
-GLENN'S POV-
Pagkaalis ni sensei ay agad naming iniluwa ang pagkaing hindi namin manguya-nguya.
Sheeeez ! Pagkain pa ba to?
" Sheez ! Sa susunod huwag na nating paglutuin si Sensei." Misaki
" ma- Food poison pa tayo kapag nagkataon." Sagot ko
" akala ko mamamatay na ako, kawawa naman mga babae ko." Ivan
" habang nasa bibig ko ang niluto ni sensei ay bigla kong naisip ang masasayang pangyayari ng buhay ko." George
" nakakamatay talaga." Lexter sabay inom ng tubig
" huhuhu ! Ang-mean niyo kay sensei." Dex kaya tumingin kami sa kanya.
" EH DI IKAW NA LANG KUMAIN." Sigaw namin sa kanya
Pero ang mokong ay ngumiti lang habang nakapeace-sign pa
" di pwede magbiro? Tara tulog na tayo. He-he. Ako na lang magluluto bukas." Dex
Buti naman dahil baka hindi na kami makalabas ng buhay dito.
(^_-)V
BINABASA MO ANG
Bad-ass Teacher
AksiyonI'm not a Mafia Leader, I'm not an assassin , Not even a gangster But I know martial arts,boxing,taekwondo, and other combats. I can use guns,swords,shurikens and many kinds of weapon. My Father trained me to fight. My mom taught me how to use diff...