Chapter 26 : Beginning

12.2K 367 20
                                    


-NICA'S POV-

" okay na ang mga armas At ang mga kasama sa labanan mamaya." Nico

" Jk ikaw ang bahala sa cctv's at mga earpiece na kailangan." Sabi ko kay Jk

" copy."

" Nica paano sila Glenn? Isasama ba natin sila?" Tanong ni Dino sa akin

" no. Mananatili sila dito hanggang sa matapos ang labanan." Seryosong sagot ko.

Hindi sila pwedeng sumama dahil delikado at ayoko silang mapahamak. Iba ang labanan na papasukan namin. Labanan ito ng dalawang mafia at hindi sila kasama doon. Hindi ako makakapayag

Mamaya na... Magsisimula na.

At sisiguraduhin kong ito na rin ang huli. Dito na magtatapos.

------------------

-GLENN'S POV-

" ano ba Dex wag ka malikot." Angal ko kay Dex dahil sa naitutulak niya ako.

" pwede ba huwag kayong maingay mabibisto pa tayo ni Sensei neto eh." Lexter

Pasekreto kasi namin silang pinapakinggan at inaalam kung ano ang plano nila.
Ayaw ni sensei na sumama kami kaya gagawa kami ng paraan mamaya para makatakas dito at makasunod sa Dark Wings mansion na susugudin nila . Ang Dark wings mansion ang main hideout nila at doon namamalagi ang pinuno nila na si Dennix Montello na step-father pala ni George.

" Nica ready na ang lahat." Nico

" sige, sabihin sa mga bantay na siguraduhing hindi makakaalis sa mansyon sila Glenn. Tara na."

Agad kaming umalis sa kinapupwestuhan namin at pumunta sa kwarto ko kung nasaan ang mga laptop ni Dex. Kung hindi niyo alam ay isang hacker itong childish na Dex na ito. Siya ang mas may alam sa mga technologies .

" nailagay mo ba sa damit niya yung device ?" Tanong ko

" oo naman, naidikit ko na sa kanya nung kumain tayo kasama sila kanina." Sagot niya at in-on ang laptop niya.

Sinabi daw kasi sa kanya ni Sensei na nalagyan siya ng device noong araw na umalis siya kaya sa pagtataka niya ay naghubad siya kaagad nun at hinanap ang device sa damit niya. Binatukan pa namin siya nun dahil walang hiya siyang naghubad sa harapan namin at nila sensei.
At ng mahanap niya yun ay ano pa bang aasahan sa katulad niya? Binutingting niya at ginawang tracker device at yun ang device na tinutukoy namin na idinikit niya kay sensei noong kumakain kami ng tanghalian.

" Got it ! Alam ko na kung nasaan ang Dark wings mansion." Sigaw niya at nakipag-high five pa samin.

" ngayong alam na natin, paano naman ang armas natin? Alangan namang sasabak tayo sa gyera ng walang armas?" Tanong ni Misaki ngunit ngumisi lang si Dex. Aba anong meron sa ngising yan?

" hindi na problema yan. Palibhasa kasi puro training ang inatupag niyo at pabanjing-banjing. " pang-aasar niya sa amin. Napataas-kilay naman kami

" what do you mean?" Tanong ko.

" alam niyo bang may secret room si sensei sa loob ng kwarto niya? At napakaraming klase ng armas dun."
Manghang-mangha pa siya habang sinasabi yan.

Binatukan ko nga

" paano mo nalaman yan ha? Sinisilipan mo ba si Sensei?"

" hoy mga utak niyo ! Sa gwapo kong to manyak? Ano 'ko si Ivan? Hindi noh !" Angal niya at si Ivan naman bumatok sa kanya

" eh paano mo nalaman yun?" Tanong ni Lexter

" eh kasi ganito yun, hindi naman kasi naisaradong mabuti ni sensei yung pinto kaya sumilip ako-- aray !"

Bad-ass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon