-NICA'S POV-*sigh*
Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom ngayon. Hindi ko alam pero angtahimik ng paligid kahit na may mga estudyanteng nagtatawanan, nagkukwentuhan, at kung ano-ano pa. Am I deaf ? O sadyang wala lang akong pakialam sa paligod ?
This is not good.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng classroom ay tumambad sa akin ang estudyante kong may mga ngiti sa mukha pero hindi ko naman masuklian.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga mukha nila lalo na sila Glenn ng makita ang itsura ko ngayon."W-what happen to you...s-sensei?" Lexter
Sino nga bang hindi mabibigla kung nakita mo ang teacher mong pumasok ng classroom na may pasa at sugat sa mukha at ibang parte ng katawan?
Ano nga bang nangyayari sa akin?
Pagod na rin ako." I've been in a fight." Malamlam kong sabi sa kanila, halos manlaki ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ko. Napatayo din sila Glenn at bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
" against who?" Tila may galit na tanong ni Glenn. Tinignan ko siya,mata sa mata.
" myself."
Biglang lumambot ang expression niya ng marinig ang sinabi ko.
" Is it about George?" Misaki,napaiwas naman ako ng tingin ng banggitin niya ang pangalan ni George.
" sensei... Mahahanap din natin siya." Lexter
" h-hindi niyo naiintindihan. Ako ang dahilan kung bat kayo napahamak. Hinanap ko siya pero hanggang ngayon... Wala pa rin. Pagod na rin ako. Nawawalan na rin ako ng pag-asang mahahanap ko pa siya" Sabi ko na halos pabulong na lang. Nang-iinit din ang gilid ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
" hindi ko alam na mahina ka pala sensei."
Napa-angat ako ng tingin kay Ivan ng sabihin niya yun sa akin. Maging ang mga kaklase niya ay mababakas ang pagkagulat dahil sa unang beses ay napakaseryoso niya. Walang halong kalokohan at kamanyakan.
Kung wala siguro kami sa ganitong sitwasyon ay malamang matatawa ako pero hindi. Hindi ito ang tamang oras para tumawa.Mahina nga ba ako? Siguro nga oo.
" Akala ko noon matapang ka at Walang inuurungan. Pero ano to sensei? Nagpapakahina ka. Ikaw na ilang buwan mo lang kaming nakilala ay nasasaktan dahil hanggang ngayon... Wala pa rin si George. Pero paano naman kaming mga kaibigan niya? Paano ako na simula pagkabata ay magkasama na? Nasasaktan din kami sensei. Dahil kami mismo wala ring nagawa noong kunin siya. Tapos ngayon ano? Ni hindi nga natin alam kung b-buhay pa ba siya o... O hindi na." Ivan, halos pabulong na rin ang pagkakasabi niya nang huling mga salita. Nagulat din ako na may mga luhang tumulo sa kanyang mata.
Nakita kong napayuko sila Glenn ng marinig ang sinabi ni Ivan. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan." pero kahit ganun, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makikita pa rin natin siya. Hinding hindi ako mapapagod sa paghahanap sa kanya. Sabi nga nila nothing is impossible because the word itself says "I'm possible". Sana ganun ka rin sense. Sana wag ka sumuko na lang. Hindi ba't sinabi mo sa amin noon " Keep fighting and never forget what you're fighting for"? Please... Sensei... Please keep fighting... With us." Ivan
Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga paa ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Ivan at napaupo na lang habang hawak hawak ang dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak ko. Umiiyak ako dahil alam kong tama siya.
Umiiyak ako dahil ako pa mismong guro nila ang halos pasuko na pero sila... Sila pa ang naging eye-opener ko. Sila ang gumising sa akin at sinabing hindi pa huli ang lahat.
BINABASA MO ANG
Bad-ass Teacher
ActionI'm not a Mafia Leader, I'm not an assassin , Not even a gangster But I know martial arts,boxing,taekwondo, and other combats. I can use guns,swords,shurikens and many kinds of weapon. My Father trained me to fight. My mom taught me how to use diff...