BT 21 : Change

12.7K 451 17
                                    

-NICA'S POV-

Nasa tapat ako ngayon ng pinto ng kwarto kung nasaan si George. Sila Glenn ay nasa baba at kumakain kasama sila Tanda. Hindi na muna ako sumabay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakain si George kaya napagpasyahan kong pakainin na muna siya.
Inilapag ko muna saglit ang tray na naglalaman ng pagkain niya. Nasayang kasi yung pagkain niya kanina nung nagwala siya kaya natapon.

*tok tok*

" George, si Sensei ito. Pwede ba akong pumasok?" Sabi ko ngunit wala akong nakuhang sagot kaya napagpasyahan kong pumasok na lang.

Pagpasok ko ay nakita ko nanaman siyang nakatingin sa bintana at tulala.
Inilapag ko muna ang tray sa may side table. Umupo ako sa kama niya habang hawak-hawak ang isang mangkok ng soup.

" kain ka muna? Sabi ni Nico hindi ka pa daw kumakain simula kagabi." Ako

" ayoko." George

" George kailangan mong kumain para may lakas ka." Pagngungumbinsi ko sa kanya.

" ayoko." George

*sigh*

Inilapag ko ang mangkok pero nanatili akong nakaupo sa kama katabi niya.

" kamusta pakiramdam mo?" Ako

" lumabas ka na." Walang buhay niyang pagtataboy sa akin

" alam mo, masaya ako kasi nandito ka na." Hindi ko pinansin ang pagtataboy niya at tuloy lang ako sa pagkikipag-usap sa kanya

" sobra akong nag-alala noong nawala ka. Alam mo bang namimiss ka na ng mga kaibigan mo lalo na si Ivan?" Nakangiting pagkwento ko sa kanya

" SINABING LUMABAS KA NA ! Hindi mo ba ako naiintindihan ha?! " Sigaw niya kaya nagitla ako. Bigla nanaman siyang nagwala at nagsisisigaw ! Pero imbes na umalis ay mas pinili kong manatili.

*pak*

Bigla siyang natigil sa pagsigaw ng masampal niya ako dahil sa pagwawala niya. Nagkaroon din ako ng gasgas sa pisnge dahil sa mahabang kuko niya.
Kita ko ang lungkot,pagsisisi at....takot sa mga mata niya. Kaya imbes na magalit ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

" wala kang kasalanan. Aksidente lang ang nangyari ha?" Pagpapakalma ko sa kanya. Biglang nagtaas-baba ang balikat niya,indekasyon na umiiyak siya. Naramdaman kong niyakap rin niya ako pabalik

" s-sensei...n-natatakot ako." George

" Shh.. Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Nandito kami ng mga kaibigan mo. Hinding hindi ka namin pababayaan. Ha?" Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang mga luha niya.

" poprotektahan kita. Hinding-hindi ka na nila makukuha sa amin. Pangako yan." Ako,huminahon naman siya dahil dun kaya kinuha ko ang mangkok at kutsara para pakainin siya.

" kumain ka na ha?" Ako at itinapat ang kutsarang may lamang sopas. Napangiti ako ng inisubo niya yun at kinain.

Huwag kang mag-alala, malapit na ang araw na pagbabayaran nila ang mga kasalanang nagawa nila. Hindi lang sayo kundi pati na rin sa mga inosenteng tao na inagrabyado nila.

----------------------

" Sensei kamusta siya?" Ivan

" sa tingin ko ay kailangan pa niya ng kunting oras. Sigurado akong babalik din siya sa dati." Ako

Pumailanlang ang katahimikan dito sa living room. Kami lang nila Glenn ang nandito ngayon.
Kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nico.

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon