Chapter 25 : The Traitor

11K 352 20
                                    


-NICA'S POV-

Kasalukuyan kong sinusundan si Dex ngayon. Hindi ko alam kung saan siya papunta ngayon dahil hindi siya nagpaalam. Nakita ko na lang siya kanina sa cctv na palinga-linga at lumabas ng gate ng hindi sinasabihan ang mga kaibigan kaya pasekreto ko siyang sinundan. Ibinilin ko kanila Glenn na bantayan nila si George na nasa loob ng kwarto niya.

Nakajacket ako ngayon at nakasombrero. Nakalugay din ang mahaba kong buhok at nakasuot ng shades para hindi niya ako mamukhaan kung sakali.

" Aray ! Ano ba ? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Tsk !" Dex

Pasimple ko siyang binunggo at nilagpasan siya agad ng hindi man lang humihingi ng paumanhin. Aba syempre naman alangang lumingon pa ako di ba?

Agad kong inactivate ang earpiece ko ng makalagpas ako sa kanya at nagtago sa malapit na eskinita.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa pumasok siya sa isang Italian restaurant at umupo sa table malapit sa glass wall kaya kita ko pa rin siya hanggang ngayon kahit na nasa labas ako.
Ilang sandali lang ay may isang di katandaang lalaki ang lumapit sa table niya. Nakipagkamay muna siya bago ito umupo kaharap si Dex. Inactivate ko na rin ang device na idinikit ko sa kanya ng pasimple ko siyang binunggo kanina para marinig ang kung anumang pag-uusapan nila.

" Napakalaking tulong ng impormasyong ibinigay mo kahapon." Sabi ng lalaki

" kung ganoon ay maibibigay niyo na siguro ang kailangan ko ngayon?" Dex

" makakaasa ka." Sagot ng lalaki.

Hindi ko na muling pinakinggan ang ibang usapan nila at naglakad papunta sa restaurant na kinaroonan nila. Alam ko naman kung ano ang hinihinge ni Dex at kung ano ang pinag-uusapan nila. Sabi ko na nga ba't tama ako, tama ang mga hypothesis ko.

Pumasok ako sa restaurant at lumapit sa table nila. Nang mapansin ako ni Dex ay biglang nanlaki ang mga mata niya at kapansin pansin din ang paglunok niya na parang huling huli siya sa akto. Sinasabi ko na nga ba.

" s-sensei."

" makakaalis ka na." Tukoy ko sa lalaki at mabilis naman siyang nagpaalam kay Dex at umalis na. Umupo naman ako sa dating kinauupuan nung lalaki at nakipagtitigan sa kanya.

" ah s-sensei. L-let me explain."

-------------

-MISAKI'S POV-

" pwede ba Glenn maupo ka muna. Kanina pa kami nahihilo kakalakad balik mo eh." Lexter

" oo nga naman Dude, chill ka lang." Ivan

" Chill? Guys paano ako magiging chill kung alam kong may ayaw sabihin sa atin si Sensei?"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla siyang natahimik na parang may nasabi siyang hindi niya dapat sabihin.
Nakatingin kami sa kanya ngayon ng seryoso.

" What do you mean?" Tanong ko. May alam siya at hindi niya sinasabi yun.
Napabuntong hininga siya at tumingin sa amin ng seryoso.

" hindi ko naman gustong marinig o makinig kahapon. Gusto ko sanang kausapin si Sensei kaya pumunta ako dito sa sala at ng tatawagin ko na sana siya ay saka ko naman narinig ang pinag-uusapan nila Jk,Dino at Nico." Sabi niya

" anong pinag-uusapan nila?" Lexter

" chosero ka rin noh?" Ivan kaya sinamaan namin siya ng tingin. Hindi ito oras para makipagbiruan.

" They are talking about a traitor." Glenn

" WHAT!?" Sabay na sabi namin at napatayo pa.

A Traitor?

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon